CHAPTER 4 : Lunch

11 1 0
                                    

" Talaga besh ? Nakilala mo si Robi? As in Robi Garcia ? Yung team captain ng basketball? Haba naman ng hair mo te . May Xander at Matt ka na nga , may Robi pa " Yan ang reaksyon ni Abby nang ikwento ko sa kanya ang nangyari sa party at yung pagtawag ni Robi last night .

At ano raw ?! May Xander at MATT?! Si Xander acceptable pero yung Matt na yun . NEVER .

* FLASHBACK *

" Sino ka ?? "

" Ako to . Si Robi . Remember? "

" Ah . ikaw pala ? San mo nakuha ang number ko ?? " Sa pagkakatanda ko , wala naman akong binigay sa kanya , at si Xander naman , sinabihan ko na wag ipapamigay sa iba .

" Ah , hiniram ko kasi ang phone ni Xander tapos naisipan kong kunin ang number mo " Sabi niya na may pagka proud . kaya pala .

" Ganun ba ? Ba't ka napatawag ? "

" Wala lang . Gusto ko lang marinig boses mo " Kala mo naman madadala ako sa pambobola mo .

" Bolero ka talaga , sige na , inaantok na ako . good night " Sabi ko to end our conversation .

" Ganun ba ?! Cge . good night pretty . Seeyou . mwaaah " That's it.

* end of flashback *

" Pwede ba besh , hindi ko type si Robi noh . "

" Haha . Alam ko . Lam mo besh , tingin ko , may future kayo ni Matt eh " Ngeeee . No way . Ayoko sa unggoy na yun .

Nakarating na pala kami sa room ko .

" Ewan ko sayo . Sige , bye na . " Paalam ko kay Abby at pumasok na sa room .

--

Kaklase ko na nga pala si Robi . Siya yung nakaupo sa may harapan ko .

" Haay , ang ganda ng umaga , sing ganda mo Shine "

ROBI'S :

Ngumiti lang naman si Shine sa sinabi ko . Ang ganda talaga . Malayong malayo sa ibang babae na grabe makalagay ng make up sa mukha .

Sa pagkakaalam ko , mayaman naman sina Shine eh , but still , she remained simple and humble . Totally different from my ex-girlfriends . Well , except for Sharmaine . First love ko na iniwan ako , umalis ng walang paalam .

" Good morning Robi . " sabi niya with a smile . Pretty .

XANDER'S :

Tagal naman magbreak . Bored na bored na ako .

" Xander , umayos ka nga ng upo para di ka antukin . Tamad mo " sabi ni Shine . Naman eh , imbes na magreklamo , sinunod ko na lang siya .

" Yes madam " sabi ko sabay salute . Tumawa lang naman siya . Grabe , bestfriend ko ba talaga tong magandang to . I don't know but my parents really like Shine for me even though how many times ko nang naipaliwanag sa kanila na mag bestfriends lang kami . I like Shine , no , I love her . Pero ayokong masira ang friendship namin . I can let my feelings go for the sake of our friendship . Lalo na't alam ko na hanggang dun lang talaga kami .

--

SHINE'S :

Ayun , lunch time na . Niyaya ko na si Xander para mapuntahan na namin si Abby .

--

- CAFETERIA -

Sabay kaming kumakain nina Abby at Xander ngayon . And kasabay rin namin sina Robi at ang unggoy na yun . Pa'no ba naman kasi , wala nang ibang bakante . Xander offered them a seat .

Nagkwentuhan lang naman kami , samantalang ang tahimik naman ng Matt na to . Ewan ko pero , ang amo ng mukha niya ngayon .

Captivated by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon