Chapter 7

9 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

"Stand by!" Dinig namin ang sigaw ni ate Blossom. Nasa ibaba siya ng stage, hawak ang microphone habang pinapanood kaming sumayaw sa ibabaw ng entablado. "Isa pa! Ano–parang hindi ninyo inaral 'yang mga steps na 'yan, ah?!" Pagalit pa nitong dagdag ng mapansing may naguguluhan sa steps.

Ganoon siya parati tuwing rehearsal. Though she's kind during our practice, she still professional when it comes to doing her thing bilang handle ng grupo.

Maya-maya pa ng makuntento si ate Blossom ay pinagpahinga na niya muna kami at saka pinainom ng tubig.

"Sungit, ate B." Pagbibiro ng isa naming kasamahan dahilan para lumingon si ate Blossom sa amin.

Ngumisi ito at saka itinaas ang kilay. "Siraulo, 'wag kang maingay diyan at baka may makadinig pa sa'yo baka sabihin ang galing kong magpanggap." Pabulong na sabi nito at saka tumawa.

Natawa nalang kaming lahat dahil doon. Nagpunas kami pare-pareho ng pawis at saka uminom ng tubig. "Ang init!" Reklamo ni Maya habang pinupunasan ang pawis sa noo niya. "Haggard na ba ako?" Tanong pa nito sa'kin.

"Hindi naman... Sakto lang," sagot ko nalang sa kaniya. Totoo naman, maha-haggard talaga kaming lahat dahil dito. Umalis si Maya sa tabi ko para magbanyo. Hindi na ako sumama dahil gusto kong ipahinga ang binti ko, naka-limang ulit yata kami kanina. Besides, wala naman akong gagawin roon.

"Already tired?"

Gulat akong napatingin kung sino ang nagsalita sa gilid ko, at nakita ko si Gio habang pawisan at nakahawak ang kamay sa bewang.

"Yes," sagot ko. "But I have no choice," dagdag ko pa at saka tumawa ng mahina. "Wala ka bang panyo? Pawis na pawis ka, oh." Sabi ko pa dito.

Tumingin siya sa'kin. "Nakalimutan ko," sagot niya.

Iiling-iling kong iniabot ang extra kong panyo sa kaniya matapos iyon kuhanin sa bag. "Magpunas ka," utos ko. "You look so unfresh." Pagbibiro ko pa. Pero sa totoo lang ay mukha lang siyang bagong ligo dahil sa mga pawis na tumutulo sa noo niya pababa sa gilid ng pisngi niya.

"Grabi ka naman... But, thank you." Sabi nito bago idampi sa noo niya ang panyo.

Tumango nalang ako bilang tugon sa kaniya. Ipinagpatuloy ko na din ang ginagawa ko bago pa ulit magpatawag si ate Blossom. Nagkaroon pa kami ng ilang ulit uli at saka niya iyon tinapos.

"I don't want to see nervousness on your face tomorrow, I want to see a smile so that you can look confident while you're doing your thing!" Ate Blossom said. Nakaupo kami ngayon sa bench habang siya ay nakatayo, nagpapaliwanag.

"And for anyone who will be on the center, just be good. Don't be over act, magmumukha kayong O.A. especially you Zian. You're very good, but I don't see any determination on your face." Sabi niya sa'kin dahilan para tignan ako ng mga kasama namin.

Naramdaman ko ang panghimas sa'kin ni Maya sa likudan ko and telling me that's okay. Well, gano'n talaga 'yon. We cannot be better if we don't know how to commit mistakes. But it doesn't mean na I am already giving up sa sinabi ni ate Blossom. Instead, I will make that a lesson for me to be better.

"Good luck for tomorrow, just be happy on stage and enjoy. That's all, dismiss!" Sabi niya kaya nagpalakpakan ang lahat. Telling everyone that we did a great job. Everyone approach me and saying that I did good kaya panay ang thank you ko sa kanila. Ayaw namin ang may nau-upset sa'min kaya ganoon ang ginagawa namin tuwing may nasesermonan.

Time for the Night (BL)Where stories live. Discover now