My November 10 by imJanKenneth

9 1 0
                                    

MY NOVEMBER 10by imJanKenneth

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MY NOVEMBER 10
by imJanKenneth

    I always thought since the day we met, that we are meant to be together. Noong nakilala kita ay walang mapagsisidlan ang tuwa ko, sapagkat lubos kong inakala na ikaw na nga 'yong hinahanap ko. Na magpupuno ng malaking puwang sa puso ko, sa pangungulila sa pagmamahal—na sabi ng karamihan ay hindi naman dapat natin 'yon hanapin dahil kusa 'yong dadating. Tama nga sila, hindi ko dapat 'yon hanapin kasi alam kong kapag ipinilit ko ang pagmamahal na hindi pa para sa akin, ay alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan no'n.

    But since you caught my attention, sabi ko noon sa sarili ko na; "Bahala na. Gusto kitang isugal kahit alam kong walang kasiguraduhan." Wala, e. Hindi ko alam kung anong klaseng gayuma ang inialay mo sa akin kung ba't patay na patay ang puso ko sa 'yo.

   It was August, and we started online as strangers on that stupid dating app. For months, all we do was just to update each other through late night calls about our lives, likes, things that interest us, and especially how you caught my heart when you told me your childhood. Your traumas, and being a lola's boy kagaya ko. Kaya sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa isang tulad mo? I told my closest friend about you when we are getting to know each other for a month, and the only thing that she said to me was to be careful with you. Na huwag ko raw dapat madaliin ang lahat sa atin, na kilalanin muna kita nang lubos. At huwag agad magpadala sa mga matatamis mong salita.

   Of course, I knew all of that. Matalino naman akong tao kaya alam ko 'yon noon pa man. Pero akala ko lang pala 'yon dahil noong bigla kang hindi nagparamdam sa akin nang dalawang buwan, at bumalik na parang walang nangyari, napatunayan ko nga't inaamin ko sa sarili ko na bobo nga talaga ako pagdating sa pag-ibig—lalo na pagdating sa 'yo.

   Katangahan nga talaga itong ginagawa ko pagdating sa 'yo, ang paglaanan ka ng oras kahit hindi mo naman hinihingi at tinatanong. Maging interesado sa lahat ng bagay na gusto't mga ayaw mo, lalo na sa makulay mong mundo. Kahit na hindi pa man kita nakikita noon ay binigyan na kita ng halaga, dahil ganoon ka na ka-espesyal sa akin.

   Noong gabi kung kailan ka ulit nagparamdam sa akin pagkatapos nang ilang buwan, naalala ko pa na gustong-gusto na kitang makita. Kaya tinext kita kung puwede ba kitang makita kahit malalim na ang gabi, at walang mapagsisidlan ang tuwa ko nang pumayag ka't inimbita mo ako sa apartment mo. Naghanda ako, nag-ayos at nilagay ang paborito kong pabango para kahit papaano ay hindi ka ma-disappoint sa akin kapag nagkita na tayong dalawa.

   When I got on your apartment, it was dark inside. Tanging ilaw lang na nanggagaling sa buwan sa nakabukas na bintana ng apartment mo ang siyang nagbibigay ng liwanag sa ating dalawa. Kaya kahit papaano ay nakikita pa rin kita, lalo na ang pigura ng iyong katawan. And when I saw your face, I still remember how you smiled on me that makes me fall even more to you. Hanggang sa nag-usap tayo, nagkatabi, at nangyari ang unang halik nating dalawa. It was clear to me how you passionately kissed my lips until I sniff your candy smell scent.

Kilig AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon