"Salviris!!!!!" Sigaw ng Tita Shen ni Salviris, ginigising kasi nito ang pamangkin para isama sa pagtatrabahuan niya. Walang iba kundi sa Montemayor's Mansion.
Napabalikwas naman ng bangon ang dalaga at ininda ang sakit sa katawan.
Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon ay masakit ang kaniyang ulo at katawan kung gayon ay ilang araw na ang lumipas pagkatapos ng nangyari.
Madalas na ang pagsuka ng dalaga kada umaga.
Aakmang tatayo na siya nang bigla siyang makaramdam ng pagkasuka. Kaya agad siyang lumabas sa kwarto niya at pumunta sa lababo ng kusina nila. Maski ang tita shen niya ang nakabangga niya sa sala.
Gulat mang napalingon si Tita Shen kay Salviris ay pinuntahan niya agad ito sa kusina.
"Nak...anong nangyayari? Pumapayat ka na, at madalas na din ang pagsusuka mo.." Pilit na maging normal at kinokontrol niya ang sarili
"Nak...buntis ka ba?." Nangingilid na ang mga luha sa mata ni Shen
Narinig niyang humagulgol ang dalaga kaya agad niya itong niyakap
"T-Tita....patawarin mo po ako...h-hindi ko po sinasadya...ni hindi ko nga po ginusto ang nangyari..." Humagulgol si Salviris sa pighating nararamdaman
Hinahagod ni Shen ang likod ng pamangkin para patahanin.
"Shhh, tanggap ko nak. Alam ko namang hindi mo hahayaang may mangyari sayo basta basta diba? Hindi mo kasalanan...at magbabayad ang gumawa sayo niyan.." May diing sambit ni Shen
Paano nalang kung malaman nito na isang Montemayor and dahilan kung bakit may dala dala nang sanggol sa sinapupunan ang kaniyang nag iisang pamangkin?
..
"Hey, bro. Nakatunganga ka lang kanina pa. Ano ba iyang iniisip mo at sobra ang panggagabagabag sayo? That's so unlike you." Sambit ni Johann habang umiinom ng beer in can
Marahas na napabuga ng hangin si Lucas dahil sa pagtatanong ni Johann sa kaniya.
"You don't have to ask." Yamot na tugon ni Lucas at tumayo na mula sa pagkaka upo sa upuan
"Hey! Where are you going?" Tanong nito
Hindi nalang niya ito sinagot bagkus ay lumabas na siya sa classroom. Sobrang ingay doon at samahan mo pa ang mga tanong ni Johann na nakakairita pakinggan.
..
Namumugto ang mata ni Salviris habang nakababad ang katawan sa ilalim ng rumaragasang tubig mula sa shower. Naliligo ito dahil hindi na niya kayang tumambay at umiyak ng umiyak sa bahay.
Gusto niyang pumasok sa eskwela kahit half day man lang.
Ayaw niyang alalahanin ang nangyari noong nakaraang gabi.
Gusto niya ding kausapin at komprontahin ang mga kaibigan niya kuno. Na sila Thea, Cindy, Marli.
Sila lang naman ang dahilan kung bakit nangyayari sakaniya ito.
Lubos ang pagsisising naramdaman ng dalaga. Ang dami ng kaniyang 'SANA'.
Na sana ay hindi nalang siya sumama doon.
Na sana ay umuwi nalang siya ng bahay nang maaga.
Na sana ay makilala at makita na niya ang magiging ama ng sanggol na dala dala niya.
Ang daming sana, pero alam niyang hindi mangyayari ang mga iyon at huli na din.
Nagbihis na siya ng kaswal na dress dahil Wednesday naman ngayon. Wash day sa eskwelahan nila. Yun bang hindi nagsusuot ng uniporme ang mga estudyante.
Nagsuot din siya ng sombrero. At hindi alintana kung ano ang itsura niya. Basta matatabunan lang ang namumugto niyang mga mata ay okay lang.
Ni hindi alam ni Shen na papasok ng eskwelahan ang dalaga. Hindi nga niya sinama sa trabaho pero ito naman ay pumasok nga.
Nang makarating sa malaking gate ng eskwelahan ay humugot muna siya nang malalim na paghinga bago pumasok sa loob.
Kakayanin kaya niyang kausapin ang mga iyon?
Syempre, kakayanin niya.
Pinuno niya ng positibong pananaw ang sarili na magiging maayos lang ang kalalabasan ng pakikipag usap niya sa tatlo.
Nakita niya ang tatlo na nagtatawanan at may hawak na milktea sa mga kamay. Ngayon niya lang nakitang nakakabili ang mga ito. Sabagay, binayaran sila eh.
"Thea....Cindy...Marli..." Tawag niya sa mga ito at lumingon naman agad ang mga ito.
"Oh?"
"Wow!"
"Wahahahaha!!"
Yan ang mga narinig niyang tugon ng tatlo.
Ngunit, dederetsuhin na niya ang mga ito kaya dali dali itong naglakad at kinausap.
"Thea...kayo ba ang may pakana sa lahat? K-Kaya ba ako nagkaganito? K-Kaya ba..." Hindi na niya natuloy ang sinasabi ng bigla siyang sinampal ni Cindy
"Hey bitch, you don't have rights to say something to the Queen. Oh ano? Nag enjoy ka ba? Kagabi? Wahahahahaha!." Parang baliw na tumawa ito pagkatapos magsungit sa kaniya
Nahawakan niya ang magkabilang pisngi.
Walang pagdadalawang isip ay itinulak din siya ni Marli kaya natumba siya sa sahig.
Buntis siya!
Lumuhod ito sa kaniya at sinabunutan siya.
"Akala ko ba nag enjoy ka ha? Eh bakit iiyak iyak ka?." Ngumisi ito nang nakaka asar
Aakmang sasampalin na naman siya nito nang biglang may nagsalita di kalayuan. Isang malalim at baritonong boses.
"If you want to continue living, don't fucking touch what's mine." Sambit nito at umalis na doon
Nasa likod lang si Johann kaya siya ang umalalay kay Salviris para makatayo.
"Hey..are you fine miss?." Tanong nito pagkatapos siya maalalayan
Hindi na siya nasagot nito nang bigla nalang itong tumakbo at sumuka sa damuhan.
"Buntis ka!?." Tanong ni Thea na sumigaw
Nagtitinginan na ang ibang estudyante na naglalakad sa di kalayuan sa pwesto nila.
Ang iba ay nagbubulungan kaya hinila agad ni Johann si Salviris paalis doon.
Pihadong, mapapagalitan siya ni Lucas pag hindi pa niya inalis si Salviris doon. Nakatanaw pa naman ito sa malayo. Kung saan di ito nakikita ng iba.
Nang makarating sa parking lot si Johann akay akay ang nanghihinang Salviris ay pinapasok kaagad niya ito sa Lambo ni Lucas.
Balak ng binata na ipa check ang dalaga sa hospital kaya dadalhin niya ito ngayon.
"Take care bro. She's pregnant." Sambit ni Johann at sinara na ang pinto ng sasakyan
Imbes na walang pakialam si Lucas ay napalingon siya sa gawi ng dalaga sa passenger's seat.
"Fucking hell, I'm gonna be a father..." Mahinang usal ni Lucas at inistart ang engine ng sasakyan
Minamaneho niya ang sasakyan na para bang may babasaging bagay na hindi dapat mabasag pag magpapaharurot siya.
..
Mamaya nalang ipapaliwanag ng dalaga sa kaniyang Tita Shen ang nangyari.
Ipagtatapat na din niya at ipapaalam kung sino ang nakabuntis sa kaniya.
Walang iba kundi si Lucas Montemayor.
..
ITUTULOY......
YOU ARE READING
THE RUNAWAY BRIDE OF LUCAS MONTEMAYOR
Romance(The Book 2 Of Love Series) "You will be my woman until I get enough of you. Salviris." -Lucas Montemayor (RATED 18) "You will be my man and I'll give you all of me. Lucas." - Salviris Falofilla Yin Ano ang gagawin mo kung sakaling mahulog ka sa tao...