chapter 1:punishment

84 6 1
                                    

Clain's P. O. V.
Safety measures.. Check, wind direction.. Check, handy camera. . Check
Andito ako ngayon sa rooftop ng academy. . Sa isang 10 floors building. Hanep tong all girls academy na to. Hindi nagtitipid sa rooms. Ano bang aasahan mo eh elite academy to haha.
Habang nagbabasa kasi ako ng manga, biglang may nagpop na image. TRY HANG GLIDING. dahil sa mabait akong bata.sumunod ako. Pina ayos ko to kay butler Will. Magha hang gliding ako dito sa school sobrang lawak naman dito eh.. 5..4..3..2..1..WAAAAHHHH.

"WAAAH SCHOOLMATES IM FLIYING HAHA WAAAAHH" siagw ko na nakaagaw ng Pansin sa lahat.

TAKE KO NA TONG CHANCE KO PARA SA INTRODUCTIONS
Clainette /clanet/ Sousa .Clain /cleyn/ ang palayaw ko16 years old. 4th year o 10th grader na ko. Actually kasisimula pa lang ng pasukan.ang papa ko si Clarence Sousa. Brazilian Japanese. Si mama Annette Sousa 3/4pinay1/4 japanese. Medyo magulo hehe. Arrange marriage sila pero kalaunan ayun naging love na. Nagpakasal nga ulit sila.madalas kasi ikwento ni papa ung love story nila sakin eh. May 3 akong kuya. Si kua cloud. Tapos na sa pag aaral. Namamahala narin sa iba pang companies nila papa. Pero may sarili syang toy company. Kua Claid. College sya medicine ang tinitake nya. Kua Cleo 12th grade na sya ngayon. Sobrang sweet ng mga yan.

Ayos ang landing ko. Dito pa ko sa oval bumagsak pero paglingon ko lang nakita ko si madam principal. I smell trouble.

Pinatawag sila mama sa office. Isinumbong nila ko waaahhh. Nakakatakot pag nag beast mode si mama.matindi pa sa kyubi.

Andito kami ngayon sa sala. Antahimik sobra. Brothers ,san na kayo? Sagipin nyo ko dito...

"Princess.ang sabi nila nag hang gliding ka daw"
- sabi ni papa.

gosh seryoso sya. Tumango lang ako..lumapit sya sakin hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako kay papa

"Was it fun? Grabe ka naman di mo man lang ako niyaya. Sa susunod mag jet pack riding naman tayo." -tumatawang bulong ni papa.pero mukhang narinig ni mama.

"Clarence yan ka na naman sa pagiging childish mo. Ginagaya ka tuloy ng bata. Pa jet pack ka pang nalalaman ha kung ibitin kita sa veranda "-inis na sabi ni mama. Lumapit sa kanya si papa tsaka sya niyakap.

"Hon naman wag ganyan . Natatakot ako eh. Ikaw princess bad yun ah. Wag mo nang uulitin yun dangerous yun "-naiilang na sabi Ni papa ang childish nga hahaha

"Clain. Seriously hang gliding? Lumelevel up ka naman ata. Last time nagdala ka ng bear cat sa room nyo. Ano bang iniisip mo ha" -calm na si mama nyan

"Maganda daw po kasi pag may class pet. Magiging mas close ang section namin". Paliwanag ko

"Eh pano ung teacher na nadisgrasya dahil sa nilagay mong kung ano sa hagdan" naiinis na ulit si mama

"Nagpa practice po ako ng stunt ko sa skate board nun eh"- naaalala ko pa yun plakda si mam dun eh

"I've had enough clain. Andami mo nang ginawang kakaiba sa school mo halos suki na ako sa principal's office nyo. Halos kumare ko na yung secretary don. Mag tra transfer ka na ng school nasa all girls ka nat lahat ganyan ka pa rin" -galit na sabi ni mama

Wat da ? Ako lilipat? Pano na lang ang friends ko. Ang bandmates ko.

"Pero ma. Its been a week simula nang magpasukan ngayon nyo pa po ako ililipat?" - sabi ko

"Final na ang decision ko. Tutal friday naman na ngayon. Sa monday ang simula ng pasok mo sa bago mong school. Ipapa ayos ko na ang papers. . Makahanap ka sana ng katapat mo dun"-sabi ni mama sabay walkt out

"Pa. Pls help me. Kumbinsihin mo naman po si mama . Pa ayoko pong lumipat ng school". - naiiyak na sabi ko

Paano na lang ang mga stunts ko. Sa academy ko na nga lang nagagawa yun eh.. . .

Pinat ni papa ung ulo ko

"Princess mukhang tama ang mama mo. Mas maganda siguro kung lilipat ka ng school". -sabi ni papa

"Pero paaaa" -umiiyak na sabi ko

Pumantay si papa sakin

"Mas magiging adventurous yun princess. Hindi puro girls ang classmate mo. Tsaka mas maraming cool clubs ang meron dun. Sisiguraduhin kong maganda ang lilipatan mo." Nakangiting sabi ni papa sabay umalis na sumunod sya kay mama.

Tama nga siguro si papa. Mas maganda yun. Matagal ko narin gustong sumali sa basketball club. Trip ko magpaka varsity Natutuwa ako sa naiisip ko. Para akong baliw nito eh. Kanina lang ngawa ako ng ngawa ngayon naeexcite ako.

Bye Aphrodite academy. Di kita malilimutan. He he

(a/n:sorry po kung may mga errors . First time ko po eh. Sana po magustuhan nyo )

Boyish princess vs. Demon princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon