Jane's P.O.V
Ako si Jane. Jane Guillermo. 20 years old. Currently taking a journalism course. Nagtatrabaho na din ako sa office ni Dad. Simple lang ang buhay ko.
Matakaw din pala ako. :p Favorite ko kumain ng meat.
Minsan rin, may nag-alok sa akin na mag model, tinanggihan ko, mahiyain ako eh.
---
"Aish! Ginabi na naman ako!" Naglalakad pauwi si Jane. "Nakakatakot. "Di bale, malapit na ako."
Binilisan ni Jane ang lakad niya. May napansin siyang lalaking nakaupo sa lapag at nakasandal sa pader. Duguan.
"T-tulong.."
Hindi alam ni Jane ang gagawin niya. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba. Tutulungan ba niya ang lalaki o hindi?
"Tulong.."
"Makakatayo ka ba? Inalalayan ni Jane si Zico hanggang sa bahay niya.
"Dito ka muna." Pinahiga niya si Zico sa couch. Kumuha siya ng medicine kit at ginamot ang mga sugat nito.
"Gwapo mo sana. Kaso ang dami mong sugat sa mukha."
"ARAY KOO"
"Kasalanan mo 'yan!" Nagpabugbog ka eh!"
Nanahimik si Zico. Tama nga naman siya. Hindi siya mag-iinarte ngayon kung hindi siya sumali sa rambol.
"Nga pala, ako si Jane." Sabi niya, habang ginagamot ang mga sugat ni Zico sa katawan.
"Eh ikaw?"
"Zico.."
Maya-maya'y nagluto na si Jane for dinner. Si Zico naman ay nakatulog sa couch. Tumunog ang phone ni Jane.
"Hello Lyssa!"
"jane! Nawawala kasi 'yung Para Kay B ko eh"
"Ha? Eh saan mo ba nilapag kanina?"
"'Di ko nga maalala eh. Oh siya. Gagawin ko na 'yung financial report."
"Bye~"
Si Lyssa ang close friend ni Jane sa office ng dad niya. Auditor siya sa company na pinagtatrabahuhan din ni Jane.
Tapos nang magluto si Jane. Si Zico, tulog pa din. Gusto niya sanang gisingin ngunit baka maistorbo lang niya.
"Ano ba naman 'tong pormahan niya. Obey na cap. Never Give Up na shirt. Kabibigat na bling bling. Ano ba 'to, tambay?" sabi ni Jane sa sarili habang kumakain. "Gwapo pa naman niya. Magbihis lang siya ng matino."
Inasikaso niya si Zico bago matulog. Pag gising niya kinabukasan, nagluto siya para kay Zico at nag-iwan ng note sa mesa.
"Oh eto. Kumain ka. Paki-lock na lang ang pinto pag alis mo."
-Jane
"Hay ang sakit talaga ng ulo ko." daing ni Zico. Nag-unat siya at pinagmasdan ang buong sala. "Siya lang ba ang nakatira dito?"
Kumulo na ang tsan niya at nagsimula nang kumain.
Jane's P.O.V
Eto na naman ako. Trabaho dito, trabaho doon. Pero okay lang. Pag kasama ko naman si Lyssa at AJ sumasaya ako. Nasa bag ko pala yung libro ni Lyssa, ewan ko ba kung bakit napunta iyon doon. Sinabi ko na rin agad sa kanya, si Lyssa talaga.
--
Busyng busy na nagta-type si Jane sa computer.
"Jane! Maaga ako uuwi ngayon~" balita ni Lyssa.
Ngumiti lamang si Jane dahil busy siya.
"Dadaan na rin ako sa bahay mo. Kukunin ko na yung libro."
"Sige , nasa sala lang 'yon."
"Bye Jane~"
Dumeretso na si Lyssa sa bahay ni Jane. Hindi nasabi ni Jane na naroon si Zico.
nang makarating, nagtaka si Lyssa bakit bukas ang pinto. Kinabahan siya, baka kasi may pumasok na magnanakaw.
Ngunit hindi magnanakaw ang nakita niya. Isang lalaking naka Never Give Up na shirt ang bumungad.
"P-parang kilala ko siya.."
"Lyssa?!"
"Lance?!!!!"
"BEST FRIEEEEND!!"
Nagyakapan ang dalawa. Matagal-tagal na rin kasing hindi nagkita.
"Best friend! Kamusta ka na?" Tanong ni Lyssa.
"Eto, OK pa rin, humihinga pa." Nagtawanan ang dalawa.
"Alam mo, auditor na ako."
"Talaga Lyssa? Umaasenso na."
"Kailangan! Eh ikaw, member pa din ng Block B?"
Ngumiti lang si Zico.
"Hay, wala na akong magagawa diyan. Nga pala, ba't ka nandito sa bahay niJane?"
"Ah. Tinulungan niya ako kagabi."
"Hah?!!"
"Nagkaron kasi ng rambol eh. Nabugbog ako ng todo. Sakto nakita niya ako."
"Ah... Ang bait talaga ni Jane. Sige. Sandali lang ako. May kukunin lang kasi."
Kinuha ni Lyssa ang libro niya sa table.
"Ano nga pala number mo?" Kinuha ni Lance ang phone niya. Nag-exchange sila ng numbers.
"Text text na lang?" Sabi ni Lyssa. "Alis na ko."
"Sabay na ako sayo." Tumayo na si Zico.
"Alam mo Zico. Guwapo ka pa rin sa suot mong iyan. Pero mas bagay sayo ang casual." sabi ni Lyssa.
Lumabas na sila at ni-lock ang pinto.
"Eh bakit ba? Angas ko nga sa suot ko eh. Swag." sabi ni Zico. na para bang nag rarap pa din. Slang pa ang pagkakabanggit ng swag.
"Tingin ko nga, ikaw lang ang mukhang artista at maputi dun sa inyo eh!"
"Hindi ka pa din nagbabago!"
