insensitive

2 0 0
                                    

Sumosobra na ba talaga ako?

am I being too clingy towards him?

am I being too much?

Masiyado na ba akong dumedepende sakaniya? kaya ko pa ba kapag wala siya? kakayanin ko ba? makakaya ko kaya?

am I being too sensitive? masiyado na ba akong OA sa mga ginagawa niya? OA ba ako?

Bakit ako nagkakaganito? anong nangyayari saakin?

Masiyado ko na ba siyang mahal kaya umaasta na ako na parang asawa niya ako? Umaasa ba ako na kami na hanggang dulo?

Nagsasawa na siguro siya saakin, ang sakit niya ng magsalita eh.

Masiyado akong overthinker, unting kilos niya pinaghihinalaan ko hahaha pero hindi niya din naman ako masisisi, hirap na hirap pa din akong magtiwala sakaniya.

Hindi ko pa din maiwasang masaktan kapag naaalala ko ung mga ginawa niya saakin dati, hirap na hirap pa din ako kapag naaalala ko. Grabe ung sakit na naiwan saakin, hindi ko maalis. Kahit anong gawin ko ang sakit sakit pa din, hirap na hirap pa din ako. Ang sakit sakit niya pa ding mahalin. Hirap na hirap pa din akong pagkatiwalaan siya pagkatapos ng mga ginawa niya saakin, ang hirap hirap.

Sumosobra na talaga siguro ako. Hirap na hirap na siya saakin eh, ang hirap kong mahalin.

Sumusobra na talaga ako.

Unsaid thoughtsWhere stories live. Discover now