CHAPTER 13: Dinner

7 1 0
                                    

SHINE'S:

Haaaaaay . Nakatapos na kami ng 5 pages sa pagdedesign ng scrapbook ngayong araw . Nagtulungan kasi kami ni Kath kaya ayun ang ganda . Si Matt, hmmm . Tumulong din naman ang mokong kahit papano .

Nandito pa rin kami ni Kath ngayon sa bahay nina Matt . Nakaupo si Kath sa tabi ko while looking at the pictures na nasa wallet ko . Uuwi na sana kami but Tita Claudia stopped us . Dito na raw kami mag dinner , since silang dalawa ni Matt lang naman daw ang nandito . I still wonder kung nasaan yung daddy nya , cause I never see any signs of him . Tanging yung sa picture ko lang sya nakita , malaki yung pagkakahawig nila ni Matt .

Napalingon ako kay Kath and I caught her staring at Xander's picture . Waiiiit . Don't tell me ......

" Kath , do you like Xander ? " I asked . Halata namang nagulat siya kaya binalik nya agad ang picture . Hmmmm.

" Ha ?! Eh . K-kasiiiii . A-ano ehh " she's stammering . Halata naman na hindi niya alam ang sasabihin . Confirmed .

" Kath , come on . di naman kita ilalaglag eh . Just tell me . I'll keep it as our secret " Halata naman eh , pero gusto ko na sa kanya talaga manggaling .

" A-ano k-kasi Shine , Oo gusto ko siya " that's it . Inamin niya rin . Napansin kong nahiya siya .

"Don't be shy , ano ka ba? Natural lang naman na magkagusto ka sa isang lalaki eh . Bestfriend ko si Xander pero don't worry hindi ko to sasabihin sa kanya " I assured her .

" Nagkagirlfriend ba siya before ? " tanong nya sa 'kin . Hmmm . Mukhang comfortable na talaga siya na makipag usap sa akin about Xander .

" Oo naman . Di nga lang nagtatagal . Ewan ko ba dun " Totoo naman eh , yung last girlfriend nya , si Kate . Mabait at maganda naman pero hiniwalayan nya .

" Ganun ba ? Hmmm "

" Oo . Malay mo , ikaw yung magtagal sa kanya " pagbibiro ko sa kanya . I saw her blushing . Haha . Naalala ko tuloy yung pag blush ni Matt kanina . 'Matt? Bakit umabot na naman to kay Matt ' . Ay . Ewan

" Imposible naman yun Shine eh , di naman ako sing ganda mo at alam kong di ako ang tipo ni Xander " Napaka nega naman nito .

" Nothing is impossible in this world Kath. All you have to do is to trust yourself . Be confident . Just be you " sabi ko sa kanya .

Maganda naman si Kath eh , yun nga lang natatakpan ang kagandahan niya sa malaki niyang eyeglasses, halatang di talaga siya marunong mag ayos. But it doesn't hinder para mapansin yung pagka mestiza nya at yung magandang porma ng mukha niya .

" Girls , let's have our dinner ? " yaya ni tita sa amin .

Sumunod naman kai sa kanya sa dining . Nakaupo na si Matt doon . Nagtagpo ang mga mata namin , hindi ko alam pero biglang kumabog ang puso ko . Ni hindi ko to naramdaman kay Robi nung hinalikan nya ako sa noo .

Umupo na ako sa harap ni Matt at sa tabi ko naman si Kath . Si Tita naman, nasa gilid na upuan .

Nagkwentuhan lang naman kami ng kung ano ano . Sinusulyapan ko si Matt paminsan minsan , ang tahimik kasi . Ayun , as usual , kunot noo .

Pagkatapos naming kumain , nagpaalam na kami kay tita . Nasa labas na rin kasi yung sundo ni Kath eh .

" Bye Tita . Thank you po sa dinner " paalam ni Kath . Nag thankyou na rin ako .

" Naku , walang anuman yun mga hija . I look forward to have dinner with you again " - Tita Claudia

" Oo naman po tita " sagot ko na may kasamang ngiti . Sinulyapan ko si Matt , wala namang pagprotesta sa mukha nya .

"So , pa'no ba yan ? Matt , ihatid mo na sila sa labas " nakita kong kumunot ang noo ni Matt .

" Naku , hindi na po tita . We can manage . " sabi ko sa kanya .

" Yun naman pa-------- " Di natuloy ni Matt ang sasabihin niya nang pinandilatan siya ng mata ng Mommy niya .

" MATT " banta ni Tita sa anak niya . Wala namang ibang nagawa si Matt kundi ang sumunod . Kawawang bata .

"Bye Shine , bye Matt " paalam ni Kath sabay sakay sa sasakyan nila . I just wave my hand for goodbye .

Hinihintay ko pa rin yung sundo ko , tagal naman . Akmang iiwan na sana ako ni Matt pero pinigilan ko siya . Bastos din eh , ang dilim dito oh , baka mamaya pagtripan ako .

" WHAT ?! " sita niya

" Wag mo kasi akong iwan , ang dilim kaya rito . Nakakatakot " sabi ko sa kanya sabay pa cute .

" Ka sadista mong babae natatakot ka pa ? At pwede ba , wag ka nga magpacute , di bagay " Aba't

. Urgggggh .

Captivated by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon