Part 2

16 1 0
                                    


Bodyshots

"Wow, Mia!" nandito si Shane sa loob ng kwarto ko at umiiling na nakatitig sa aking repleksyon sa salamin. "How could you to have that kind of abs?"

Pati ako ay muling napalingon sa pigura ko sa salamin. Nagsuot ako ngayon ng midriff black top na tinernohan din ng itim na tight above the knee skirt. Kaya kitang kita ang hubog ng aking katawan. What's wrong again with my abs? Hindi ko naman ito basta nakuha. Ilang sessions at pagtambay sa gym ang ginawa ko para lang magkaroon ako ng ganito. Naniniwala akong bawat tao ay may guilty obsessions.. and this is mine.

"Bakit hindi mo ako sinabihan na nag g-gym ka pala? Sana ngayon may ganan na din ako." patuloy pa din siya sa pagmamaktol sa kama ko. Wala naman akong nakikitang dahilan para mainggit siya sa katawan ko. In fact, Shane has that S-curve every woman are crazy to have.

"Kung hindi ka lang palaging may hangover edi sinama na kita."

Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalagay ng heavy make-up sa aking mukha. This party is going to be a big one. Lahat yata ng kilala at hindi ko kilala sa school ay inimbitahan ni Shane. Nalaman ko ito dahil sa kanina pa niyang paggamit ng telepono namin at pagtawag kung kani-kanino.

Siya ang may pakana ng party na ito. Ang sabi niya ay may basbas si dad dito. Ito daw ay para sa pag-graduate namin at pagkakaroon ko ng karangalan sa pagtatapos. I don't see anything wrong with having a party, but Shane's really an insane brat. Malakas ang kutob ko na hindi ganito ang sinabi niya sa tatay ko dahil paniguradong hindi papayag si dad kapag nalaman niyang we will be intoxicated tonight.

"Ready?" pilyang ngiti ang pinukol niya sa akin bago buksan ang pinto ng kwarto ko.

"Are you sure this will be alright?" nag aalangan.

"Count on me, dear cous." pagbukas ng pinto ay hinanda niya ang sarili sa pag arte. Humawak sa tiyan at kunwaring mamamatay na dahil sa pananakit nito.

Sa pagbaba namin ng hagdan ay agad kaming dinaluhan ng dalawa kong body guards at ang kanilang professional instinct ang pumaibabaw. Hindi ko sila hinayaang kunin si Shane, imbis ay mas inalalayan ko ang 'best actress' kong pinsan.

"Guys, ako na ang magdadala sa kanya sa hospital. Sumakit bigla ang tiyan niya e. I'll drive her car. Mauna na lang kayo sa bar and please.. Don't tell anything about this to my dad. He'll get worried. Understand?" mabuti na lang ay hindi ako nagkanda-utal sa pagbigkas ng mga litanyang ito.

Shane made me said this script.

Nang makatalikod na kami sa dalawa ay agad kong pinindot ang car key ng Vios ni Shane. Nakuha pa akong kindatan ng bruhang ito dahil sa tingin ko ay nahulog ang mga bodyguards sa arte naming dalawang. Nakita kong binuhay na din nila ang makina ng black Fortuner. They really fell for it, huh?

Para siyang luka sa hindi mabawasang paghalakhak. "I don't know.. You can be that good actress in front of those two men. You should start attending acting classes, Mia." panunuya pa niya.

"Shut up, Shane." pinaharurot ko ang sasakyan niya pagkalabas ng subdivision. "Once my dad knew we tricked them, he's going to kill me, woman. Kaya act right when we get there. No dirty playing, okay?" nasa tono ko ang pangangaral.

I know her so much to the point I'm starting to get annoyed by her childish antics. At hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit pinagbibigyan ko pa din siya hanggang ngayon.

"You really sound like, Tito Alfred.. Okay fine. Can't you just trust me?"

"No." muli kong tiningnan sa navigation ng sasakyan ang pupuntahan naming bar. Malapit lang ito sa district kung nasaan ang school namin. Iba ang address na binigay ni Shane sa dalawa kong body guards, hindi ko alam baka sa probinsiya pa makaabot ang mga iyon. Kaya patay talaga ako kapag maaga kaming nabuking ni dad.

House Rent Number 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon