Lihim
May mga bagay na mahirap
ipaliwanag
Tulad mo na bigla nalang
nag bigay sa akin ng liwanag.
Ngunit bakit tila ang aking isip ay parang gubat sa dilim.
Delikado, hindi alam kung papaano masasabi ang mga lihim.
Lihim na tila ba sa akin ay pumipigil upang sayo ay makalapit.
Hindi manlang masambit ang mga salitang nasa aking isip.Bakit nga ba? Ano nga ba?
Paano ba?Nang ika'y nakilala hindi alam kung ano ang plano
ni tadhana.
Na sa twina nalang nasisilayan ka
ako'y natitigilan na
parang tanga.
Pintig ng puso'y di mawari kung ano nga ba ang dahilan
kung bakit ako nag kakaganto tuwing andiyan ka.
Pero sa paglipas ng panahon
ako'y nakapagisip-isip na kung
ako ay magmahal,
pano nga ba?
Iiwasan ka pag andiyan ka,
Hahanapin ka pag wala ka,
Hihintayin ka't handang
tiisin ka,
Gagawin ang lahat para
lang ika'y maging masaya.
Pero sa bawat oras na
nakikita kitang kasama niya
Kasama niyang masaya at
punong puno ng ligaya.
Na halos ayaw mo nang mawalay
sakanya
Mas lalong nalilito kung mag
papatuloy pa ba o susuko
nalang basta
Ikaw ang ligaya ko, siya naman
ang kaligayahan mo
at ganun rin ang tingin niya sayo
Ngayon saan ako lulugar?
Diyan sa isip mo na tanging
siya ang laman?
O sa puso mo na sakanya lang
may nararamdaman?
Jusko! kupido ano ba tong
pag pana mo mali ata pagkatama
mo
Kase yung taong bigla ko nalang
ginusto hawak na ng iba
ang puso.~Aki~
YOU ARE READING
Poems for G
RandomThe poems I will write here is going to be english and tagalog so everyone can understand the feels and I think I'll also post some of my artworks at the end of every poem... It depends... Welp Nothing important just poems that is written for someon...