Hanggang Sa Muli
Tila isang kandila, na sa una'y kay liyab at kay liwanag,
Kay sabik at kay saya sa bawat oras na magkakausap tayong dalawa,
Sobrang bagal ng oras kapag tayo'y magkasama.
Pero bakit? Bakit.... bakit bigla nalang lumisan?Naging masaya naman tayo diba?
Alam naman natin ang nararamdaman ng isa't-isa?
Pinaramdam mo namang ako lang? Ayaw mong ako'y umiiyak?
Hindi mo ako hinayaang malungkot?Walang nagkulang, walang hinanap, walang ipinalit o ano man,
Pero hanggang ngayon di parin malaman
Kung anong nangyari sa atin at bigla nalang umiwas.
Walang paalam na nasambit, wala ring wag iiwan na sinabi.Tila nga isang kandila, na unti unting naubos, unti unting nagdidilim,
Unti unting nawala ang liwanag na dati ay kay sabik pagmasdan.
Siguro di naman ganun kalungkot ang paglisan? Siguro kaya ko naman?
Sana... sana di nalang lumisan.Di na kinayang ibalik sa dati ang isa't-isa.
Parang sa pagtapos ng umaga, ang paglisan mo ang nadarama
Sa paglubog ng araw ikaw ang alaala,
Kaya, hanggang sa muli aking Sana.
YOU ARE READING
Poems for G
RandomThe poems I will write here is going to be english and tagalog so everyone can understand the feels and I think I'll also post some of my artworks at the end of every poem... It depends... Welp Nothing important just poems that is written for someon...