104

11 1 0
                                    

Dear D,

Nalungkot ako noong nalaman kong hindi tayo pareho ng university na papasukan. Luluwas kayo ng Maynila samantalang ako dito lang sa probinsya mag-aaral. Akala ko talaga hanggang kolehiyo ay magkasama pa rin tayo. Sa mga parehong universities kasi tayong nag-take ng entrance exams. Lahat ng iyon naipasa natin kaya iniisip ko na isa sa mga iyon ang mapipili mong pasukan, kaso may ibang plano pala ang mga magulang mo. Mataas nga naman ang maaabot mo kung doon ka sa isa sa mga sikat na unibersidad sa Maynila. Matalino ka, malayo ang mararating mo roon, at mabibigyan ka rin ng maraming opurtunidad kapag doon ka nag-aral. Nakakalungkot lang talagang isipin na magkakalayo na tayo. Magkakaroon ka ng sarili mong buhay doon at ako naman dito. Sana ay mag-aral ka ng mabuti doon at hindi masyadong maloloko sa online games. Sige hanggang sa pagkikita na lang natin uli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters to DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon