Prologue

69 2 0
                                    


Prologue

"Seriously, Almia?!" daing ng pinsan ko na si Shane. "I really don't get you. Everybody has their own partners na sa prom. And you're just here.. turning down every guy who wants you to be their date! God!"

I'm busy reading on my laptop.

"I don't care." I said in my laziest voice. Base sa bilang ko ay lima na ang lumapit sa akin sa araw na ito para tanungin ako kung pwede nila ako maging date sa darating na prom. 

"Kung tama ang hinala ko, you're just waiting for 'that' guy. I know you, Mia. Kung hindi lang si Paco ang magiging kaparehas mo, mas pipiliin mong wag na lang um-attend sa prom." 

I rolled my eyes. "Hindi nga sabe! Ayoko lang talaga na may susundo at maghahatid sa akin sa bahay. You know Dad. He will probably asks a lot of hell questions kapag may nakita siyang lalaki sa bahay namin. And I don't want that to happen. Trust me." I closed my laptop and fixed my things para sa susunod na subject.

Umirap lang siya sa pangangatwiran ko. "Okay, fine.. And for your information, Paco will not go to the prom. Pupunta siyang States for a couple of months."

Binalingan ko agad siya ng tingin. Where did she get that news? 

"Just sayin', cous." at pagkatapos non ay nauna pa siyang lumabas ng classroom sa akin.

I just sit there for another minute. Iniisip kung anong dahilan kung bakit aalis si Paco bago ang graduation namin. He's been a good friend to me, a special one to be specific. I don't want to put label on the things we have but he is the closest guy I have after my Dad. At ngayong nalaman ko ang balitang ito kay Shane, parang may saglit na kumurot sa puso ko. He didn't mention anything about this to me.

Dumating ang Prom Night na wala nga akong naging ka-date. I really don't mind. I have my girl friends kaya hindi ba magiging masaya ang gabing ito kung wala kang guy na kasama? Hell no...

Fire and Ice ang theme ng party. It's either magsusuot ka ng red or blue. And I wear a hot red lace cocktail dress. 

"Oh my god! You're so pretty, Mia!" komento ng isa kong kaibigan. 

"Thanks!" ngumiti ako at pagkatapos ay automatic na hinanap ng mata ko kung nasaan si Shane. Hindi siya sumabay sa akin kanina at tanging mga bodyguards lang ang katabi ko. "You saw Shane?"

"Nope. She's probably out there kung saan may mga cute guys." tugon naman ng isa. Lahat sa mga kaibigan ko ay mas pinili ang blue na dress kaya talagang nag s-stand out ang kulay ko sa kanila.

"MIA!" nasa table ako kung saan nakaserve ang mga non-alcoholic beverages nang may tumawag sa akin.

"What? Where have you been?" pinanlakihan ko ng mata si Shane. Maganda din ang ayos niya ngayong gabi. Nakatight red dress siya kaya kitang kita ang hubog ng kanyang katawan. 

"I have good news for you, cous." kita ko sa mga mata niya ang interes sa sasabihin. 

"Basta hindi ito tungkol sa kung sino mang bagong lalaking kinahuhumalingan mo and then, I'm good."

"Ang harsh mo talaga magsalita." pagtatampo niya. "May nilulutong plano ang council sa tatanghaling Prom Queen ngayon."

"So?"

"Gaga! Ikaw ang gusto nilang maging Prom Queen!"

Nagkaroon ng palihim na kampanya sa kung sino ang tatanghaling Prom Queen. Sa totoo lang, wala akong pakielam kung gusto nila akong manalo. Hindi ko ginagawang big deal ang mga bagay na kagaya ng ganito. They can do whatever they want and in the first place I didn't ask them to this for me. 

House Rent Number 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon