LDR?

748 16 0
                                    

What she thought was right......

They both have feelings for each other.... Hindi nawala ang communication nila...

Skype, ,viber, Facebook, Twitter...

Updated sila sa mga nangyayari sa isa't isa. Pwedeng sabihing MU sila...

Siguro naranasan niyo ng

Kahit nakasilent ang phone mo sa bawat blink nito umaasa ka na sana siya yun...

Sa bawat text, chat, tawag sa skype eh kinikilig ka.... Nakangiti ka habang binabasa messages niya.

Ang ganda ng araw mo kapag nakausap mo siya at parang may kulang pag wala kang matanggap na message sa kanya.

Araw araw silang nag uusap, lagi nitong kinukumusta ang pag aaral niya kung kumain na ba siya, kung ano ginawa niya. Lagi din nitong sinasabi na Miss na siya nito.

Parang energy booster ang ngiti nito. Feeling ni Jackie ang liwanag sa paligid niya. Ang lungkot ng pag iisa at malayo sa pamilya ay naiibsan.

"Hi",bati ni Jack habang nagskype sila

"Hi! Musta na? ", sabi naman ni Jackie

"I miss you", sabi naman ni Jack

"I miss you too",nakangiting sabi ni Jackie

Na abot hanggang Edsa to Fairview ang ngiti.

"Kumain ka na?",tanong naman ni Jack

"Yeah and you?", tanong din ni Jackie

"Hindi pa eh ", sagot naman ni Jack

"Oh bakit Hindi ka pa kumakain?",tanong naman niya

"Kararating ko lang kasi", sagot naman ni Jack

"Galing saan?", tanong naman niya

" sa Pinas", sagot naman ni Jack

"Baliw hahaha", natawa niyang sabi

"Oo nga kaya buksan mo na tong pinto kasi gutom at pagod na ako please ", sabi nito

"Seryoso?", seryosong tanong ni Jackie

"Oh", sabi ni Jack Sabay Pakita sa Skype ang pintuan ng unit ni Jackie

"Naniniwala ka na?", sabi ulit ni Jack

Nagmamadaling binuksan ni Jackie ang pinto at niyakap si Jack

Nakangiti naman siyang sinalubong ni Jack

"What brings you back? ", excited pero kinikilig na tanong ni Jackie

"Business ", matipid na sagot ni Jack habang Paupo sa sofa

"Ah okay sige wait prepare lang ako food magpahinga ka muna", nagmamadaling sabi ni Jackie na medyo nadisappoint

Siyempre Akala niya siya ang pinunta nito

After 30 minutes mabilis niyang naluto ang Adobo at Kanin. Actually ininit niya lang ung Adobo at hinintay niya lang maluto ang kanin

"Hey food is ready!", tawag niya Kay Jack

"Alright sa wakas", sabi naman ni Jack

Habang kumakain si Jack

"Anung business ang pinunta mo dito sa US?", tanong naman ni Jackie

"Hmmm Sarap ah Ikaw ba nagluto nito?", pag iiba naman sa topic ni Jack

"Oo niluto ko yan kanina", sagot naman ni Jackie

Natapos nang kumain si Jack pero Hindi pa rin siya nito sinasagot sa tanong niya

Pagkaligo ni Jack

"Thank you baby ", sabi naman nito

"Ha para Saan?", tanong naman niya. Kinikilig naman siya dahil tinawag siyang baby kaya medyo nawala ng Konti ang Tampo niya sa Hindi nito pagsagot sa kanya sa tanong niya kung anung business ang pinunta nito

"Sa food at kahit binigla kita sa pagdating ko eh okay lang sayo", sagot naman nito

"Ah yun lang pala", sabi naman ni Jackie

Bago Pumasok sa kwarto si Jack Eh

"Wait Before I sleep ahm , di ba tinatanong mo kung bakit ako nandito?", Sabi nito

"Oo", sagot naman niya

"Kasi sabi ng isang babae 2 years lang daw ako maghihintay Eh 3 years na kaya pinuntahan ko na lang", nakangiti nitong sabi

"Ha?", nagulat na sabi ni Jackie

"Goodnight wake up early my pupuntahan tayo", nakangiti ulit na sabi ni Jack

"Ok", sabi naman ni Jackie

Na pagpasok sa kwarto ay napasandal sa pinto

"This is it!", kinikilig na sabi niya sa sarili

Mr. Past meets Ms. PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon