CHAPTER 20

33 8 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locals, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. PLAGIARISM IS A CRIME

______________________________________

Hasmet pov

"Ano?"ano bang sinasabi nito

"Sabi ko kako kung nagkaboyfriend ka na?" Panguulit niya

"Oo.."tipid kong sagot, ano bang pumasok sa utak niya na tanungin ako kung may boyfriend na ako. Close ba kami nito?

"Ok..Pero kayo pa ba?" Tinignan ko siya pero ang tingin niya sa malayo habang inihip niya ang kanyang sigarilyo,

"Wala na.." bat parang normal conversation namin hindi na parang sarkastic or murahan, Sinasapian ba nito ng diablo?

"Bat ang tipid mo namang sumagot.." ayan na parang naiinip na siya, Bakit ba kasi may anger issue nitong gago na to,

"Kasi tinatamad na akong magsalita.."tinapon ko na ang sigarilyo ko na maubos nito.

"Wala na bang ikahaba yang salita mo?"

Luh, Bakit ba ang kulit nito sabing tinatamad magsalita yung tao e.. psh

"Wag mo kasing pilitin ang tao kapag tinatamad sila mag salita, you'll know that I'm not talkative person.."

"Ewan ko sayo.. tsk" tinapon niya rin ang kantang sigarilyo

Awkward..... Walang nagsalita na saamin..

"Matanong ko lang.."sabi niya

"Ano naman.."

"Could you please be serious?" Ayan nanaman galit na siya

"Ok, sige ano nanamn yun?"seryoso kong sabi.

"Kayo pa ba ngayon?" Ibinaling niya ang tingin sakin, kita ko sa mukha niya seryoso siya.

Napamaang ako sa sinabi niya, naninibago ako sakanya ah..

"Why are you saying that.."naiilang ako sa mga tingin niya saakin..

"Please answer.." he said.

"I don't wanna talk about that.." seryoso kong tugon sa sakanya, ayaw ko mapagusapan ang mga ganyan.

"Get inside, uuwi na tayo.." nauna na siyang pumasok sa kotse at sumunod rin ako ,nakarating kami sa mansion na walang kibuan, Pagpasok namin sa loob nauna na siyang umakyat sa hagnanan, Tinignan ko ang orasan ko sa cellphone napagtanto alas dyes na palang gabi, Umakyat na rin ako sa taas at pumasok sa kwarto ,naabutan ko si kyle na natutulog na, Pag katapos kong ligpitin ang mga pinamilihan ,Pagkatapos kong ligpitin nagbihis na akong pantulog at humiga na, iniisip ko parin kanina bakit ganun ang mga tanong ng gagong yun sakin.. pero Maya't maya pa dinalaw na akong antok at natulog na,

Nagising ako sa tunog ng alarm ko at agad na rin ako bumangon at nag stretch, ngayon na pala kami papasok sa school.,nakita ko si Kyle nagluluto ng agahan pero naka bihis uniform na siya, Dahil lumuluto pa siya, naligo na ako at pagkatapos nagbihis na rin akong uniporme, Tinignan ko sarili ko sa salamin

"Wow bagay ah ,muka tayong yayamanin ahahahaha"pabirong sabi ni kyle,

"Bwiset.."

"Ano ba yan ang aga aga ang init ng ulo mo ,oh siya kumain na tayo"

Kumain ng kaming dalawa at pagkatapos nagtoothbrush na kami pagbaba namin pumunta kmi sa kitchen para magpa alam pero naabutan namin nagaalmusal sila.

"Oh hasmet and kyke halika kain tayo.."pagaayaya samin ni ma'am jenna, nahagip ang mata ko si gago na seryoso ang kanyang mukha,

"Wow bagay ang mga uniporme sainyo ah, ang gwagwapo niyong tignan haha" sabi ni sir

"At naku sir hindi ako gwapo ,maganda lang ako"tugon ni kyle tsaka nag pose kaya ikinatuwa nila,

"Tapos na po kami magalmusal kaya salamat nalang po"kaswal kong sabi

"Oh sige kayo bala ,ipapahatid ko kayo kay manong kanor..Teka ah, aleng ester" tawag ni ma'am sa kasambahay.

"Ano po yun ma'am?"

"Tawagin mo ang driver natin na si mang kanor na ihatid sila sa HHSU"utos ni ma'am

"Sumama na kayo kay aling ester , kyle and hasmet sila na ang magiging driver niyo tuwing uwian and papasok."

"Salamat po ma'am " pagpapasalamat namin tsaka sumunod kay aleng ester .

Pumunta na kami sa labas at napansin ko si aleng ester na may tinatawag sa telepono niya pero,

"Antayin niyo lang dito mga iho ang driver niyo dahil may aasikasuhin pa ako"

"Sige po"sabi ni kyle

Tsaka na umalis siya, nakita namin sa di kalayuan na may kaedaran na lalaki at lumapit samin,

"Halika na kayo mga iho ,sumunod kayo sakin, "sabi niya

Sumunod kami sakanya nakapunta kami sa parking area dito sa mansion.na puro kotse sa loob ,

Naol yayamanin

"Pumasok na kayo para maihatid ko na kayo tsaka ako nga pala si mang kanor ang taga hatid at sundo niyo, eto number ko"binigyan kami niya na papel na nakalagay ang number niya" text and call niyo lang ako paguwian niyo na.."

"Sige po salamat,"sabi ko sakanya,mukhang mabait siya at parang matagal na dito siya nanilbihan. Pinaandar na niya ang makina at tsaka nagmaneho

Ok back to school nanaman tayo..




































To be continue.....

Love In Another Heart (Bxb) [under editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon