CHAPTER 23

2.2K 27 9
                                    

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas simula nung malaman ni Granny ang tungkol sa'min ng apo niya.

Ganun katagal na din akong hindi makalabas man lang ng bahay para sa ibang bagay bukod sa kung bibisitahin ko si Granny.

Hindi ko alam kung ano'ng meron kay Chase pero mahigpit ang pagbibilin niya sa'king huwag lumabas kung hindi naman kinakailangan.

Hindi ko alam kung pa'no naka-survive ang pamilya ko kahit wala akong trabaho. Basta ang alam ko ay nagkaroon ng pwesto si Mama sa bayan para itinda ang kaniyang mga kakanin.

Naging malakas ito, dahilan kung bakit kumuha na din siya ng dalawang tao para makatulong nito sa paggawa ng kaniyang mga produkto. Tuwing nakikita ko siya ay nakikita at nararamdaman ko ang kasiyahan niya sa mga nangyayari.

Kaya naman hindi ako makaimik at makakontra nung maging siya ay inudyukan akong dito muna mamalagi sa bahay kahit ilang buwan man lang para makapagpahinga ako sa mga taong ginugol ko para magbanat ng buto para sa'min.

Ang pagkakasabi pa ni Mama ay guilty sila ni Papa dahil ninakaw nila ang buhay pagkadalaga ko, kung saan imbes na nag-eenjoy ako kasama ang mga kaibigan ko sa paglabas-labas ay madalas nagagamit ito sa pagtatrabaho at pagsa-sideline sa kung saan.

Wala namang kaso 'yun sa'kin dahil ginawa ko ito para sa kanila, pamilya kami kaya dapat lang na magtulungan kami.

Pansin kong si Mama at Chase ang madalas nagkakaintindihan sa lahat ng bagay nitong mga nakaraan. Dumadalaw siya dito sa bahay madalas at hinahatid din ako kay Granny 'pag kinakailangan ko siyang bisitahin.

Ang higpit ng mga pagbibilin niya araw-araw kaya naman ay minsan nagagalit at naiinis na din ako sa kaniya. Pero agad din itong nawawala kapag para na naman siyang sawa na nakalingkis lagi sa'kin.

Hindi ko alam kung ano'ng meron pero sa tuwing magkakalapit at magdidikit ang mga balat namin ay parang nawawalan agad ako ng huwisyo at nakakalimutan ang mga bagay-bagay sa paligid.

Napakatindi ng epekto niya sa'kin sa totoo lang. Kahit naman naiinis at nagagalit ako sa kaniya minsan ay madalas ko pa din siyang hanapin, lalo na kapag medyo matagal kaming hindi nagkita, kahit pa isang araw lang 'yun.

Parang nasanay na akong nandiyan siya palagi. Kaya siguro baliw si Sydney sa kaniya dahil parehas kaming may nararamdaman para kay Chase.

Nakalimutan ko na din pala ang tungkol sa babaeng 'yun dahil hindi na siya nagparamdam sa'kin ulit. Nakakapagtaka man pero iwinaglit ko na lang sa aking isipan.

Kakatapos ko lang manood ulit ng anime. Nasa kalahati pa lang ako nung pinapanood ko and this time ay 'yung anime naman tungkol sa mga hunters ang pinapanood ko.

Palabas ako ngayon sa kwarto para kumuha ng tubig dahil parang biglang nauhaw ako. Nag-umpisa na din kasing maging maalinsangan ang panahon.

Nadatnan ko pa dun si Mama na nagluluto ng tanghalian. Kadarating lang ata niya galing sa puwesto nito sa bayan. Kadalasan ay umuuwi talaga siya para magluto ng tanghalian dahil ayaw niyang bumibili pa ng pagkain dun sa bayan.

Unang pasok ko pa lang ng kusina ay langhap ko na 'yung amoy ng niluluto niya. Nag-gigisa siya ngayon ng bawang at sibuyas para sa pakbet na niluluto niya.

Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko dahil sa amoy ng niluluto ni Mama, pinagpapawisan na din ako nang malagkit hanggang sa 'di ko ito nakayanan ay dumiretso ako ng banyo.

Halos ilabas ko na yata lahat ng kinain ko kaninang umaga. Halos tumutulo na din ang sipon at luha ko kakasuka.

"Ano 'yan, Sensen? Okay ka lang ba, anak?" Bungad ni Mama sa'kin sa pintuan ng banyo habang may hawak pa siyang sandok na siyang ginagamit nito sa paghahalo ng niluluto niyang pakbet.

INTO YOU (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon