This is it Again

428 13 0
                                    

Finally Magkakasama na sila pero parang gaya ng mga panahon na nasa US siya sa mga text na lang sila nagkakaugnayan

So near yet so far sabi nga nila

Akala niya magiging madali na ang lahat siya na gagawa ng paraan para malaman ni Jack ang tunay niyang damdamin

Ilang buwan na siya sa Pilipinas minsan lumalabas sila dinner, movies , at minsan sinasamahan siya nito magshopping

Hanggang magdecide siyang sabihin ito sa birthday dinner ni Jack

Magkakaroon Ito ng party after so many years

Madalas lalabas lang sila for dinner but this time magpapaparty Ito

May dresscode dapat nakablack daw ang mga dadalo

Palapit na siya sa hagdan ng restaurant ng matanaw niya ang isang babaeng papasok na sa pinto napansin din niyang madilim sa loob ng restaurant at Hindi sumunod sa dresscode ang babae dahil nakaputing dress Ito

Pagpasok na pagpasok nito biglang umilaw sa loob ng restaurant animo hinihintay lang ang pagdating niya

Pagdating niya sa pinto nakita niya si Jack papalapit sa babae at lumuhod nakangiti ito at biglang nagsalita

"Everytime I'm with you it seems time stops and I can't explain the happiness I feel", sabi ni Jack habang nakaluhod

Habang gulat na parang naluluha naman ang babae sa kilig, tuwa , saya marahil

Nang makalapit siya nakumpirma niyang si Chloe ang babae

"Will you marry me?", sumunod na Sabi ni Jack

Na siyang kinagulat ng lahat pero lalo na si Jackie, muntik pa siyang ma off balance

Biglang yumakap si Chloe Kay Jack at nagpalakpakan ang lahat

"Yes I will", umiiyak na sabi ni Chloe

"This is the best gift ever!", tuwang tuwang sigaw ni Jack

Hindi na napigilan ni Jackie ang luha, dahil parang tinarak ang kanyang puso, biglang nanikip ang dibdib niya

Hindi na napansin ni Jack ang pag alis ni Jackie dahil sunud sunod na ang pagcongratulate ng mga bisita

Hindi niya nakita kung paano nagunaw ang mundo nito kung Saan alam ni Jackie na iyon ang oras para isuko na ang pag ibig sa lalaking pinangarap at minahal niya sa habang panahon

Mr. Past meets Ms. PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon