ANG BAHAY NI ROSENDA

1.6K 40 3
                                    

"La,la,la. Lalala!" Pagkanta ko sa kotse. Papunta kase ako sa bahay ng lola ko. Magbibigay lang ako ng Pagkain. Siya lang kase ang nasa bahay nya eh. Magisa lang sya. Si lolo Bernard kase matagal ng namatay, nung last, last year pa, kaya sya nalang ang magisa sa bahay.

Nga pala, Ako pala si Athena. 18 years old na ko. And yes marunong na kong magdrive haha.

"What the!!!!" Sigaw ko kase, bigla akong natigil sa pagd-drive at umusok na ang sasakyan ko. Ano nanaman ang nangyare dito sa maarte kong sasakyan! Nakakainis dito pa talaga sa walang katao tao ako nasiraan! Wala pa naman akong dalang TOOLS! Nakakaasar!

"Oh, Nasiraan ka?" Nakakagulat naman to. Biglang may sumulpot na babae na sobrang ganda at mukhang mga 20+ years old na mula sa likod ko at kinausap ako.

"Ayy, Opo. Umm, may tools po ba kayo ng sasakyan?" Tanong ko. Pero di naman sya nakatingin saakin. Nakatingin sya dun sa bahay na madumi at parang sira sira na. Baliw ba to? Asar ah.

"Ang ganda ng bahay no.?" Tanong nya habang nakatingin sa bahay na ang dumi dumi.

"H-ha? A-ano po? Umm, Okay naman p-po." sagot ko.

"Mabuti naman. Ako nga pala si.. ROSENDA." sabi nya sabay abot saakin ng kamay nya, Kaya nakipagshake hands narin ako. Pero para syang baliw ah. Iba yung tanong ko. Tapos yung sagot nya, ANG GANDA DAW NG BAHAY? Kaazar. Last na tanong ko nalang dito tapos iba nanaman ang sagot. Naku! Dito nalang ako sa kotse maghihintay kung sino man ang tutulong saakin. Wala pa naman akong cellphone. Di kase ako binibilhan eh. Kaasar tong babaeng to. Nagpakilala pa talaga.

"Umm Miss R-rosenda, m-meron nga po ba kayong tools ng sasakyan?" Tanong ko ULIT sakanya.

"Wala." Maikling sagot nya.

"Ah sig-" Pinutol agad nya ang sasabihin ko at nagsalita nanaman sya.

"Pero dyan meron." sabay turo nya sa bahay na kanina pa nya tinitignan.

"T-talaga po? Kilala nyo po ba kung sino ang nakatira dyan?" tanong ko. Nakakatakot kasi kung magisa lang akong pumasok dyan. Magpapasama nalang ako sakanya.

"Oo." maikli nanamang sagot nya.

"S-sino po?" tanong ko

"AKO." S-sya ang nakatira dyan?! Nakakatakot naman. p-p-pero. p-pero?!!!! Ahh!!!

Unti unti syang nagpapalit ng mukha at simula sa magandang mukha napalitan ito ng napakapangit na matanda at naaagnas agnas na na mukha. Ang kanyang mga mata na kanina ay magandang may pagka brown ay naging kulay pula na malalim na. At sobrang nakakatakot na sya. Ni hindi ako makasigaw ng tulong. Hindi ako makapagsalita.

"Ang ganda mo naman." Sabi nya sabay hinaplos nya ang mukha ko. Napakagaspang ng mga kamay nya. Hindi talaga ako makagalaw. Nakakatakot sya.

"Alam mo bang ang magagandang dalaga ang mga kinukuha ng bahay na iyan?" sabay turo nya sa bahay nya.

Hindi na talaga ako makagalaw. Gustong- gusto ko ng sumigaw ng tulong pero ni isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko.

"Diba gusto mong makakuha ng tools ng sasakyan? Sasamahan kita. Pero pagkatapos nun, papatulugin muna kita ng saglit. Okay lang ba iyon?" Sabi nya saakin. Unti unti nya kong napapatulog dahil binugahan nya ko ng kanyang hininga. Unti unti na akong napipikit. Hanggang sa....

((SA LOOB NG BAHAY NI ROSENDA.))

"gumising ka na. Makukuha na kita. Gumising ka na. makukuha na kita!"

Naririnig ko ang boses ng isang babae na basag ang boses, hindi kagandahan ang kanta at kahit kailan wala pa akong naririnig na ganung kanta. Alam ko kung sino ang kumakanta. At alam ko rin na ngayon na ang katapusan ko. Kaya nagdasal nalang ako na sana ay maligtas ako. Dahil marami pa akong gagawin sa buhay ko. Ayokong dumilat dahil baka sa oras ng pagbukas ko ng aking mga mata ay yun na ang pagkatapos ng buhay ko. Kaya kahit naririnig ko siya ng paulit ulit na pagkanta, pipilit nalang ako.

Nararamdaman kong palapit na siya saakin kaya pinilit kong wag umiyak dahil baka malaman nyang gising na ako.

"Gumising ka na at makukuha na kita.." bulong niya saakin

"ALAM KONG GISING KA NA AT KUKUNIN NA KITA!!!!" Nagiba ang kanyang boses kaya napadilat ako at napa iyak na. Nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin saakin. Magulo ang mga buhok nya. Napakadumi ng damit. Lumuluwa na ang mga mata nya. At ang mukha nya ay naaagnas na. Sobrang nakakatakot talaga.

"NAGISING KA NA KAYA AKIN KA NA!!!" Sigaw nya hanggang.....

Author's POV.

Pagkasigaw ni Rosenda ng "NAGISING KA NA KAYA AKIN KA NA." Dinukot niya ang mga mata ni Athena at Dinukot nya ang puso, bituka at lahat ng maisip nya. Hanggang sa naging Panget na rin si Athena katukad nya. Hanggang sa Namatay at nawala na si Athena.


What's the story all about?:

The story is all about the dead women who's bullied and died because she jumped into the bridge because of being bullied. Now all of the Beautiful girls that saw her house, will die.

To all the Girls! Hi! Please Vote and Comment kung ayaw nyong magpakita sainyo si ROSENDA. Thanks sa mga nagbasa! 😘

Pinoy Horror Stories   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon