dedmahan?

47 2 0
                                    

bago mag bakasyon nakapag decide na ako na iwasan sya,
hindi ko sya pinapansin, nilalayuan ko sya, iniiwasan ng tingin.

after 2 weeks napansin nya yun, actually nung una palang napansin na nya ang pag iwas ko sakanya, ngayun lang siguro sya nag karoon ng lakas ng loob na kausapin ako,

break time na namin ng bigla akong nilapitan ni nicole

"steve? galit kaba saken?"

--hindi man.

"ea bakit iniiwasan mo ako? tsaka di mo ko kinakausap."

tinitigan ko lang sya sabay ngiti, isang pilit na ngiti.

"iihh steve, ano ba ginawa ko, sabihin mo na,"
nag mamakaawa nyang sinabi.

nainis ako sa sinabi nya na parang wala syang alam, agad agad akong tumayo at lumabas, nag hanap ng lugar na walang masyadong tao, hanggang sa nakarating ako sa 3rd floor, madaming kwarto na hindi naman ginagamit,

hindi ko namalayan na sumunod pala si nicole saken,

"steve!"

mabilis akong napalingon. nagulat at napahinga ng malalim.

--baket? ano ginagawa mo dito?

"gusto lang kita makausap, nalalabuan na kase ako ee"

tsaka ako tumingin sa malayo.. tumingin pa baba, pinag mamasdan ang mga studyanteng palakad lakad na parang mga dwende habang nag sasalita si nicole,

"steve. sorry talaga, sorry kung di ko kayang ma fall sayo, sorry kung di kita kayang mahalin as my boyfriend"

--okay lang (matipid kong sagot)

"steve? pwede ba natin ibalik yung date? yung closeness natin? bestfriend parin tayo diba?"

wala akong kibo na nag iisip isip, naka tulala,

"steve naman.. pansinin mo na ako please?!"

--nicole? alam mo ba kung gaano kahirap makasama ang taong mahal mo na may mahal nang iba?

bigla naman dumating ang kaibigan nya na si billy bago pa sya nakasagot,

*nicole? andyan ka lang pala, ano ginagawa nyo jan*

"wala man, nag kukwentuhan lang, san ka pupunta?"

*wala hinahanap lang kita, tara bili na tayo foods, sabay sabay na tayo*

agad naman akong tinitigan ni nicole, at nginitian ko lang sya,

  --sige kayo nalang, may hinihintay ako ee.

sa tingin ni nicole parang alam nya na gumagawa lang ako ng dahilan para hindi sumama sakanila, 

pagkaalis nila bumalik na ako agad sa room bago pa matapos ang break time,
maya maya sabay na pumasok si billy at nicole,
tumatawa na parang walang problemang dinadala,

pagkatapos ng klase umuwi ako na parang wala sa sarili,
dinadamdam ang mga nanyari,
pilit tinatanggap ang lahat.

friendship to relationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon