Ang sapatos ni Carmen

2K 25 3
                                    

"Wow!! Ang cute naman nito!!" sabi ko. Ako nga pala si Carmen. 15 years old na ko. And mahiig ako sa mga Sapatos.

"Ano yan na ba ang napili mo?" sabi ni momy. Nasa ukay ukay kasi kami

"Opo. Para kasing may nagbubulong saakin na kunin ko daw yang sapatos na yan eh." sabay tawa ko

"Oh sya sige. Magkano ba yan?" tanong ni momy

"Nakasulat po... 300" sabi ko

"Oh sige pa-plastic mo na yan" sabi ni momy.

Nakapagbayad na kami at umuwi na. Pagkauwi ko sinukat ko na ng sinukat yung sapatos ang cute kase eh. Kulay Red sya tapos may heels. Ah basta ang cute.

Tapos na ko magsukatsukat at ngayon patulog na kami ni momy

"Pssst.."
"Sino yun? Momy momy!! ikaw po ba yun?" tanong ko kay momy

"Ang alin nak?" tanong naman nya

"Yung nagsitsit." sabi ko

"Eh patulog na ko eh." sabi nya

"Okay po. Baka guni guni ko lang po yun. Nang pahiga na ulit ako, naalala ko yung bestfriend ko na namatay si Alexa. Nagbitay kasi sya kasi.. Kasi yung boyfriend nya pumunta saakin nung anniv. nila inamin ng bf nya na ako ang gusto nya at hindi si Alexa. Kaya ayun, nagalit saakin at umalis, tapos nabalitaan ko nalang na patay na pala sya. T-teka.. May naalala ako. Ang fav. nyang suotin na sapatos lagi ay kamukha ng binili kong sapatos.

Pumunta agad ako sa Box kung saan nakalagay yung sapatos na binili ko. Pagkadating ko sa box binuksan ko agad yun at nakita ko nalang na WALA. pagkatingin ko sa may itaas nakita ko ang sapatos na lumulutang at tila nakasuot ito sa babae na... na... Na nakabitay!!!!!!! Ahhhhhh!!! Si ALEXA!!! Si ALEXA TALAGA ITO!!!!!

"Kamusta ka na bestfriend?!!!" sigaw nya saakin na parang may dalawang boses habang siya ay nakabitay

"Ahhhhhhhh!!!!!" sigaw ko. Pero bakit parang hindi nagigising si momy?? Tumakbo ako ng mabilis sa kwarto at tinignan ko si momy pagkadating ko, nakita ko nalang syang dilat at nakabukas ang bibig at may dugo.

"Hahahaha!!! Wala ka nang kakampi CARMEN!!" sigaw saakin ni Alexa

"Please Alexa tumigil ka na!! h-hindi ko naman kasalanan na ako ang gusto ni Gene eh!" sabi ko sakanya

"Hindi kasalanan?! Hindi kasalanan?!!!!" sabi nya at bigla nalang niya akong sinakal at binuhat para makapantay sakanya.

"Ahh. Alexa nasasaktan ako! Bitawan mo ko!" sabi ko sakanya.

"Hahaha!! Pati ba naman sapatos ko aangkinin mo?!" sabi nya

"Ahh ang sakit." huli kong salita at naramdaman kong nahulog nalang ako at pagka tingin ko sa paa ko suot ko ang sapatos na binili ko at duguan. At napapikit na ako.

Pinoy Horror Stories   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon