SELFIE TAYO

1.7K 42 7
                                    

"Wag!" Napasigaw nalang ako habang nasa klase dahil nakatulog ako habang nagdidiscuss yung teacher tapos nanaginip ako ng may batang nakap---

"Ms. Rosales! tama ba ang matulog sa klase ko at magsisisigaw sa klase?!" sigaw saakin ng teacher ko

"Sorry po miss." sabi ko naman

(BELL!)

"Okay class tapos na ang discussion natin. Ms. Rosales ayaw ko ng mauulit pa iyon!" sabi ng teacher ko.

"Opo miss. Sorry po ulit." sabi ko. Btw, ako nga pala si Corrine.

Lumabas na ko ng classroom at naglalakad lakad ngayon sa Canteen.

"Pssst.." biglang may sumitsit. Tumingin ako sa paligid at nakita kong may isang bata sa isang gilid na nakaputi , mahaba ang buhok at naka ngiti na parang nakakatakot at maitim na ang mga ngipin.

"Sino ka?" papalapit na ko sakanya pero bigla syang tumakbo sa likuran nya at pagkasilip ko ay wala na agad sya.

"Hihihihi psst." naririnig ko nanaman ang bata.

"Aaaaaaah!!" napasigaw nanaman ako dahil paulit ulit syang sumisitsit at yun lang ang lagi kong naririnig.

"Pssst. Hihihihih" sabi nanaman nya. Nakatakip na ang dalawang kamay ko sa tenga ko at nakapikit. pagkadilat ko, nakita ko na sya na nasa harapan ko. Nakangiti sya at tumatawa.

"SELFIE TAYO!!" sabi nya.

"Ayokooo!!! Ayokoo!!!!!" sabi ko

"Corrine! Corrine!" sabi ni Bea

"Ha!!" nagulat ako ng nasa harapan ko na si Bea

"Ano bang nangyayari sayo?" sabi nya. Tumingin tingin ako sa paligid pero wala na ang bata at wala na kong naririnig na mga sitsit.

"Nakita mo b-ba yung b-bata?" tanong ko

"Bata?" tanong ni Bea

"O-oo yung batang babae" sabi ko habang nanginginig

"Ano ka ba. High school canteen to kaya bawal ang bata." pagpapaliwanag nya

"Tara na at baka malate pa tayo sa next class natin. Tara na"sabi ni Bea. Di na ko nagsalita at sumunod nalang ulit sakanya

CLASSROOM

Nakatingin lang ako sa bintana habang nagiisip kung sino yung batang babae na nakita ko or kung ano ba talaga yun.

"Hihihi. Hi!" biglang sumilip ang batang nakita ko kanina at nakangiti. Kaya pumikit ako at tinakpan ng kamay ko ang mga tenga ko.

"Miss!!! May I go out?" napatayo nalang ako at nasabi ko iyon. Pag ka labas ko hinanap ko agad yung bata. Ikot ako ng ikot sa labas mahanap lang yung bata.

(RING RING RING!) Nagring yung phone ko kaya kinuha ko agad.

Message from: Unknown

SELFIE TAYO. Hihihi.

"Itigil mo na to!!!!!" sigaw ko

"Hihihi. Pssst" naririnig ko nanaman ang boses nya. Nang iikot ko ang katawan ko, nakita ko sya. At ngayon nasa harapan ko na sya, at may hawak na- na- Nacellphone.

"SELFIE TAYO!!" at tinutok na nya ang cellphone saamin na sya ay nakangiti at ako naman ay patay na. Yun ang kuha sa cellphone na hawak nya. Totoo bang patay na ko?!

BEA's POV

Nakita ko nalang si Corrine na nasa labas at nakahiga at duguan. Maraming tumitingin sakanya pero ni isa walang nagpapadala sa Ospital. Nung nasabi ko na sa guard nadala na agad sya sa ospital. Pero ng nadala na sya sa ospital. Dead on arrival na. Di parin namin alam ng parents nya kung paano sya namatay, basta ngayon pinapaembistigahan na ang school namin.

"Bea bea." may tumawag saakin pagkatingin ko si Darryl.

"Oh bakit?" tanong ko

"Balita ko kasi patay na si Corrine. Alam ko kasi kung bakit eh. Yung batang kinukuwento nya sayo na nakikita nya totoo yun. Yun yung namatay sa Cr dati kasi nirape sya nung janitor, pero dati pa naman yun. Pagkatapos nyang nirape para di makapagsumbong, nilublob sya sa bowl hanggang hindi na sya makahinga ayun nahuli ng principal yung ginagawa ng janitor ng nagcr sya. Kaya ayan nakulong na yung janitor. Buhay parin yun ngayon. Matapos yun, lagi ng nagmumulto yung bata sa lahat ng NAPAPAGKUWENTUHAN KO NETO. HAHAHA! AKO LANG NAMAN ANG PUMATAY SA BATANG IYON!" Sabay nag palit ng anyo si daryl sa isang matandang nakakatakot at nakatawa sabay sinaksak na niya ako sa puso hanggang sa hindi na ko nakahinga

Nagustuhan nyo ba guyss? Edi Vote and Comment na kayo. And please do read my other stories den. >> CLOWN >> Shh... and WAG MAG CR NG MAG ISA.

Thanks a lot guyss! 😘

Pinoy Horror Stories   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon