III. Shades of Cool
He lives in a completely different world than mine. He's from a very wealthy family, while I came from a fairly ordinary one; nasa middle class. Maliban sa status, ibang-iba rin ang social circle niya sa mayroon ako. His friends are full of easy going, free-spirited people who doesn't like following rules and conforming to the social standards. They're all after art, freedom, and fun.
Marahil ay dahil puro mga mayayaman din.
Samantalang ang mga kaibigan ko'y pag-aaral ang mundo. Most of my friends are academic achievers or skilled and fun is the least of our worries. Kahit wala na iyon, basta makatapos at maging matagumpay sa career na tatahakin.
We're grade conscious, a bit competitive, and serious. Marahil ay dahil gaya ko, mga galing lang din sa ordinaryong pamilya o kaya'y mahirap na pamilya. Pinapahalagahan namin na may mapatunayan sa sarili, makapag-provide sa family o kaya'y makapagsilbi sa bayan.
Don't get me wrong, we love art and appreciate it so much. Nasa creative industry din kami ngunit magkaibang magkaiba kung paano namin inaappreciate at ineexpress ito sa kung paano ginagawa nila Cali. Wala rin kami sa posisyon para i-pursue ito at gawing sekondarya ang pag-aaral gaya nila. Fun and play, and a little bit unserious, that's the way they do it.
Pero kahit na mistulang nasa magkabilang panig kami ng mundo sa dami ng pagkakaiba, hindi iyon hadlang sa relasyon namin. Actually, I think, 70% of my fascination towards him came from it. From the fact that we're two very different people, two different worlds.
To be honest, I love him in his world-- in that kind of world.
Magdi-disagree sigurado ang mga friends ko at lalo na ang mga professors ko, pero I really think they're living in a cool world. Marahil ang tingin sa kanila sa side ng mundo ko'y mga pariwara, panay bisyo, bulakbol, walang direksyon at mga walang pake sa mundo, but if they try get to know them, marerealize nila na pareho lang din naman.
Mga passionate na tao rin sila, iyon nga lang, walang pake sa restrictions ng lipunan 'di tulad namin kaya mas madalas magkamali. Wala rin silang salo-salong burden na tulad ng sa amin kung saan nakasalalay sa amin ang pamilya, o malaki ang expectations sa amin ng mga pamilya namin. That's why they exude a different kind of confidence, the kind that we'll never have or we'll never understand.
Cali stood up and tried to take me pero hindi ako sumama, natawa lang ako sa kakulitan niya. 'Di ko alam kung anong meron pero lasing na lasing siya ngayon. Pinanuod ko lang siya sa kinauupuan kong malaking bato sa park na 'yon, sa paglakad niya'y saktong napadpad siya sa ilalim ng streetlight. Tumatama ang ilaw nito sa kaniya habang mistulang sumasayaw siya nang mabagal sa ilalim no'n.
With the bottle of beer on one hand, the yellow light in his skin, the blush in his face and the intoxicated eyes-- he looked dashing and alluring as he moved. Para bang naka-slowmo. Para siyang nagliliwanag at lumulutang sa mga mata ko. I haven't had a sip of alcohol yet para akong lasing na nakakakita ng mahika sa tunay na buhay.
It was the most beautiful scene I've ever seen in my entire life, and I am certain, I'm falling even harder for him. Hindi matatapatan ng kahit-ano itong nararamdaman ko sa oras na ito.
Habang pinapanuod siya, hindi ko mapigilang maramdaman ang ibang klaseng lungkot. Hindi ko maunawaan ito, pero ito ang pansin ko while being in his world and his kind of people, sometimes total freedom can amount to a different kind of loneliness...
Dahil 'yun ang nararamdaman ko sa mga panahong ganito, he looks so vulnerable and lonely...
I imagined myself walking towards him, taking his hands, dancing with him like we're mad men, then we're going to laugh, or cry, and we're going to hold each other, and we're going to pat each other's back 'til we're comforted enough. Ang satisfying siguro.
But I didn't. I just stayed there, watching him.
Hanggang sa narinig ko na ang mga tunog ng motor sa likod ko. Pagkalingon ko'y pumaparada na ang mga kaibigan ni Cali sa likod at agad kong narinig ang kantyawan nila sa lasing na Cali. Hindi natinag si Cali at patuloy lang sa pagsayaw, he's too drunk to care for them.
"What the hell?" malakas na tawa ni Jinley habang naglalakad patungo sa'min. Medyo lasing din siya dahil uminom din kanina. "Lasing na lasing!" mas malakas pang aniya at rinig na rinig ang excitement sa tono niya.
Well, this is the first time we saw Cali like this. Napangiti lang din ako kay Jinley pero sa sobrang pagkamangha kay Cali ay hindi na siya napatingin sa'kin. Nanunuod din ang ibang naglalakad na patungo sa'min.
Jinley, without a second thought, just walked pass me and went straight to him. Akala ko'y tatawagin niya o patitigilin ito ngunit nagulat ako nang sumabay siya rito. Ginaya niya ang pagsayaw ni Cali at ngayon ay dalawa na silang parang baliw do'n. She's laughing at the absurdity of what they're doing, but she's there.
Biglang nanuot ang pait sa akin. It reminded me how they live in the same kind of world.
I'd be lying if I say that I'm not jealous, I am, pero more than being jealous, I felt a sense of emptiness. Then, I got so disappointed and sad. Bigla kong napagtanto, they looked so beautiful like that. At kahit ulit-ulitin man, hindi ko kayang sumali.
Alam kong hindi ko kakayang gawin 'yon, dahil gaya nga ng sabi ko, I don't have that kind of 'confidence', the kind that they have...
Minsan talaga, napapaisip ako, will I ever breakthrough his world?
Okay lang ba ito? Na minsan ay pakiramdam ko'y outsider ako at kahit kailan ay hindi makakapasok? Na kahit gaano kami kalapit sa isa't isa 'pag magkayakap ay may espasyo pa rin sa pagitan namin na hindi ko matatawid? Hindi nakikita ng mga mata ngunit nadadama ko.
Biglang pumasok sa isip ko ang nabanggit sa'kin ni Jinley kanina habang nasa restobar. May gig kasi ang banda nila kanina at do'n nga napainom nang sobra si Cali. Do'n kami galing lahat, napadpad lang kami dito sa park malapit dahil kay Cali na nagpumilit lumabas.
Nauna kami dahil nilakad lang namin at nahuli sila dahil kinuha pa nila ang mga gamit at motor.
Habang nasa table kami kanina, I had no choice but to browse my notes dahil may materyal na biglang kinailangan ang kagrupo ko sa isang project na nasa akin.
"Wow! Nag-aaral ka in the middle of all of this?" manghang aniya. Well, I agree that it's surprising. Sa ingay at gulo ba naman ng paligid. "Grabe, Cheen! Sobrang sipag mo naman!"
Natawa lang ako. "Wala 'to, may kailangan lang ako i-send." mukhang nilamon ng ingay ang boses ko kaya hindi niya narinig. Still, sumagot pa rin siya.
"Iba talaga 'pag achiever!" kantyaw niya na lang ulit. "Buti hindi mo pinipilit mag-aral nang mabuti si Cali? Buti 'di ka nagalit nu'ng nalaman mong magda-drop na siya?"
I stopped browsing my phone. Nakuha niya ang buong atensyon ko dahil sa huling sinabi niya. Ang lakas pa naman ng pagkakasabi dahil nilalabanan ang ingay ng lugar.
Magda-drop si Cali? Hindi ko alam 'yon.
Mukhang nakita ni Jinley ang lito sa mukha 'ko at kita rin ang gulat niya.
"Ay hindi mo pa alam? Sorry!" tinapik niya ang balikat ko. "I'm sure sasabihin niya rin 'yan ngayon." Awkward na aniya at pasimpleng tumayo para umalis. Mukhang tatakas dahil may nabunyag na hindi dapat.
Bumalik sa'kin ang pait na naramdaman ko kanina nang malamang magda-drop siya at hindi galing sa bibig niya kun'di sa iba ko pa nalaman. Parang gusto ko na lang biglang maiyak habang pinagmamasdan silang dalawa sa sarili nilang mundo.
Pero kinimkim ko.
Hanggang sa maihatid nila akong lahat. Hanggang sa makatulog. Hanggang sa lumipas ang buong linggo na hindi niya pa rin siya nagsasabi sa'kin.
Kinimkim ko lang at tahimik na naghintay.
Hanggang sa hiniling kong sana'y hindi na lang totoo.
"I'm already out. Stop na 'ko for a week now."