Mula promotion,Advertising,marketing hanggang sound system,Dj,catering at manpower sakin ini asign ni Gab. One week after namin magkausap nung ibinalita nya sakin ang pag bubukas ng park nila ay nag email na sya skin ng mga dapat kong gawin.
Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil na hire din si Paula at sya ang tumulong sakin pag dating sa marketing dahil major nya ito at hindi na kami masyadong nangapa pa sa mga dapat gawin.
Kasalukuyan akong nasa reception table at pinag mamasdan ang mga taong dumarating.mas marami kumpara sa inaasahan namin.
Mula sa kinatatayuan ko ay matatanaw ang starting line ng pro lake.ito ang unang bubungad sayo pagpasok mo pa lang.. Mayroon sampung lounge chair na nakahilera paharap sa lake. Sa likuran ay ang activity area na may malaking billard table, table and chairs, dalawang couch,isang 42" flat screen na nka hang sa tapat nito at mini counter bar na pwedeng umoorder ng mga drinks and liquors.Ang lake ay may center island, five corners,dalawang kicker,table top at ilan pang sliders. Sa kabilang bahagi naman ay may beginners lake na halos kalahati ng haba ng pro lake.
Natuon ang pansin ko sa lalaking nag lalaro sa pro lake. Sa lakas ng pwersa nya halos lumipad na sya sa ere at malinis pa rin nitong na i lalanding ang tricks na ginawa nya. Dinig na dinig ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao na piniling wag na lang mag ride at panuorin na lang ito. Isang tantrum back side sa kicker at hinatak nya ng malakas ang handle para makalapit sa gilid ng lake at umahon sa tubig.
Pilit kong minumukhaan ang mukha ng lalake ngunit sa mejo may kalayuan ang pagitan namin ay hindi ko na maaninag.
"Do you know him?" Mula sa likod ko dinig ko ang boses ni Gab at nag paalis ng aking pag kakatitig sa kung sino man ang rider na yon. Lumingon ako sa kanya.
"No!do you know him?"balik tanong ko sa kanya.
"Yup! He's my classmate way back high school. Lucas Marco Lopez. Isa sya sa mga varsity ng basketball dati sa school. He's very good on it. Now I heard that he's a pro wake board rider here in the country. He used to compete inside and out of the philippines and he's always on top of the podium every competition. He's also working as a wakeboard hardware specialist in one of the top wakeboard company here in the philippines. When he loves what his doing, he's doing it with passion ,and wake boarding is his passion."
Wala akong masabi.sa dami ng magagandang impormasyon na sinabi sa akin ng pinsan ko ay gusto ko ng humanga pero hindi ko parin sya kilala for sure may mga bad sides din ang taong yun.
"Really.."ang tanging nasabi ko na lang at sumimsim ng mango juice ko.
"Are your Dj's ready Rack?" Pag iiba nito ng topic.
"Yeah.. On the way na daw .siguro after two hours nandito na sila,marami pa silang oras para sa party mamya." Sagot ko.
"Dad's looking for me,puntahan ko lang."paalam nito habang binabasa ang message mula phone nya na mukhang si tito Ralph.
"Okay, see arround"paalam ko rin. Hahanapin ko na lang muna si Paula para ayain mag lunch.palinga linga ako habang nag lalakad inuna ko ang papunta sa pool ngunit wala ito rito. Lumiko ako papunta sa dining area ng may nakita akong pamilyar na mukha ng lalake. Hindi ko maalis ang tingin ko at napalingon din sya sakin.nagkatitigan kami at hindi ko na napansin na papalapit pala sya sakin.hindi na'ko maka atras magmumukha akong tanga kung gagawin ko ito.
"I think i know you?"tanong nya sakin ng nasa harapan ko na sya at nasa mga mata nya ang pag tataka.
"I dont think so.."sagot ko.siningkit ko pa ang mga mata ko para mag mukha talagang hindi ko sya maalala..umaasa ako na baka sakaling hindi naman talaga sya sigurado na ako nga ang tinutukoy nya. Pero alam ko,malinaw pa sa ala ala ko na sya si mabangong kili kili guy!madilim naman ng mga panahong yun sa sinehan.posible nyang isipin na kamukha ko lang ang tinutukoy nya.
BINABASA MO ANG
My dream love story is His past time
Teen Fictionyung pinakahihintay mong love story mo, yung mga pina pinangarap na mangyari.yung taong hinintay mo,yung happy ending na gustong gusto mong makamit.ipang pa PAST TIME lang ng taong akala mo siya na.