Chapter 15

467 14 1
                                    

"Willy... " ..

Natigil ako sa pag liligpit ng mga paninda ko nang my tumawag sakin.  Si nanay cora lang pala, isang fish vendor naman siya

"Nay cora, ikaw pala " naka ngisi kung sabi ,

Inabot nya sa akin ang isang plastic na my lamang isda.  "Ito kunin muna itong isda, bigay ko sayo"...

"Naku naman nay, nakakahiya naman po sa inyo.." sabi ko na halatang nahihiya ako .

Madalas kasing bigyan ako ni nanay ng isda kapag my natitira  sa paninda niya

"Ok lang yan,Sige nat aalis naku at ayokong gabihin sa daan"

Pagka alis ni nanay cora, Agad kung binilisan yung pag lilipit,.Medyo madilim kasi ang dinadaanan ko pa uwi sa bahay.

Kapag alas otso na kasi ng gabi, Wala nang masyadong tao sa kalsada. At dahil kulang sa street light ang daan kaya madilim ang kalsada.

Nong police pa ako, madalas akong nag papatrol sa mga kalsadang madilim para kahit papano safe naman yung mga naglalakad sa kalsadang walang street light.

Pagkatapos kung maglipit, nagmadali na akong umalis sa pwesto ko, Mahigit apat na kilometro din kasi ang lalakarin ko mula dito hanggang sa bahay.

Habang binabaybay kona yung daan patungo sa bahay, Meroong biglang humintong kotseng na itim.

Napahinto muna ako sandali dahil baka masasamang tao ito.  Kung masamang tao naman to, kaya ko naman depensahan ang sarile ko.

Biglang bumukas yung pinto ng driver seat at  isang lalakeng  familiar ang mukha ang naka ngiti sa akin. Pinipilit kung isipin kung saan ko nakita itong lalake na ito.

"Willy, right? Si allen to yung bumili ng karne sayo kaninag umaga"

Napatango ako bigla nang maalala ko siya.

Oo nga siya nga. Ito yung lalakeng tinawag akong pogi kanina.  Natawa tuloy ako ng maalala ko naman yun.

Lumapit siya  sakin. Tumingin muna siya sa bitbit kung plastic.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin

"Ahh pa UWI na sa bahay" Sabi ko agad  na medyo na ilang ako dahil sa sout kung sando lang at short, Samantala tong allen na to halatang mamahalin yung sout.

"Halika na sumakay kana, e hatid nakita sa inyo "  Sabi niya

"Naku naku, Hinde na... malapit lang naman yung bahay ko eh" pagtatanggi ko..

"Sos ,Huwag ka nang mahiya.. Sige ka, Pag tinanggihan mo ako hinde na ako sayo bibili ng baboy ,Ikaw din mawawalan ka ng suki " Pag bibiro niya sakin.

Napa ngiti ako sa sinabi nito..

"Ok lang,sanay na ako maglakad " ... pilit akong tumatanggi dahil palagay ko amoy isda ako, Nakakahiya kung mangamoy isda yung loob ng kotse nitong lalakeng to

Bumalik si allen sa kotse at isinara lang yung pintoan ng driver seat  na iniwan  lang niyang bukas, Saka ito bumalik sa kina tatayuan ko.

"Ohh anong gagawin mo?" Pagtataka kung tanong sa kanya

Bahagya lang siyang ngumiti " Sasabayan kitang maglakad  hanggang sa makarating tayo sa bahay nyo?"

"Ano ? " Gulat kung tanong "Pero bat mo naman ako sasabayan? " Natatawa nalang ako sa allen na ito .

"Para may kasama kang maglakad" sabi niya

Napailing ako sabay natawa ako , Seryoso ba to o nag bibiro?

All i Ask Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon