Hyunseung's POV
Saturday
🌁🕥Bumukas yung pinto, si Manager.
"Hinanada n'yo na ba yung mga maleta n'yo?"
"Yes" Sabi nung mga members.
Tumingin sa'kin sa manager.
"Handa na manager. Buong kwarto ko nga yung dinala ko eh" Pang-asar na sagot ko.
"Bakit? Dun mo ba isi-spend yung one week vacation mo?"
"Yup" Sagot ko, habang tinataas baba ko ng sabay yung mga kilay ko.
"Sige, trip mo 'yan eh" Sabi ni Manager.
"Hala, sige, tayo na sa parking lot at ng maka-uwi na tayo sa dorm at makapag-bihis kayo ng Airport fashion n'yo" Sabi n'ya.
Our Manager lead the way, until we arrive at the parking lot.
Pag-dating na pag-dating namin sa dorm, pumunta agad kami sa sari-sarili naming kwarto at s'yang kinuha ang kanya-kanyang maleta at agad na nag-tungo sa van.
"Tara na, alis na tayo manager"
"Oo na" Sagot nya kasabay ng pag-start n'ya sa van.
"Okay na ba kayo? Wala ba kayong naiwan? Yung phones n'yo hawak n'yo ba? Yung mga passport n'yo?"
"Ah! Yung mga ticket n'yo?" Pahabol ni Manager.
"Sir, yes sir!" Sagot nung mga ka-miyembro ko, pagka-tapos nilang i-check ang kani-kanilang bag.
"Manager, tanong ka ng tanong sa amin, baka ikaw ang kulang kulang ang dala" Sabi ko sa kanya.
"Oo nga naman manager" Pag sang-ayon ng mga members.
Kinuha ni Manager yung backpack n'ya at s'ya n'yang binisita.
"Okay naman..."
"Salamat sa pag-papa-alala, Hyunseung" Dugtong at naiilang na sagot ni Manager.
Nakain ni Manager? For the first time nag-thank you s'ya sa'kin. Dapat ko bang ipagdiwang 'yon? Okay, masyado na kong na-flatter sa thank you ni Manager.
Pina-andar na ni Manager yung van na sinasakyan namin. Ni-relax ko ang katawan ko, sumandal at ibinaling ang tingin ko sa bintana.
Pa'no ko kaya s'ya hahanapin?
S'an ba ko dapat mag-simula?
Pa'no kung hindi ko s'ya mahanap?
Pa'no kung mahanap ko s'ya pero may asawa't anak na s'ya?
Pa'no kung may amnesia s'ya?
Pa'no kung inamag na yung pangalan ko at mukha ko nung bata ako sa memory n'ya?
"Ang lakas talaga ng impact mo sa'kin, Kim HyunA..."
"Hanggang ngayon, ikaw parin ang gusto ko at wala ng iba" I mumbled.
"Hoy, Jang Hyunseung ano'ng pinagsa-sabi mo d'yan? Sino yung HyunA? Ha? Ka-malanding ugnayan mo? Oh, ba'ka ka-relasyon mo na? Hindi naman kaya?"
"Nabuntis mo!" He exclaimed.
"Oo Manager, mabubuntis ko ang isa sa inyo..."
"Kelan ba ko umalis ng dorm na hindi ka kasama? Mag-focus ka na lang d'yan sa pagdi-drive mo, okay?Masyado k'ang panira ng moment!"
"Hay naku Manager, nagsisi talaga akong tumabi sa'yo! Sa susunod di na kita tatabihan!" Sunud-sunod na reklamo ko. Badtrip e!

BINABASA MO ANG
A TROUBLEMAKER STORY : Kababata kumusta ka na?
RandomIto ay isang kwento na umiikot sa dalawang mag-kababata na nagka-layo? o pinagka-layo ng tadhana? Mag-kita pa kaya ang dalawa nating bida? Saan at paano naman kaya sila pagtatagpuin ng tadhana?