PROLOGUE

18.8K 268 23
                                    

TINATAMAD na naupo si Iona sa loob ng classroom nila. Kakatapos lang ng klase niya sa Forensic Science at mahigit dalawang oras pa ang hihintayin niya para sa susunod pasok niya sa subject na Ballistics. Isa siyang Criminology student at nasa kilalang Unibersidad sa Maynila siya nag-aaral. Graduating na siya sa semestreng ito.

            Nakakailang buntong hininga na siya habang tahimik na tinitingnan ang ilang studyanteng dumaraan sa pasilyo.

"Ang init naman!" reklamo niya. Summer ng mga panahong iyon kaya naman maalinsangan ang buong paligid.

            Ilang minuto na ang nakakaraan subalit wala pa rin siyang maisip na gawin. Inaantok naman siya kapag tumitingin sa kanyang mga notes.

'Pag may dumaan na lalaking nakasuot ng kulay violet na jacket, siya na ang destiny ko.' aniya siya sa sarili. Natatawa siya sa itinatakbo ng utak dahil wala naman siyang makikitang ganoon.

"Boring." She yawned. Subalit agad siyang natigilan nang may lalaking dumaan na nakasuot ng jacket na kulay violet!

"Omg. Napapraning na ata ako." Dali-dali siyang tumayo at tumakbo papunta sa pasilyo upang siguruhing hindi siya dinadaya ng paningin.

            She was right. Totoo ang lalaki! At may sinundo itong babae sa katabing classroom na tantiya niya ay isang instructress sa ibang department. Hindi maipagkakailang magkasintahan ang mga ito.

            Lihim niyang sinusundan ang dalawa. Inaatake na naman siya ng kapilyahan at nasa likuran lamang siya ng magkapareha.

"Hey!" tawag niya sa atensiyon ng lalaki.

            Kunot noo itong lumingon sa kanya.

"I love you!" sigaw niya rito.

Rumihestro sa mukha ng dalawa ang pagkalito.

"Who is she?" nagtatakang tanong ng babae. Halos magsalubong na ang kilay nito.

"I don't know!" inis na wika ng lalaki.

            Lumapit si Iona sa lalaki at tiningnan ang guwapong mukha nito. "I love you." Pilyang sabi niya.

"What's the meaning of this?!" nanlalaki ang mata ng babae halatang hindi ito makapaniwala sa narinig.

"Babe, I swear hindi ko kilala ang babaeng ito."

"What? Idinedeny mo na ako ngayon? I hate you!" ani Iona at mabilis na tumakbo palayo. Naiwang naguguluhan ang dalawa at nakatikim ng malakas na sampal ang lalaki mula sa babaeng kasama nito.

            Natatawa si Iona sa nangyari. Likas siyang pilya kaya ginagawa niya ang anumang bagay maisipan niya kahit ano pa ang maging konsekwensya niyon.

'Kawawang lalaki.' Nakangiting wika niya sa sarili habang nagtatago sa loob ng isang ladies' room. Pasilip-silip siya sa labas dahil baka hanapin siya ng walang kamuwang-muwang na lalaking iyon.

            Nahintay muna siya ng ilang minuto bago nagpagpasyahan na lumabas sa pinagkukublihan. Natitiyak niyang hindi na siya makikita ng lalaking pinagtataguan. Luminga-linga siya sa paligid at nakahinga siya ng maluwag nang hindi na niya ito nakita.

            Pakanta-kanta siyang naglakad sa pasilyo at hindi alintana ang mga nakatingin sa kanya na may pagtataka sa mga mukha. Ngiti lang ang sinasagot niya sa mga ito.

            Akma siyang aakyat ng hagdan nang bigla siyang natigilan, pababa ng hagdan ang lalaking nasuot na jacket na kulay violet! Nag-iisa na lang ito at namumula ang pisngi nito.

"You?!" nagulat ang lalaki nang makita siya.

'Oh my gosh, run!' nanlaki ang kanyang mata nang makilala siya nito. Mabilis siyang tumalikod at mabilis na tumakbo.

"Hey, you wench! Stop!" narinig niyang sabi nito. Lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo dahil hinahabol siya nito. Daig na niya ang may emergency dahil ramdam niya ang adrenaline rush.

            Nanghihigal na lumingon siya sa lalaking humahabol sa kanya. Tila nahihirapan itong sundan siya. Napatigil ito at nasapo ang ulo. Masama ang tingin nito sa kanya.

"Poor guy." Binelatan niya ito na lalong ikinaasar ng lalaki. Iniikot niya ang mata at hinamon pa niya itong sundan siya kahit naghahabol na rin siya ng hininga.

            Nagtuloy-tuloy na siyang lumabas. Hindi na muna siya papasok sa susunod niyang klase dahil baka muli niyang makita ang lalaki. Tiyak niyang galit ito sa kanya.

            Napapailing na lang si Iona. Hindi pa rin niya mapigilan ang mapangiti dahil sa mga pangyayari.

'Sayang, ang lakas ng dating kaya lang taken na.' nakadama siya ng panghihinayang.

MAN IN VIOLET PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon