CHAPTER 6 : Stun

7 1 0
                                    

ROBI'S :

Finally , It's Saturday .... Napagkasunduan naming bumili mga kakailanganin para sa project namin sa Math . By row yung groupings nin kaya ayun , apat lang kami sa grupo ; ako , si Kathleen , Shine , at Matt .

* FLASHBACK *

" Okay ... Ganito lang ang kailangan nyong gawin . You need to make a scrapbook na may pictures ng mga mathematicians "

" Sus , ang dali lang " sabi ng iba naming kaklase . edi sila nang magaling .

" Not just that , you should have atleast 20 mathematicians at kailangan nyong ireport sa klase ang contribution niya without a copy " Prof. Tan explains ....

" WHAT ?! " Yan ang narinig kong sigaw nila . Yan , sa'n ang tapang nyo ngayon ha ?

Pa'no ba naman kasi to , mukhang kailangan talaga naming pag aralan to eh . tsk .

* END OF FLASHBACK *

Nandito kami sa mall ngayon, sa foodcourt . Kailangan na naming pagplanuhan kung ano ang kailangan naming bilhin para sa project . Kulang pa kami eh , wala pa si Shine .

Halata namang nababagot na si Matt , ai Kathleen naman , relax na relax lang .

Itetext ko na sana si Shine pero .....

" Sorry , I'm late " Paumanhin niya . Napatitig lang ako sa kanya, not just me , but I also found Matt drooling . She's so pretty . Bagay na bagay sa kanya ang pangalang Shine .

She's just wearing a simple blue dress na hanggang tuhod lang . Grabe , she looks stunning . Halos lahat ng tao dito sa foodcourt , pinagtitinginan siya .

SHINE'S :

" Sorry , I'm late " paumanhin ko , kasi naman eh , grabe ang traffic . Tapos si kuya , ilang beses akong pinagpalit ng dress kasi ang iksi raw . Napaka overprotective eh , dinaig pa si Daddy .

" Sana pinayagan mo na lang ako na sunduin ka " sabi ni Robi . Oo nga pala , nagtxt siya kanina pero inayawan ko na .

" Naku , okay lang Robi , sumabay lang naman ako kay kuya eh " Hindi ko alam kung san yun pupunta , ayaw sabihin eh . May girlfriend na siguro :3 .

" Ganun ba ?! Okay ! Bili lang ako ng chichiria ha , para may makain naman tayo habang nagplaplano " paalam ni Robi .

" Uhmmm Robi , sabayan na kita " Kathleen volunteered . Hmmm , I smell something . Ay , hindi naman siguro .

" O sige " - Robi

Ayun naiwan kami ni Matt .

Captivated by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon