bago mag uwian niyaya ko sya mamasyal muna sa mall,
pumayag naman sya, habang nag lalakad lakad, nag kukwentuhan kame,"steve? buti okay na tayo no? namiss ko to ee"
--oo nga ee, ako din.
"so... ano naman pumasok sa isip mo bigla mo ko niyakap kanina?"
--may napaginipan kase ako ee, hahah yun lang.
"ano napaginipan mo?"
--basta. sa panaginip ko narealize ko na hindi pala kita kayang mawala,
"ayiee! kaw aa! kwento mo naman?"
ayoko naman ikwento sakanya yun.. parang hindi kase maganda yung panaginip nayun para ikwento sakanya,
bigla ko nalang sya niyaya na kumain para naman maiba yung topic namen,--ay! nagugutom nanaman ako, tara kain tayo?
"sige ba, libre mo ko aa!"
--awa sige lang,
habang nakapila ako, si nicole naman kumuha na ng pwesto,
nakaupo na nag tetext habang nag aantay,habang kumakain kame bigla syang nag kwento, hindi ko man inintindi ang kinukwento nya, nakatitig lang ako sakanya, pinagmamasdan,
sabi ko sa isip ko habang nakatunganga sakanya...
'grabe.. ang ganda ng babaeng to, napaka simple nya, wala syang arte sa katawan, anlakas din nya kumain, nakakatuwa naman sya kasama, sino ba naman ang di maiinlove dito... sayang hanggang kaibigan lang talaga ako sakanya.
pero bakit parang may tumatawag saken?. (steve?)"steve? steve! nakikinig kaba? kanina pa ako nag kukwento dito oohh."
--oh! oo hahaha, ang galing nga ee,
pero ang totoo wala akong idea kung ano ba ang kinwento nya.
katapos namin kumain, nag lakad lakad muna kame ulit bago kame umuwi,
wala syang tigil kakakwento saken, kitang kita ko sakanya kung gaano nya ako namiss, na guilty ako sa ginawa kong pag iwas sakanya, nahiya tuloy ako dahil antahimik ko lang habang sya kwento ng kwento,"steve? bat nananahimik ka? ikaw naman mag kwento?"
--ahh? wala.. natutuwa kase ako pag nag kukwento ka e,
"ahh ganun? so ako lang? ikaw naman kase mag kwento ka naman?"
--osige,
tsaka ako nag kwento ng kung ano ano sakanya, mga walang kwentang bagay na malabong manyare sa totong buhay.
mejo awkward dahil ang epic ng mga kinukwento ko sakanya,
pero ang maganda dun nakikiride sya sa mga kinukwento kong kalokohan sakanya.
makalipas ang ilang oras nag yaya na akong umuwi.--nicole? tara uwi na tayo?
"ahh? gusto mo na ba umuwi?"
--oo, medyo pagod na kase ako,
"sige lang, uwi kana, dito muna ako, andito naman daw si ate ee"
--oh? pano mo nalaman?
"sya yung katxt ko kanina bago tayo kumain, niyaya nya ako mag cine.."
--ah! di mo sinabi agad, edi sana nakapanood ka ng cine ngayun,
"okay lang, mas gusto kita kasama ngayun, namiss ko kase to ee"
--ahh.. sige sige, thanks sa time mo aa!
masaya kong sabi sakanya,
tsaka na ako umuwi,
kumain, nag linis, at natulog.
BINABASA MO ANG
friendship to relationship
Ficção Adolescentefirst story ko to.. di ko alam kung maganda ba, pero sana maenjoy mo, vote please? ^-^