The Guy's POV:
Calix's still gorgeous. Siya pa din ng binibining aking ipinaglaba't minahal. Aking naging una't huling inibig. Mga bulaklak, panyo't kuwintas na sa aki'y nagpapa-alala sa kaniya. Tanging mga gamit na lamang niya ang sa aki'y natitira.
____
"Ginoong Brandon, magandang umaga. Mayroong sulat na ipinapa-abot ang aking ama" wika ng dalaga
"Magandang umaga din naman binibini" sagot ko
"Isang liham? Sa iyong palagay, tungkol saan ang liham na ito?" pagtatanong ko sa kaniya
"Hindi ko tiyak ang nilalaman ng liham, ngunit mayroong gaganaping munting salo-salo sa aming tahanan ngayong darating na gabi " sagot naman ng napaka - gandang binibini
"Maraming salamat sa pag aanyaya ngunit..." hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi nang biglang nagpa alam na ang binibini
"Pasensya na ginoong Brandon ngunit may mga liham pa akong ipapamahagi. Hiling ko'y ika'y makadalo sa munting salo-salo" sambit niya
"Ayos lamang iyon binibini, sige't susubukan kong makadalo sa salo-salo ngayong gabi. Maaari mo bang sabihin sa iyong ama na maraming salamat sa pag aanyaya" sagot ko naman
"Maraming salamat din ginoo, aasahan kita mamaya" wika niya
Ang araw na iyon ang simula ng aking pag sinta sa kaniya. Ang kanyang mahihinhin na galaw, mga magagandang mata't pilik na sadyang nakabibighani.
____
"Magandang gabi po ginoo at ginang Suarez" pagbati ko sa kanila
"Maraming salamat sa iyong pagdalo sa munting salo salo" wika ni ginang Concha Suarez
"Magandang gabi binibini, may dala akong munting regalo para sa pinaka marikit na dalaga ngayong gabi" wika ko
"Maraming salamat ginoo, halika't nang makapag simula na ang salo salo" wika ng binibini
"Halika ginoo at nang tayo'y makakain na" wika ni ginoong Suarez
Sa pagsisimula ng salo-salo'y mas napamahal ako sa aking binibini. Kung paano niya pakitunguhan ang mga panauhin;sadyang napaka bait.
YOU ARE READING
Last 7 Days | Completed
Mystery / ThrillerCalixta was indeed hilarious, she already made a lot of things which is quite impressive. But little she didn't know, there's always a guy who's looking after her, guy who's taking of her silently. But day will come and their story will end, either...