Hyunseung's POV
*flight stewardess speaking*
Minulat ko ang mga mata ko at malapit na pala kaming bumaba. Pinasuot kami ng seat belt para sa nalalapit na pag-landing ng eroplano na sinasakyan namin. Paalam sa isang linggong bakasyong pinapangarap ko.
10 minutes later
Nakapag-landing na kami-i mean nakapag-landing na yung eroplanong sinasakyan namin. Tumayo na kami. Manager leads the way-as always. Paglabas na paglabas ko ng eroplano nanibago ako kasi sa Philippines super init. Tapos di super lamig. Well, bakit di pa ba ako nasanay di ba?
*sigh*
Bumuntunghininga, 'yan nalang ang magagawa ko ngayon. Yung isang linggong bakasyon ko! Isang linggong pag ri-relax...naglahong parang bula. Buti pa yung mga ka-member ko nakakapag-bakasyon, e ako? Pangbata man 'tong nararamdaman ko pero, naiinggit talaga ako sa kanila.
Bumalik ako sa realidad ng may liwanag na bigla nalang nag-flash. Tinignan ko kung saan iyon galing.
Camera.
Bakit di pa ba ko nasanay? Wala namang bago sa lahat ng 'to.
Inikot ko ang paningin ko at...wala masyadong tao, meron pero mangilan-ngilan lang. Siguro dahil, madaling araw pa lang. Tumingin ako sa wrist watch ko at...two fifty nine a.m palang pala.
Tuloy-tuloy ang paglalakad namin ngayon...sumusunod pa rin sa amin yung paparazzi...Tinignan ko yung paparazzi, di ko maaninag yung mukha, naka-baseball cap e. Pero isa lamg ang masasabi ko. Babae s'ya. Confirmed.
Ganito ba talaga pag-bored? Kung ano-ano nalang ang napapansin?
Ibinalik ko yung tingin ko sa nilalakaran ko, malamang, saan pa ba?
"Jang Hyunseung!" Napatigil sila sa pag lalakad ng marinig nila ang tawag sa akin.
Wow. Sila pa talaga ang tumigil, e samantalang ako yung tinawag...Pero pamilyar yung boses niya.
"Ya! Jang Hyunseung!" Tawag nitong muli. Sa pagkakataong ito, sabay-sabay nilang tinignan yung babaeng tumawag sa akin.
Wow naman. Mas excited pa sila kaysa sa akin na tinawag.
Biglang nanlaki ang mga mata nila...gulat na gulat sa kanilang nakita.
Gulat na gulat? Sino ba yan at ganyan ang reaksiyon niyo?
Nagulat ako sa sunod nilang ginawa. Nag-bow sila at nag-greet.
Napataas ang isa kong kilay dala ng kuryosidad. Nilingon ko ang babaeng tumawag sa maganda kong ngalan. Nang ako'y makalingon, maging ako ay nagulat sa taong bumungad sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?!" 'Yan lang ang nasabi ko.
• • •
Jang Jihyo's POV
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Di ka manlang ba babati?" Nag-lakad ako papalapit sakanya habang nakataas ang isa kong kilay.
Tch. Wala talaga 'tong galang. Ang sarap konyatan ng isang libong beses. Hay! Ang aga-aga naii-stress ako. Talaga naman.
"Sige na, mauna na kayo ng makapag-pahinga kayo. Iwan niyo na 'tong mokong na 'to sa'kin"
Natawa sila sa sinabi ko, sa 'Mokong' part. Pero pa-simple lang. Siguro nahihiya sa'kin.
BINABASA MO ANG
A TROUBLEMAKER STORY : Kababata kumusta ka na?
RandomIto ay isang kwento na umiikot sa dalawang mag-kababata na nagka-layo? o pinagka-layo ng tadhana? Mag-kita pa kaya ang dalawa nating bida? Saan at paano naman kaya sila pagtatagpuin ng tadhana?