01

12 3 1
                                    

"Hoy!"


Nagising ako sa matigas na bagay na pumalo sa ulo ko, sa sentido ko tumama kaya masakit. Halos hindi ako nakamulat agad, pakiramdam ko dumurugo yung ulo ko. Inis akong nag angat ng tingin kay Hancel na nakapamewang sa harap ko. 


"Ano ba? Masakit ah!", singhal ko sa kanya saka tinapunan ng tingin yung makapal na librong pinalo nya sa akin. 


"Talagang masasaktan ka! Anong oras na oh? Wala ka bang balak pumasok?", sigaw nya pabalik sa akin. Tinignan ko yung orasan na nakasabit sa itaas ng TV, quarter to 7:00 na. 7:15 ang start ng klase namin. "Baka nakakalimutan mong graduating ka?"


"Umidlip lang yung tao"


"Hoy, alas singko pa lang ginising na kita. Hanep yung idlip mo ah, 2 hours?", tinalikuran nya ako at dinampot yung mga libro nyang nasa center table. "Bilisan mong gumayak, hwag ka nang kumain. Kung gusto mo hwag ka na ring maligo, kay kupad kupad"


"Tsh". Kamot kamot ang sentido kong bumangon at hinila yung twalyang nakasampay sa terrace. Mabilis akong naligo at hindi na nga kumain dahil kulang na sa oras. Pero ayos lang yon, ang mahalaga may 10 hours akong tulog. Tinignan ko pa sa salamin yung noo ko saka sinamaan ng tingin si Hancel na naghihintay sa labas. 


Papasok na lang, magkakabukol pa. Tsk!


"Kayang kaya mo pala maligo ng five minutes eh. Kung araw araw ganyan ang ginagawa mo, hindi sana tayo nale-late", aniya nang makalabas ako ng bahay. 


"Sige, araw araw 7:00 ako gagayak"


"Nang aasar ka ba?"


"Bakit ba kasi hindi ka na lang maunang pumasok? Alam mong late na ako gumayak eh. Tapos magagalit ka kapag na-late ka rin", binigyan ko pa muna ng tubig si Hi-ho, yung aso naming aspin, bago i-lock yung gate at lumabas. 


"Ayoko nga! Alam mo namang natatakot ako kay Baldo eh, lagi pa naman akong inaabangan no'n. Mamaya kung anong gawin sa akin no'n", patukoy nya sa lalaking baliw na parating na sa labasan ng eskinita sa amin. Parati kasi syang sinusundan no'n kaya kung gaano sya kagala dati, ngayon halos hindi na sya lumabas ng bahay. Pwera na lang kapag sinusundo sya ng mga tropa nya. 


"Bakit hindi ka magpasundo sa mga tropa mo? Kila Mike, maaga namang pumapasok yung mga 'yon ah?"


"Eh hindi naman kasi sa school ang deretso nung mga 'yon", buntong hininga nya. "Saka ayaw mo ba akong kasabay? Arte mo ah, ikaw na nga hinihintay eh"


"As if namang nagpapahintay ako sayo? Ang sakit nung hampas mo ah, kapag may nangyari sa akin kasalanan mo 'yon"


Tatawa tawa nyang tinignan ang sentido ko. "Si OA"


Wala pang five minutes ay na sa school na kami. Syempre, 7:13 na. May two minutes na lang kami para lumipad sa classrooms namin. Pero kahit araw araw kaming halos late pumasok, hindi pa rin kami nalilista sa guidance. Wag lang talagang lalagpas sa 7:15 kung hindi mapapatawag magulang namin ng wala sa oras. Wala pa naman akong magulang, lugi. 

Us At Castañas BridgeWhere stories live. Discover now