Eight

17 1 1
                                    

Giving Her All

Binuhat niya ako nang matapos dahil hinang-hina ako. Inilapag niya ako sa kama saka siya nagtungo sa walking closet niya para magbihis. Pareho kaming bagong ligo at himala ngang nagawa pa namin iyon kahit pareho kaming pagod sa ginawang kababalaghan.

He went out wearing a white dress shirt and slacks, mukhang may lakad. He got his watch from the bedside table. Nagmamadali niya itong isinuot sa kaniyang wrist.

Ngumuso ako. Mukhang pupuntahan niya na si Lorelei.

"I'm going out. You can stay here as long as you want. I won't be home for tonight so don't wait for me," aniya at lumapit sa akin. Natulos ako nang halikan niya ako sa labi. "Behave, alright?"

"O-Okay," I blinked. "Ingat sa pagda-drive."

He smirked and kissed me softly again before he stood and went out of the room. Naiwan akong tulala at namumula ang pisngi sa kaniyang ginawa.

Ano ba, Mari? Higit pa nga sa kiss ang ginagawa niyo kaya bakit ka naninibago ngayon?!

I groaned and buried my face in the pillow. Impit akong tumili at nagpagulong-gulong pa. Mababaliw na yata ako!

Hindi ba dapat ay malungkot ako dahil pupunta siya sa ibang babae ngayong gabi? Why am I so happy that he kissed me even when I know he's fond of someone else?

Dahil ba sa kauna-unahang pagkakataon simula nang magkakilala kami, ngayon ko lang nakita ang lambot sa mga mata niya habang kausap ako?

Napapikit ako ng mariin.

I shouldn't get carried away.

Right.

Umuwi ako noong hapong iyon at hindi na nagtagal sa condo ni Carson. Walang tao sa apartment nang makarating ako. Siguro ay may kanya-kanyang lakad na naman ang dalawa. I decided to just clean the apartment while I am alone. Hindi rin kasi ako makapaglinis ng maayos kapag narito ang dalawa dahil makakalat ang mga iyon.

It's almost seven in the evening when I finished cleaning. Nagluto na rin ako ng dinner at kalauan ay kumain na lang mag-isa. Napasulyap ako sa wall clock. It's quarter to eight and my friends aren't still here.

My phone beeped. Aira's name flashed on the screen.

"Mari!" bungad ni Aira sa kabilang linya.

The noisy background made me assume that she's in a bar tonight.

"Oh? Napatawag ka?"

"Nasa apartment ka ba ngayon? I'm with Gel. Sa Club Tilt. Sunod ka!"

"I can't. Maaga ako sa work bukas. Sir Carson demands me to be early tomorrow."

"Hay naku, lagi namang ganiyan 'yang si Sir Carson. Parang hawak ka lagi sa leeg kung makapagdemand! Sa ibang empleyado, sa amin, hindi naman siya ganiyan kasahol! Pinag-iinitan ka ba niyan?"

Ngumuso ako. Totoong mabait si Carson sa sa mga empleyado niya. Masungit at snob, oo, ngunit hindi niya sila pinahihirapan. Kung nagkakamali, hindi niya sinisigawan at kalmado pa rin kapag nakikipag-usap. He's patient with them...except me.

He always demands me to be early. Always expects me to do things right and not mess up. Dahil kung magkamali ako, nariyang sisigawan at papagalitan niya ako, o paparusahan niya sa sekswal na paraan.

I don't know if there's something about me that's triggering his awful side. Ngunit hindi na mahalaga kung ano man ang dahilan kung bakit iba ang trato niya sa akin. I don't mind. Kaya kong lunukin ang lahat ng iyon. For both the money I can benefit from this work, and because of my feelings for him.

Giving Her All (The Martyrs Club Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon