Sound effects pa lang kinakabahan na ko.bwiset na kaibigan ko bakit pa ng birthday at naaya aya ko pa manuod ng sine kung gantong ikamamatay ko na man pala ang pag labas namin. sa umpisa pa lang ng movie ay nakailang tili na ko.nahihiya man ako pero wala na kong pakialam sa mga katabi naming mababasag ang ear drum dahil sakin.
"rack Cr lang ako,jan ka lang ah! saglit lang" paalam ng magaling kung kaibigan na hindi man lang nag abalang tanungin ako kung gusto ko din mag Cr or kahit sumama man lang.pero wala na kong nagawa ayun na at mukhang ihing ihi na yata talaga at ang bilis makalabas papuntang cr. itinuon ko na lang ulit ang attention ko sa malaking screen sa aking harapan.
Nasa climax ng pag ka suspense ng movie at wala parin si Paula,tinatakpan ko ang bibig ko upang mapigilan ang pag sigaw ko kung sakali mang magulat at di maiwasang mapatili.
kasabay ng pag tibok ng puso ko ang paglakad ng bidang babae na tinataguan ang lady killer na humahabol sa kanya..nung inakala nya na wala na sa paligid ang killer,dahan dahan nitong binubuksan ang pintuan ng kwartong pinagtataguan habang tanging sound effects lang ang maririnig. pag pihit ng doornob ng biglang...
WAAAAaaaaaaaaaaaaashrRHhhhhhhhhhhhhhHhhhhHhHHhHhHhhhhhh!!!
napapikit ako,sabay tili na parang lumabas na pati diaphram ko sa sobrang lakas!napahawak ako sa braso ng katabi ko,kailangan ko ng mahahawakan,ng matataguan,wala na akong pakialam kung sino man ito.isiniksik ko ang mukha ko sa sobrang takot sa kilikili ng nilalang na nasa tabi ko.pero teka,kilikili?mukha ko sa kilikili?? pero infairness mabango! pero kili kili parin to ng ibang tao! yuck Rackie!!!
napa balikwas ako ng magising sa masamang bangungot ng kilikili.umayos ako ng upo at iniangat ang mukha sa may ari ng mabangong kilikili..
holy sh*t!ang gwapo!pro teka nakakahiya!wala na kong nagawa kundi tumunganga at hinhi na namalayan na nka "O" na ang bibig ko habang pinagmamasdan ang gwapo nyang mukha. bumalik ako sa kasalukuyan ng biglang..
"are you okay? pwede ba miss kung di mo kayang manuod ng horror film pwede ba wag kang manuod.nakakairita." titig na titig sya sakin habang nag sasalita na tila mo kayang kaya nya kong lamunin sa mga binibitiwan nyang salita.napaka power ful,boses pa lang,parang susunod talaga ko kung ano man sabihin nya,naiiwan na sa buong systema ko kahit simpleng salita lang ang lumabas sa bibig nya.nakakatakot dapat iwasan..
this isn't like the usaul me,never akong tumiklop.kung ibang tao lang siguro tong nasa harapan ko nakatikim na to ng katarayan ko. pero this time ewan ko,nawala ako sa sarili ko,napasama na ata lahat ng boses ko dun sa pag sigaw ko.o dahil sa epekto ng ka gwapuhan nya.
binalik nito ang attention nya sa malaking screen sa harapan.
nakakahiya! im speechless. naka tulala lang ako sa screen sa aking harapan.ni hindi ko magawang lumingon sa kanang upuang katabi ko.ang bilis ng tibok ng puso ko.naguunahan sa pagtibok!
parang angel na bumaba sa lupa si Paula para iligtas ako sa kahihiyang dinanas ko,eto na sya ngayon sa kaliwang tabi ko.diretcho ang tingin at nag ko concentrate sa pinapanuod.walang kaalam alam sa nangyari.pero sorry kailangan ko ng umalis.feeling ko lulubog ako sa kinauupuan ko any moment pag di pa ko umalis dito.
"paula, best tarana.kailangan na natin umalis" tumayo ako bigla at hinila ang kamay palabas.
"huh? bkit nu nangyari!?uyyy!" tanong pa nito pero wala na syang magawa at nagpadala na lang sa paghila ko.
"basta mamya ko na ikukwento kailangan na natin makaalis agad.bilis!!!
halos pareho kaming maubusan ng hangin sa ginawa naming pag takbo.malayo layo na rin ang pagitan namin mula sa sinehang nilabasan namin.
BINABASA MO ANG
My dream love story is His past time
Teen Fictionyung pinakahihintay mong love story mo, yung mga pina pinangarap na mangyari.yung taong hinintay mo,yung happy ending na gustong gusto mong makamit.ipang pa PAST TIME lang ng taong akala mo siya na.