CHAPTER FOUR

8.9K 188 37
                                    


CHAPTER FOUR

IONA put her trigger finger out. Nakakailang tama na siya sa bullseye ng firing range at hindi kaila sa kanya ang paghanga ng mga taong nakasaksi sa kanyang ginawa. Umaalingawngaw ang putok ng baril sa buong paligid. It was an outdoor firing range at kakatapos lang ng kanilang set.

"Wala ka pa ring kupas mate! Ang tindi talaga ng dominant eye mo." masayang wika ni Chris nang lumapit ito sa kanya. Hawak nito ang sariling baril na walang lamang magasin.

"Cross-dominant ka kasi, saka talent ang tawag diyan mate." anang dalaga. Hindi kasi tugma and dominant eye nito at ang kamay na kinasanayan sa paghawak ng baril kaya nahihirapan itong makatama sa target, "Malay mo isama ako ni boss sa entrapment operation ninyo sa susunod na linggo. I'm just excited about it." Natatawang wika niya habang tinatanggal ang bala sa kanyang hawak na baril.

"Mukhang hindi ka ata isasama eh. Alanganin ka mate. Saka mukhang paborito ka ni hepe." Panunudyo nito sa kanya.

"Pinagtsitsismisan niyo ba kami sa opisina?" nanlalaki ang matang umakbay siya rito. Mahigit isang pulgada lang ang taas nito sa kanya.

"Obvious naman kasi kayo eh. Sabihin mo nga sa akin mate, ex-boyfriend mo ba si sir?" nakangiting wika nito.

"What?! Nababaliw ka na ba?" gulantang niyang wika. Mas lalo niyang hinigpitan ang pag-akbay sa kaibigan.

"Tingnan mo at apektado ka oh. May pablush-blush ka pang nalalaman, aminin mo na kasi." Natatawang wika ni Chris.

"Alvarez! Hand me your gun." Kapwa sila natigilan nang lumapit sa kanila ang kanilang hepe at madilim ang mukha nito.

"Ah, sa akin malfunction Sir! Pupuntahan ko lang po si deputy." Alanganing saad ni Chris at tuluyan silang iniwan at lumapit sa kanilang deputy sa di kalayuan.

"Sir..." nakaangat ang kanyang kilay na inilabas ang baril mula sa kinanalagyang gun bag. She quickly released the magazine and cock three times to ensure that the bullet is not inside the chamber. When she saw the ejected chamber load, she made an open bolt.

"Good. Do not sway." May amusement sa mata ni Jake bagamat seryoso ang mukha nito. Akala yata nito ay hindi siya aware sa mga rules ng gun safety.

"I won't sir and it's clear. I will never point this gun to anyone unless I don't have the intention to kill." Composed niyang sabi habang nakaangat ang isa niyang kilay. Mukhang sinusubukan nga talaga siya ng hepe niya.

Muling kinasa ni Jake ng tatlong beses ang kanyang baril nang mahawakan iyon mula sa kanyang kamay. She heard a loud click, and then she realized he just pulled the trigger

"You have a nice gun. Taurus PT247 caliber forty-five, made in Brazil. Right?" anang lalaki habang sinisipat ang baril na hawak.

"Yes, Sir!" nababagot niyang sagot dito. Pinipigilan niyang hindi mamilog ang kanyang mata dahil sa mga pinagsasabi ng kanyang kaharap. May pakiramdam siyang hindi naman talaga ang baril niya ang pakay nito.

"Saan mo naman ito nabili?" tila interesadong tanong ng binata. Pinigil niya ang mapabuga ng hangin.

"Actually sir, marami akong pinuntahan na gun show. I was looking for a certain gun but I couldn't find it. Must be out of stock." She shrugged.

"What kind of gun is that?"

"It's a rare pistol caliber forty-five..." sadya niyang ibinitin ang iba pang sasabihin.

"And what makes it rare?" kunot noong tanong nito.

"Well, because the color was pink. Like the one I saw in the movie of Angelina Jolie. I was wondering if there's a hello kitty in it." Tila walang anumang wika ng dalaga. Gusto niyang matawa sa nakitang ekspresyon ng mukha ni Jake. Nagtangis ang mga bagang nito na tila ba nagpipigil ng galit. She knew she was being disrespectful again. Natutuwa lang siyang tingnan ang mukha nito kapag naaasar niya.

MAN IN VIOLET PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon