CHAPTER ONE
"For your activity 1. You need to send me a video of you explaining a certain topic you already chose." wika ni Mrs. Gasber, our biology teacher. We are tasked to film ourselves regarding sa topic na napili namin.
Nakabusangot ako habang nakatingin sa papel na nabunot ko. Another task... Well, palagi namang may iniiwan na task si Mrs. Gasber. Wala siyang pinapalampas, at sinasayang na pagkakataon para pahirapan kami. "STEM pa" sabi ko nalang sa sarili ko.
"Anong nabunot mo, Zian?" Maya said. "Me and Alliah got the Nervous System." Dagdag pa nito.
"Respiratory System" saad ko. Napasimangot nalang ako ng malamang ako na naman ang naiiba sa kanila. "Sa'n tayo? Nagugutom na ako." Dagdag ko pa, pinutol ang pag-uusap nilang dalawa.
It's already break time. After our class sa Biology, kakain kami. It's a good thing for us kasi sumasakit ang ulo naming tatlo palagi kapag Biology na.
"As usual, sa cafeteria. Yoko na lumabas, baka malate pa tayo sa last subject natin. Besides nagbabaon naman ako." Alliah said. Inaayos ang gamit niya sa bag. "May baon kayo?" Dagdag pa nito.
"Wala" pareho naming sagot ni Maya.
Mahilig magbaon ng pagkain si Alliah, she's good in terms of cooking.
"Sabi ko nga... That's why sinobrahan ko yung luto ko." Nakangiting sabi ni Alliah. "I am also doing a lot of recipes from the book that I bought last month. Andami palang puwedeng lutuin. Tikman niyo yung niluto ko. Masarap yun! Ako na to eh!" Proud na sabi ni Alliah. Nagkatinginan nalang kami ni Maya at parehong napailing sa kayabangan ni Alliah.
Maya, Alliah and I are good friends. We met when we were in middle school. 6 years na kaming magkakaibigan. But, in terms sa pinaka-close ko, it's Maya. Tinuturing na namin yung isa't-isa bilang magkakapatid. Nagsasandalan sa mga problema, at nagdadamayan kapag malungkot.
"Sarap ah..." Maya said, habang ngumunguya.
Andito na kami ngayon sa cafeteria. Good thing kalapit lang nito ang building namin, hindi na kami mag-aaksaya ng oras para maglakad ng mahaba.
"Sabi sayo, e. Ikaw ba, Zi? Anong comment mo?" Nag-aabang na saad ni Alliah.
Napangisi ako at binigyan siya ng tingin. Yung tingin na kakabahan siya. "Good." Tumatangong sabi ko. Napa-buntong hininga si Alliah sa sagot ko.
Cordon Bleu ang inilutong pagkain ni Alliah. masarap, as usual. Hinaluan niya lang ng recipe na hindi ko alam kung anong tawag, pero familiar naman sa'kin.
Maya and I ate a lot. Napadami yata ang nadalang pag-kain ni Alliah kaya we decided na ubusin nalang namin. We also shared some sa mga kaklase namin na we are in good terms. And Alliah got a good feedback from them. It's good to see Alliah smiling because of her efforts resulting nice. It can boost her confidence para mas maging tutok pa sa kalakasan niya, ang pagluluto.
"Zian Night Ediezca?"
"Present."
Matapos ang break time ay dumiretso na kami kaagad sa room. May last subject pa kami at kakaumpisa palang. Sakto lang din na pag-dating namin sa classroom ay siya ding dating ni Ms. Saina. Nakinig lang kaming tatlo hanggang sa umabot na ng 6pm. We are scheduled in pm class. Bago kami lumabas ng building ay dumaan muna kami sa rest room. Nag-ayos lang ako ng kaunti at lumabas na din. Hinintay ko lang yung dalawa until they got done.
This thing is usual on us. Stressful ang pag-aaral kaya dapat na bigyan pa din natin ang sarili natin ng atensyon. We can get a high grades while we are taking care of ourselves.
YOU ARE READING
Time for the Night (BL)
Teen FictionZian is a teenager who wants to go to a medical field even though he is from a family of entrepreneurs. Would he continue the path that his family did, or will he choose the path and decide his future on his own? Ar'kiel is Zian's comfort zone. Howe...