01 - Meet-Cute

610 58 7
                                    

01 - Meet-Cute

Daffodil's POV:

Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang tuluyan kaming makalagpas sa floor kung nasaan ang meeting ngayon nina Ms. Snow.

Kasalukuyan kaming pauwi na ng mga katrabaho ko at isang linggo na magmula no'ng minessage ko ito pero hanggang ngayon ay wala itong reply.

Alam ko namang sinabi kong ayos lang kung hindi siya mag-reply, pero ang sakit pala, 'no?

Lalo pa akong nanlumo nang namalayan ko na lang na pa-lobby na kami at malapit ng lumabas sa kompanya. Naghagdan lang kasi kami ng mga kasama ko sa kadahilanang iyon ang sinabi ko.

Hindi naman dahil bossy ako o ano, pumayag din naman sila. May nalalapit kasi kaming outing at hiking ang isa sa main activities kaya nagdahilan ako no'n sa kanila na simulan na naming magbanat-banat ng buto.

Pero ang totoo n'yan, sinabi ko lang 'yon dahil hindi ko nakita ng araw na 'yon si Ma'am Snow at kating-kati ako no'n na makita ito. Iyon kasi ang araw na makikita ko ito pagkatapos ko siyang i-message.

Kaya noong nalaman ko na nasa meeting room ito, na nasa bungad ng third floor, sinabi kong maghagdan kami para makapagbanat-banat na ng buto.

Nasa sixth floor kasi ang department namin at kung sasakay kami ng elevator hindi ko talaga ito makikita na. Uto-uto naman sila at kinagat ang excuse ko. Tawang-tawa naman si Payne nang makwento ko sa kanya. At ewan ko rin sa kagagahan ko at nandadamay pa ako, hindi ko rin naman siya natanaw no'n.

Naramdaman ko namang nag-vibrate ang phone ko kaya agad kong kinuha ito at sinilip iyon. Nakita kong nag-reply na si Payne sa akin. Agad ko namang binuksan ang chat nito.

[Ano? Nakita mo ba? O babawiin mo na 'yong sinabi mo kay Lord?]

Natawa naman ako kaagad pagkakita ko ng text niya. Nasabi ko kasi sa kanya na nanghingi ako ng sign kay Lord na kung hindi ko siya makikita this week, magmo-move on na ako. Kung God's will ba gano'n. Na syempre kung hindi ko makikita, babawiin ko 'yong sinabi kong move on-move on na 'yan.

You reacted 😛 to Chupipay's message.

Magta-type palang sana ako nang reply dito nang umingay naman ang mga kasama ko kaya napunta sa mga ito ang atensyon ko.

Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang linggo ko ng hinahanap-hanap.

"Ma'am Snow!" masayang sigaw ni Limuelle, kapwa ko baguhan sa department. Sinundan din ito nila Jane at Dina pati ni Sir Valir, isa sa mga boss namin.

"Uy, hi, Wel! Pauwi na kayo?" Masaya nitong sabi nang makita kami saka mabilis kaming pinasadahan lahat ng tingin.

Napahigpit naman ang hawak ko sa phone ko dahil saglit na tumagal ang pagtitig nito sa akin. Mukhang hindi niya pa talaga ako masyadong kilala.

"Oo, madam. Ikaw ba may meeting pa?" sagot naman agad ni Sir Valir sa kanya. "Balita ko isa ikaw na ang magiging unit head ng recruitment, ah?"

Imbis naman na sumagot ito ay nginitian lang ito ni ma'am Snow.

"Hmm... not really. Pinag-iisipan ko pa rin kung tatanggapin ko 'yong offer," sambit nito.

"Hala, ma'am, edi ikaw na talaga ang balak na nilang ipalit kay Ma'am Edna?" tanong agad ni Jane dito.

Si Ma'am Edna kasi ang current head ng Recruitment, Selection, and Placement ng unit na malapit ng mag-retire kaya mawawalan na ng unit head ang RSPU at si Ms. Snow ang kumakalat sa opisina na posibleng pumalit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do You Know, Snow?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon