CHAPTER 1

27 1 0
                                    

"Hey, blair, why were your grades so low last semester?" sabrina asked, smirking.

demonyo talaga 'tong impakta na 'to, sa'n ba nanggagaling lakas ng loob niya eh anak naman siya sa labas???

"'Yon lang kinaya, eh" walang interes kong sagot.

akala niya ba mapipikon niya 'ko sa ginagawa niya? tangina niya. ganiyan siya kapag nandiyan si dad, feeling paborito porket binibigay lahat ng gusto.

Tinignan ko nang masama si Sabrina ng akma muli itong magsasalita. tumingin ako kay dad nang bitawan nito ang hawak niyang kobyertos. kinuha nito ang towel at pinunasan ang gilid ng labi at saka ibinaba ang towel sa gilid ng kanyang plato.

Ito nanaman tayo.

"look, I don't want to talk about it right now, okay?" mahinang sagot ko at yumuko.

"Why not? We need to address this so you can do better." aniya dad.

"I know they weren't great, but I'm working hard to improve them." sagot ko.

mababa naman talaga  grades ko, oo, tama siya, pero ginagawa ko naman 'yong best ko. i'm just.. distracted, i don't know.

"Working hard? You're not good enough. You're not even trying." aniya Dad. humawak ito sa sintido at tumingin nang dismayado sa 'kin.

"I study every day and I'm doing my best." sagot ko.

"No, you're not. All you do is hang out with your friends instead of studying." -dad

anong "no, you're not" paano mo malalaman, eh, wala ka lagi rito sa bahay??

psh, tangina, ni hindi na nga kami halos nagkikita ng mga kaibigan ko dahil masyado na 'kong nakatutok sa pag aaral ko tapos ganiyan sasabihin niya??? tangina lang.

"You need to focus more on your studies and less on your social life." dugtong nito.

"You only care about your business and not us. Paano mo nasasabi 'yan, dad?" pabalik kong sagot dito.

pagod na pagod na 'kong maghanap ng rason kung bakit ganito sila kakitid mag isip. nakakapagod silang intindihin.

"Don't talk back to me like that, Phoenix Blair!" sigaw nito at hinagis ang basong kanina pa niya hawak.

Gulat na napahawak sa bibig si sarah, ang kabet nito na ngayon ay dito na nakatira magmula no'ng namatay si mommy emily.

nangingilid na ang luha ko ngunit pilit ko itong pinigilan na huwag tumulo dahil alam kong ito ang gusto nila, ang makita akong mahina.

ni isa nga sa dalawang tunay kong kapatid walang nagsalita manlang para ipagtanggol ako. kasi bakit? dahil mga takot sila. 

tahimik ang lahat at tila walang gustong magsalita. ni hindi ko na rin maatim kumain sa ganitong sitwasyon, kaya naman tumayo na 'ko, at akmang aalis na nang magsalita muli si dad.

"Sige, lumayas ka. Diyan ka naman magaling, takasan mga problema mo." Dad said.

sasagot pa sana ako ngunit tila nawalan na ako ng boses bigla at hindi na mapagsalita. nakuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi nito.

Hindi 'yan totoo.

When Yesterday FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon