2/1/20
Hanggang tanaw nalang sayo
mula sa malayo,
Hanggang kailan ba aasa na maaaring ako
ang piliin mo,
Nung tumapak ka sa entablado
Bigla akong napasigaw ng todo
Mga pang aasar, mga pangungutya sayo di naman iyon totoo
Sa totoo nga ikaw ang pinaka bruskong lalaking nakilala ko,
At salamat pala kanina, sa pag aalala mo.
Sa pag tatanong kung ako'y sasabay ba sainyo?
Sa pag hinto sakin nung muntik akong mabunggo dahil sa katangahan ko.
Sa pag tatanong kung ako'y kakain kasabay niyo.
Sa totoo lang masaya ako nung naka sama ako sainyo
Kahit nag mukha akong 3rd wheel sa inyo ng mahal mo.
Salamat, salamat sa lahat na kahit di ako ganun kabait sayo, eh nag aalala parin pala ang isang lalaking tulad mo, sa isang di hamak na tagahanga mo.Pero nang dahil sa mga kilos mo, mas lalo akong nalito, kung wala na bang pag asa o maaaring sa huli ay maging tayo,
Ngunit sa pag lipas ng panahon maaari kayang ako naman ang laging iniisip mo?
Laging hinahanap mo?
Laging pinoprotektahan mo?
Ang tanging laman ng puso't isip mo
Maaari nga ba? maaaring sa huli ako naman ang piliin mo? Maaari bang sa huli ay maging tayo?
Alam kong hanggang panaginip nalang talaga ata toh
Pero pwede ba muna ngayon maging matalik na mag kaibigan tayo?
Para nakakasama ko manlang ang isang tulad mo
Maaari nga ba o hanggang tanaw nalang kita...~•Aki•~
YOU ARE READING
Poems for G
RandomThe poems I will write here is going to be english and tagalog so everyone can understand the feels and I think I'll also post some of my artworks at the end of every poem... It depends... Welp Nothing important just poems that is written for someon...