Naglalakad si Zico sa eskinita. Naka Obey na cap, oversized shirt at bling blings. Kahit pang jejemon ang pormahan niya, gwapo pa rin siyang tingnan. Para sa mga babae, malakas ang dating niya kahit anong suot niya.
"Yo Zico!" Nakipag apir ang isang lalaki sa kanya.
"Ano balita?"
"Naku Zico, si Rhymer. Nasa ospital."
"Ha? Si Rhymer? Bakit?"
"Natalo kasi siya sa rap battle kagabi. Hay nako. 'Di pa kasi natatalo yun eh." Paliwanag pa ng lalaki.
"Yabang." Sabat ng kasama.
"Saang ospital? Kakausapin ko."
"Talaga Zico? Salamat ah!"
Binigay ng lalaki ang address ng ospital at ang room numbernito.
"Sige. Pupunta na ako." Tumakbo na palayo si Zico.
"Sigurado ka bang member ng gang iyon si Zico?" Sabi nung kasama ng lalaki.
"Oo naman, mataas kaya ang rank nun."
"Eh, rapper ba talaga iyon?"
"Oo naman! Suki iyon ng rap battle at flip top!"
"Bakit parang ang bait niya?"
"Alam mo, iyon din ang pinagtataka ko eh. Lalo na sa mga ka-rapper niya. Minsan nga, nagdududa yung iba kong kasamahan eh."
"Tara na nga. Magsisimula na 'yung Flip Top ni Loonie eh."
ZICO'S P.O.V
Ako nga pala si Zico. Lance Dela Cruz ang real name ko. 20 years old. MEmber ng gang na Block B. Mataas ang rango ko dun. Zico ang codename na gamit ko. Rapper din pala ako. Madalas ako sumali ng Flip Top at Rap Battles. Sumusulat din ako ng lyrics para sa ibang singers. Kumikita ako ng pera sa pag rarap.
--
“Kuya Jayson!” Dali-daling pumasok si Zico sa room ni Rhymer.
“L-Lance…”
Nakahiga si Rhymer sa kama. Naka-cast ang kamay. Tulad ni Zico, rapper din siya.
“Anong nangyari sa’yo?” Nag-aalalang tanong ni Zico.
“Wala ‘to Lance. Nasagasaan kasi ako ng kotse kahapon eh. Ang tanga tanga kasi ng Kuya Jayson mo eh.”
“Ano ba kuya.” Isa kasi si Rhymer sa mga malalapit na kaibigan ni Zico.
“Ayoko na, Lance. Titigil na ako sa pag ra rap.” Sabi ni Rhymer.
“Ha? Hindi pwede! Ganun na lang ba yun? “ Sabi naman ni Zico.
Hindi makakapayag si Zico nang ganun ganun na lang ang pag suko ni Rhymer. Matibay na rin ang pinagsamahan nila. Marami na silang nagawang kanta.
“Oo, natalo a kahapon. Pero hindi iyaon rason para sumuko. Lahat tayo, nagkakamali. Tao lang naman din tayo. Kaya nga ang lapis may eraser, diba?”
“Parang nasa kanta ni Loonie yan ah?” Biro ni Rhymer.
“Oo nga. Pero tama si Loonie. Kaya kuya, please.” Pakiusap ni Zico.
"Ikaw talaga Zico." Natawa si Rhymer. "Oo na. Para sa'yo, hindi na ako titigil. Magpapagaling na lang muna ako."
"Ayos!" Tuwang tuwa si Zico.
Biglang nag ring ang phone niya.
"Sino 'yan?" Tanong ni Rhymer.
"Si boss." Sagot ni Zico.
Sinagot ni Zico ang phone. Kausap niya ang boss ng Block B, si Cho Pd.
"Bukas."
Sa isang salita lang niya, alam na ni Zico ang gagawin. May magaganap na rambolbukas. Same time, same place.
Kaya buong araw inasikaso ni Zico ang mga kantang pinapagawa sa kanya. Natulog din siya ng mahabang oras.
Sanay na si Zico sa away. Ilang taon na rin siyang miyembro ng Block B. Hindi niya pinagsisisihan ang pagsali niya.
Zico's P.O.V
Eto na't malapit na ang ra,bol sa pagitan ng Super Junior at Block B. May hawak kaming mga tubo, at baril din, siyempre. Wala akong kinatatakutang gang. Kahit sampu pa ang lalaban para sa Super Junior at pito lang kami, malakas kami.Nagsimula na ang laban. Pinagsusuntok o sila, parang mga bakla! Ngunit mali ang inakala ko. Sampu sila. Maraming nagtulungan para bugbugin ako.
----
HAHA!!! Nagustuhan niyo pu ba? First ko kasi ito eh.:D
Kunyari na lang yung mga nabanggit kong name at groups ay di talaga kilala sa Korea. Ha? XD