CHAPTER THREE

8.3K 160 14
                                    


CHAPTER THREE

"MABUTI na lang at hindi ka nasaktan!" nag-aalalang bulalas ni Mimi ng makarating siya sa bahay kinagabihan. Nabalitaan kasi nitong nadoon siya sa naganap na pagsabog sa Camp Crame.

"Don't worry. Pulis na ako, kaya ko ng alagaan ang sarili ko."

"Hindi ko maitindihan kung bakit kababae mong tao yan ang propesyong napili mo." Napapailing nitong wika.

"Alam mo naman ang rason di ba?" malungkot niya itong tiningnan.

"Ewan ko ba! Basta sa susunod dobleng pag-iingat naman."

"Wala namang nangyari sa akin di ba? Chill ka lang, at hindi na mauulit. Saka natitiyak kong hindi pa ako kukunin ni Lord dahil twenty-three pa lang ako. I'm too young to die!" Natatawang saad niya dahil nagiging exaggerated na ito.

"Ilang araw ka pa lang sa duty mo parang aatakihin na ako." Napapailing nitong wika.

"Basta huwag kang magsusumbong sa bahay na nandoon ako sa Crame nang may sumabog dahil baka maghysteria ang mommy. Alam mo naman iyon masyadong over acting."

"Tiyak na makikita ka naman niya sa tv, di ba nagpa-interview kayo? Mabuti na lang pang umaga ang duty mo ngayon."

"Who knows? Baka nextweek panggabi na ako. Si Jake lang ang nagpa-interview. Saka may entrapment operation pa nga daw kami."

"Isa pa yan. Huwag ka na lang kayang sumama sa operation? Delikado yan. Ipaubaya mo na lang sa ibang kasamahan mo."

"Ano ka ba naman friend! Kasali yan sa aking sinumpaan. Saka kung oras ko na talaga, eh di oras ko na. Wala na tayong magagawa."

'Geez. As if naman makakasama nga ako sa entrapment operation.' Lihim siyang nagngitngit dahil batid niyang hindi naman siya makakasali sa nasabing operasyon. Pero titiyakin niyang makakagawa siya ng paraan para makasama. Marami siyang personal na dahilan kung bakit gustong-gusto niyang masaksihan ang actual na entrapment operation.

"Ano na lang pala ang sabi ng hepe mo?" pukaw ni Mimi sa lihim niyang paghihimutok.

"Ang antipatikong iyon! Sobrang suplado. Nakakatakot dahil hindi ngumingiti. Sayang ang lakas pa naman ng dating!" nanunulis ang nguso niya habang naaalala ang guwapong mukha ng hepe niya. Nakita niya ang paglarawan sa mukha nito ang pag-alala sa kanya nang may sumabog.

"Sabihan mo ulit ng 'I love you'. Tiyak na babait yan." Natatawang wika ni Mimi.

"Gusto mo atang mawalan ako ng trabaho eh. Baka barilin ako nun! Mabuti na nga hindi nababanggit ang ginawa ko two years ago. May pakiramdam akong hindi na niya talaga ako natatandaan."

"Akala mo lang yan." Tudyo pa nito.

"Saka hindi na naman yun big deal kasi matagal ng nangyari di ba?"

"Sige. Papaniwalain mo ang sarili mo. Siya nga pala di ba off duty mo bukas?"

"Yup. I'll be having a total rest. May target shooting kami sa susunod na araw." Napangiti siya nang mabanggit ang kanilang marksmanship. Tiyak na makikita ng kanyang mga kasamahan ang kanyang angking galing sa paghawak ng baril.

"Pagbutihin mo na lang." ani Mimi na bahagyang tinapik ang kanyang balikat.

"Gagalingan ko talaga. Dahil ito ang magsisilbing passport ko para isama ako ni boss sa entrapment operation." She gave her a wink.

"Ayan ka na naman eh. Palibhasa kasi baguhan ka, akala mo ba hindi delikado yang mga naiisip mo?" nanlalaki ang mata ng kaibigan.

"Para ka namang mommy ko kung makapagsalita. Like I always said, kaya ko na ang sarili ko. I'm a big girl now. In case may masamang mangyari sa akin, ikaw ang tatayong lawyer ko." Biro pa niya sa kaibigan.

MAN IN VIOLET PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon