EXORDIUM

2.5K 159 111
                                    

EXORDIUM

Five months! Five freaking months ko ng crush si Ma'am Snow and yet... and yet wala pa rin kaming moments together. I mean, may ilan naman pero bilang sa kamay at hindi sapat 'yon para matugunan ang lahat ng pangungulila at pagmamahal ko sa kanya.

Bakit ako nagrereklamo nang ganito kung five months palang naman? E dati naman kasi no'ng high school palang ako kapag may crush ako, hindi pwedeng wala kaming moments ng mga nagiging crush ko. At take note! Hindi aabot nang ganito katagal!

Hay, mababaliw na yata ako.

Sa tinagal-tagal ko na kasing nagtatrabaho sa kompanya namin kung saan ko rin ito nakilala, e mukhang hindi pa rin ako nito kilala. Pwedeng pamilyar lang ito sa mukha o kaya pangalan ko pero 'yong matatandaan niya 'yon ng sabay at masasabing ako 'yon? How I wish.

Tinaklob ko ang unan sa mukha ko at muli't muling nag-inarte sa kama. Animo'y daig pa ang broken hearted.

Hindi rin sana ako mangungulila nang ganito kung friends kami sa Facebook o hindi siya marunong mag-private ng mga bagay-bagay sa accounts niya. Wala tuloy akong ma-stalk! Ni hindi ko alam kung may jowa na siya.

Tinanggal kong muli ang unan sa mukha ko matapos ang pag-iinarte kong wala naman ding saysay. Doon deretsong napatitig na lang ako sa kisame ng kwarto ko at napahinga ng malalim.

Grabe, ngayon lang yata ako natorpe nang ganito sa buong buhay ko. Ngayon lang ako 'di kilala ng crush ko. No'ng estudyante pa kasi ako, madalas akong magpapansin sa mga teachers ko na crush ko. Pero ngayon? Hay. Mauuna pa yatang matapos ang hinihintay kong on-going story sa Wattpad kaysa magka-moment kami ni Ma'am Snow.

Na-stalk ko na siya sa lahat ng social media accounts niya na wala akong masyadong nahita, sa social media ng lahat ng kamag-anak at kaibigan niya but still, wala rin akong masyadong nakuha dahil naka-private din ang accounts nila.

Kaya naman mukha mang desperada o higit pa, pati pagse-search sa kanya sa Google pinatos ko na. Gustong-gusto ko kasing makilala ito at minsan pinagpapala pa rin naman ako. At ang talino ko sa parteng sinearch ko siya sa Google.

Lumabas kasi doon ang LinkedIn profile niya. Doon ko nalamang nagma-master's degree pa pala ito sa isang sikat na state university sa Lungsod sa kabila ng pagtatrabaho nito. Dalawa ang trabaho nito, isang full time, which is sa company namin, at isang part-time sa ibang state university naman.

Sa dami niyang ginagawa, umaasa akong hindi niya priority ang paghahanap ng jowa at sana wala pa siya noon. Lord, please.

Agad akong napatingin sa cellphone ko nang tumunog ito at nag-flash sa screen na nag-reply na rin sa wakas si Chupipay—ang best friend ko since diapers. Hindi naman Chupipay ang totoong pangalan niya, wala lang gusto ko lang.

Actually, maganda ang pangalan ng isang 'to. Payne ang pangalan niya. Naging gano'n lang dahil simula't sapul na nagkukwento ako sa kanya ng mga crush ko, e lagi niya akong pinagkakanulo sa kanila.

Lagi kasi ako nitong tinutulak papunta sa kanila o kaya naman bulgaran ang pagpapahiya sa akin ng gagang 'to. 'Ma'am, crush ka raw nito'—ang parating linyahan niya kapag dumating ako sa ganitong punto ng buhay ko na gusto kong magka-moment sa crush ko pero natotorpe ako.

Ang sabi ko lang naman, tulungan niya ako. Hindi ko sinabing ipahiya niya ako. Balang araw makakaganti rin ako sa babaeng 'to.

Dahil sa lagi naming ganoong mga senaryo, ang parati kong linyahan sa kanya ay 'chupi' dahil sa bwisit ko sa kanya minsan tuwing ginagawa niya 'yon. Dumating sa puntong inaasar niya na rin ako dahil sa linya kong 'yon. Ang jologs daw kasing pakinggan at dahil jologs pakinggan at hindi rin ako papayag na ako lang ang nabibwisit, Chupipay na ang naging nickname niya.

Do You Know, Snow?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon