Chapter 3

23 0 0
                                        

Zico's P.O.V

Nakita ko ang buong plaigid ng sala ni Jane. Mahilig pala 'to sa KPOP. Puro mga mukha ng Koreano ang nakikita ko dito.Sus, ka-cheap-an. Eh kung Hip Hop na lang ang sinasamba niya. Eto ang real music. Nagulat ako nang makita ko si Lyssa, ang best friend ko. High school pa lang, best friends na kami.

--

Flash back..

"Okay class, may bago tayong student."

"Hi guys, I am Lyssa Moreno. Please take care of me."

First year high school noong lumipat si Lyssa sa school na painapasukan ni Zico.

"Okay Lyssa. Dun ka sa tabi ni Lance." Tinuro ng teacher ang vacant seat na katabi ni Lance.

"Naku. Tatabi siya kay Lance."

"Nakakatakot."

Nagbubulungan ang mga estudyante. Noon pa lang kasi, kinatatakutan na si Zico. May mga tropa siya pero mas prefer niya mag isa.

"H-hello.." Nahihiyang bumati si Lyssa sa kanya. Hindi siya umimik. Napansin ni Lyssa na lagi siyang tahimik at mag-isa. Isang araw, sinamahan niya mag lunch si Zico sa room.

"Alam mo, curious ako sa'yo. Bakit kinatatakutan ka dito?"

"Member kasi ako ng gang."

"G-ganun ba." Natakot nang kaunti si Lyssa. "Pero pwede pa rin naman kita maging kaibigan diba?"

Zico's P.O.V

Hindi ko maintindihan noon kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Tahimik akong tao pero sa kanya, dumadaldal ako. Madalas na siya noong sumasabay sa akin 'pag lunch. Nakakairita siya! Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Na-inlove na ako sa kanya.

--

"Alam mo, may crush ako!"

Nabilaukan si Zico sa kinakain niya. Natawa si Lyssa. "Sino?"

"Si... si... Si Zack Lacson ng 1-B."

Medyo nasaktan si Zico sa narinig niya. Nag expect din kasi siya na siya ang sasabihin ni Lyssa. Pero tanggap na rin niya kahit papano.

"Gusto mo bang tulungan kita sa kanya?"

Tuwang-tuwa si Lyssa sa narinig niya. Mapapalapit na rin siya sa wakas kay Zack.

"Pero sa isang kondisyon." Nagpout si Lyssa.

"Gawin mo ang mga assignments ko."

Dahil wala na siyang magawa, pumayag na rin siya. Simula noon, tinutulungan na ni Zico si Lyssa kay Zack. Kulit na kulit naman si Zack kay Lyssa. Si Lyssa kasi ang tipo ng babaeng naghahabol.

 "L-Lance." umiiyak si Lyssa sa kanya.

"Oh bakit?"

"Suko na ako. Ayaw naman niya talaga sa akin eh.." Humagulgol na si Lyssa.

"Lyssa, ang bilis mo namang sumuko."

"Pagod na ako Lance."

Dumating na ang 2nd year. Nagkahiwalay na ng section si Lyssa at Zico. Magkaiba na rin ang schedules nila kaya hindi na sila nagkakasabay

"Uy alam mo ba, si Lyssa at si Daryll na?"

"Ha? Totoo ba 'yan?"

"Oo! Tingnan mo. Holding hands pa sila."

Narinig ni Zico ang lahat ng iyon. Nasaktan siya kasi si imbis na siya ang kasama ngayon ni Lyssa, yung Daryll na ang kasama.

Hindi rin nagtagal ay nagbreak din si Lyssa at Daryll. Nagpunta kasi si Daryll sa States para mag-aral.

Sa playground...

"Lance, bakit ang dami mong sugat sa mukha?" worried na tanong ni Lyssa.

"As usual. Rambol." kalmadong sagot ni Zico.

"Lance... Nagkaron ka ba ng feelings para sa akin noon?"

Nagulat si Zico sa narinig niya.

"Lance. Pwede bang... Ikaw na lang.. ang pumalit kay Daryll..?"

Nasasaktan siya dahil, bakit ngayon lang niya ito sinasabi? O di naman kaya, rebound lang siya? At saka, kung kelan naman magseseryoso na siya sa pagiging miyembro ng Block B? Nag offer kasi ang boss na ililipat siya ng school.

"Sorry Lyssa." Tumayo na siya. "Ang puso at buong bahay ko, ilalaan ko na sa Block B. Pero best friend pa din kita." Umalis na siya.

Kinabukasan, nagpa drop na siya sa school.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang boyfriend kong RapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon