chapter 3:first day..crossdressing..

85 6 0
                                    

monday morning. Gising na ko pero di pa rin ako bumabangon. Ganto ako pag badtrip. Ung gusto kong tumulala.pampakalma kumbaga. Iniisip ko pa rin ung sinabi ni mama kagabi eh.

~flashback~

"young lady ang mama nyo po nasa telepono. At may pinadala rin po syang package iiwan ko na lamang po dito" magalang na sabi ni butler Will

Sinagot ko yung telepono dito sa kwarto Nakakonek naman kasi yon.

"Hell...low?" pabirong sabi ko

"princess stop fooling around " natatawang mama

"oh ma napatawag ka po" sabi ko

"Im just checking my princess. So how are you? You sound fine.that's good though remember you're being punished so dont take it easy" paalala ni mama

"I know ma, so anyway nasan po si papa wala po akong naririnig na maingay dyan" tanong ko kay mama

"he's getting ready for our meeting." sabi ni mama.

Oo nga pala iba nga pala oras dun. Gabi na dito pero may araw pa rin doon.

"So Im taking this chance habang wala pa ang papa mo. Kokontra na naman yon eh" sabi ni mama na nakapagpakaba sa akin

"Ma... Pwedeng next week mo na lng sabihin o di kaya next month o kaya next year mas better kung never" kinakabahang sabi ko

"HA HA so funny Clain. Didiretsahin na kita. Di ka pwede sa mga stunts chuchu mo dyan. Wag ka rin gagawa ng kakaibang bagay. Try to act normal. Sumuway ka at ipapadala kita sa amerika ng mag isa. Di mo pwedeng makita ang mga kuya mo o kahit sino samin. And Im telling you no one, nothing can change my mind. Subukan mong humingi ng tulong sa papa mo o sa mga kuya mo at habang buhay na walang stunts o ung trill na sinasabi mo. Good morning oh i mean gud night princess" sabi ni mama at bigla na lang ibinaba ang telepono

Tuloy tuloy yung pagkakasabi nya ni hindi man lang ako nakasingit.

~back to present~

Halos isang oras na kong nakatulala. Nagugutom na rin ako eh. Pag minamalas nga naman paos pa ko dahil doon sa nilantakan kong ice cream kagabi.

Ang sabi 8 am pa kasi yung pasok ko. 5 am pa lang gising na ko. Nag ayos muna ako bago bumaba. Tulog pa sila kuya, malamang 6 pa lang naman.

Pagbukas ko ng pinto may parang kahon na nakaharang. Nakalimutan ko nga pa yatang kunin to kagabi. Sinama ko na lang to sa pagbaba dun ko na lang bubuksan...

Pagdating ko sa baba iniwan ko muna sa sala yung kahon. Dumiretso ako sa kusina ng maabutan ko si aling sisa.

"nanay sisa good morning po" masayang bati ko sa kanya.

Sya ang pinakamatagal na kasama sa bahay namin dito. Bata pa lang si kuya cloud sya na ang nagaalaga hanggang ngayon.

"oh clain ang aga mo naman ngayon. Patapos na ako dito sa niluluto ko maupo ko na dyan. " dito na lamg ako sa kusina kakain may lamesa naman dito eh.

"si crispin po at basilio.mas maganda kung sasabay sila sa pagkain"

"naghahanda na sila para sa pagpasok. Tapos na rin naman sila mag agahan"

Anak ni aling sisa si crispin at basilio. Sa public school sila nag aaral. Ayaw kasi nila sa private ewan ko ba, kahit aning pilit ang ginawa namin ayun stay strong sila dun.mas maganda kung dun din ako mag aaral kaso ayun tutol si mama.

No choice kumain ako ng mag isa.tapos na rin kumain si aling sisa eh.pagkatapos ko kumain dumiretso ako sa sala.bubuksan ko na yung laman ng mystery box

Pagbukas ko dun sa kahon. Iba ung laman nya eh.uniform to ng wagner university. Bukod sa logo na nakalagay nakita ko rin to sa profile na ibinigay ni papa.

Gray polo ..check.. White blazer. . Check..tie check.. Pants.. Check. Pants? Teka eh uniform para sa lalaki to eh. Agad agad kong tinawagan si butler Will at agad din naman syang dumating..

"Mr butler mali po ata tong package na naipadala sakin. Eh para po to sa boys. Mini skirt po ang sa girls hindi pants" sabi ko

Kinuha din naman agad ni butler will yung kahon.

"Im very sorry young lady. I'll deal with this matter right away" nag aalalang sabi nya

"ok lang po. Mag aayos na po ako sa kwarto ko.quarter to 7 narin eh.Padala na lang po sa kwarto" magalang na sabi ko

Dumiretso na ko sa kwarto para maligo. Sumunod na rin ung mga maids na nakatoka sakin. Ayoko naman ng nagpapa ayos eh kaya ayun inutusan ko silang maglibang dito. Nanuod na lang kami ng WARM BODIES

"young lady? " tawag ni Butler Will galing sa labas ng kwarto.

Agad namang nagtayuan ung mga maids. Pinatay ko rin agad ung t.V mapapagalitan sila pag ganun.

"pasok po" sabi ko at pumasok naman sya na may dala dalang kahon

"tumawag po ako sa management regarding this uniform at sinabing nagkamali po sila ng nagawa. Dahil daw po sa clain ang nakalagay na pangalan.nag assume po ang isa sa mga workers na male ang student. Dahil po sa personalized ang mga uniform. Mahihirapan po silang mag bigay ng bago. Mga mamayang hapon po ang dating" tuloy tuloy na sabi ni butler Will

Ngayon na ang pasok ko eh. Paano na yan?.*ting*

"iwan mo na lang po yan dito Mr. Butler ako na ang bahala" nakangiting sabi ko

Umalis din naman si butler Will. Nagsimula na din naman akong mag ayos. Noong una nakakaalibadbad dahil dito sa hinaharap ko. Nagtanong ako sa mga maid kung paano pwedeng maitago to ngayon lang naman eh,ang sagwa lang talaga. May binigay naman silang parang bandage at yun daw ang isuot ko. Success naman at naitago talaga,flat na flat eh .Tinodo ko na kaya pati black shoes ng male sinuot ko. Since masyadong mahaba ung buhok ko at masyadong maganda para lagyan ng wig itinali ko na lang ng lahatan. Nakalabas ung bangs ko. KONTING AYOS LANG ready to go na . Ayoko naman ng make up kairita lang eh.

Nakakatawa lang ung reaction ng mga maids. Para daw akong lalaki talaga haha. Pati boses ko nakisama . Paos ako kaya medyo naging husky . Ang gandang lalaki ko lang hahaha

(a/n:for imaginary pupose lang yung pic. Sarreh)

Boyish princess vs. Demon princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon