KABANATA DALAWA

33 6 0
                                    

His POV:

"Ma'am, 740 po lahat with 45 pesos' delivery fee po" wika ko

Hindi nag babago ang kanyang karikitan, mga mapupulang pisnge at labi. Gagawin ko ang lahat para lamang ika'y aking masilayan. Nang makita kong siya'y nagulat, ay akin itong ikinatuwa dahil maaring aalala na niya ako, maaring nakikilala na niya ako. Ang oras na ito ay ayaw ko nang matapos pa, dahil ang pag silay sa kanyang kaganadaha'y tila nakatingin sa kalangita't mga bulaklak. Habang nasisilayan namin ang isa't isa ay may narinig kaming sumisigaw. Ito pala ang kanyang kaibigan, na tila nakakita ng isang multo. "Calixta!" sigaw nito

Sumagot naman siya nang may pagkagulat. "What? Kinukuha ko ang mga order natin!"

"Wait kuya ha, pupuntahan ko lamang ang mg bruha sa loob" wika niya

"There's an ipis there Calixta!" sigaw nito

"What the f*ck.. Zejana!" sambit niya

Habang nagsisigawan sila ay napatawa na lamang ako. Biglang may humawak ng aking braso at hinila ako paloob ng silid.

"Kuya can you get rid of that ipis?" wika nito

"Si-sige po ma'am" sagot ko naman

"Jania! Pati si kuyang rider dinadamay at inuutusan mo pa" banggit ni Calixta

"Ayos lamang iyon ma'am..." sagot ko

Kumuha ako ng isang lumang magazine at hinabol ang ipis upang p*tayin ito. Makalipas ang halos dalawang minuto ay nap*tay ko na ito 'saka ipinakita sa magkakaibigan. Natatawa kong itinaas ang magazine upang ipakita sa grupo ang ipis na kanilang kinatatakutan. "P*tay na po ang ipis ma'am" sambit ko

Biglang lumapit sa akin ang isang dalaga 'saka nag salita "Kuya bibigyan na lamang kita ng tip for that. By the way I am Calixta Suarez and they are my friends"

"Matagal na kitang kilala" sagot ko. Bigla akong napatigil at napakamot sa aking ulo. Bigla namang nanlaki ang kaniyang mga mata at nagsalita. "A-ano kuya? How? Tama ba pagkakarinig ko?"

"I mean is nice to meet you po. Mukang kailangan mo na pong ipatingin ang iyong mga tenga. Biro lang ma'am" sambit ko habang humahawak sa aking batok

Pagka bigay na pagka bigay niya ng bayad sa akin ay agaran akong umalis ng silid at 'saka nag lakad palabas ng gusaling iyon. "Mamahalin kita kahit anong panahon pa iyan. Mananatiling ikaw ang sisintahi't pipiliin binibini" sambit ko sa aking isipan.

Last 7 Days | Completed Where stories live. Discover now