Chapter 30: Oh no!

4.6K 141 9
                                    




"GUSTO KITA SYRIL!"

Lahat kami nagulat dito sa field sa biglaang pag-amin ni Angelo kay Syril. Si Angelo yung type ng lalaking pushy pero nakakatawa, yung laging maingay at makulit pero alam ko namang mabait siya pero hindi ko maintindihan.. May gusto siya kay Syril?

Nagpa-panic naman ngayon si Syril sa sinabi ni Angelo. Nilalaro niya yung daliri niya at hindi niya alam ang sasabihin kay Angelo.

"Matagal na kitang gusto, Syril. Nakikita kita lagi sa library at ngayon nagulat ako dahil naging assistant coach ka ng Soccer team! Will you please go out with me!?"

Lahat kami tahimik. Inayos ni Syril yung salamin niya. "A-A-Ano.. Ano.. S-Sorry Angelo, hindi kita gusto."

"Okay lang! Alam ko pag nakilala mo pa ako magugustuhan mo din ako!"

Mas lalong nag-panic si Syril. Inakbayan naman ni Clyde si Syril at pinapakalma si Angelo. "Angelo, ano ka ba naman, natatakot sa'yo si Syril. Hindi kasi ganyan ang tamang pag-amin sa babae, makinig ka sa expert."

"Gago, playboy ka lumayas ka nga diyan Clyde." Nilayo naman ni Nico kay Syril si Clyde.

"Hoy grabe ka wala pa akong napapaiyak na babae no, tanggap nila pag nakikipag-break ako."

"Shut up." Singit ni Wilson. Nilapitan ni Wilson si Syril. "Kami na ang bahala dito Syril papakalmahin muna namin si Angelo, pumasok ka muna sa loob, masama na pag masyado siyang naging energetic dito hindi ka na niya titigilan." Tumango naman si Syril at tumakbo papasok sa loob.

"Ba't niyo ako pinigilan? Yun na eh!"

"Tinatakot mo eh!" Sigaw ni Vic. "Nakakunot pa yung noo mo habang sinasabi mo yun." Pinitik naman ni Ezekiel yung noo ni Angelo.

"Pero hindi ako titigil hangga't hindi niya ako pinapansin, matagal na rin akong naghintay para maka-usap siya no." Nagkamot siya ng ulo. "Alam mo pag ginawa mo nanaman yan, tatakbuhan ka lang ng mga babae Angelo, katulad dati." Sabi ni Franz. Tinatakbuhan siya?

Lumapit ako kay Angelo at binigyan siya ng bote ng tubig. "Oh, kumalma ka muna, hayaan muna natin si Syril." Tinapik ko siya sa balikat, uminom naman siya ng tubig.

-AKIHIRO VAM ALMAREZ's POV-

Nandito kaming mga lalaki sa kwarto at nagbibihis bukod lang kila Angelo at kila Clyde,Vic,Fylan at Ezekiel. Tapos na ako kaya nakasandal na lang ako sa pader at nilalaro yung bola. I want to see her.

"Pa'no kaya natin pipigilan si Angelo? Nagkakagusto siya kay Syril." Oh yeah, yung kanina.

"Baka pag pinigilan natin siya tayo lang mabubogbog no'n, ang laki pa naman no'n." Natatawang sabi ni Albert. "Ikaw Zeke? Sabihin mo kayang nagde-date kayo ni Syril para tumigil na siya, siya lang masasaktan baliw yun eh."

Umiling si Zeke. "Impossible, hindi yun maniniwala at marami na siyang alam sa'kin."

Tumingin naman silang lima sa'kin. I looked at them with a straight face at napatigil ako sa paglalaro ng bola. "What's with that ugly faces? Gusto niyong batuhin ko kayo ng bola?" I know what they're thinking, assholes.

"Ikaw na lang kaya ang gumawa no'n Aki?" Joseph asked. I smirked. "Don't kid' me Joseph, there's no way."

"Pero ikaw lang ang hindi masyadong kinakausap dito ni Angelo at mas mapapaniwala mo siya, parang ang magiging dating kay Angelo, hidden girlfriend mo si Syril at mapapatigil na natin siya, for the mean time. Perfect plan! Pag naka-move on na si Angelo do'n natin sasabihin ang totoo."

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon