Inaya ni Hyuna si Hyunseung sa 'usual spot' nila - kung saan nila masaya't magkasabay na kinakain ang ice cream na binibili nila kay Mr. Kang nung mga bata pa sila - at duon um-upo. Walang umi-imik sa kanilang dalawa. Siguro, hindi nila alam kung saan ba dapat mag-simula. O, baka naghihintay lamang sila kung sino ang unang magsa-salita.
Mula sa labas ng 'Happy mart', nag-kumpulan sina Jang jihyo, Mr. K at Manong men in black. Sinusubaybayan nila ang dalawa. Iniintay nila kung sino sa dalawa ang babasag ng katahimikan. Naiinip na sila kahihintay, ngunit wala silang magawa kundi ang panuorin ang dalawa mula sa malayo.
Naunang maubos ni Hyuna ang ice cream. Sa wakas at mag sa-salita na ito.
"Nauna kong maubos yung ice cream, dating gawi kung sinong unang maka-ubos ng ice cream s'ya ang masusunod"
"Tsk. Naaalala mo pa yun?" Tanong ni Hyunseung.
"Naman, anong tingin mo sa akin? Ulyanin?"
"Oo na, ano yung utos mo, Kamahalan?"
"Ma-una kang mag-tanong" Utos ni Hyuna.
"Pero, di ba ladies first?" Palusot ni Hyunseung. Dahil di n'ya alam kung anong itatanong.
"Tsk. Wag' mo ng subukang tumakas, dali na"
Hindi alam ni Hyunseung kung ano ang una dapat itanong. Walang pumapasok sa na kahit ano sa isip n'ya.
'Bahala na' Sabi niya sa sarili niya.
"May pumalit ba sa pwesto ko?"
'Ano? boy-bestfriend o first love?' 'Yan ang gustong itanong ni Hyuna.
"You mean, boy-bestfriend? Well, yeah. Meron, wanna see his picture?"
Kinuha ni Hyuna ang kanya cellphone, pero naalala n'yang nag-shutdown na ang kanyang phone.
"Oh! wala na palang battery. Next time nalang"
"Sayo? May pumalit na ba sa pwesto ko?" Tanong naman ni Hyuna kay Hyunseung.
"You mean girl-bestfriend o first lo- Wa-la, walang pumalit kasi, ayokong mag-hanap kasi alam kong walang makakapalit sa pwesto mo"
Muntikan na si Hyunseung. Ginawa n'ya ang lahat ng natutunan n'ya sa acting workshop para hindi mabuko.
"Ganun?" Tipid na sagot ni Hyuna.
Sa kabilang kalsada, tila nanonood ng pelikula ang tatlong oldies, may tigi-isa silang popcorn. Natutuwa sila sa mga nagngyayari. Natawa sila ng muntik madulas si Hyunseung at pinilit nitong gawin ang lahat ng kanyang magagawa para hindi makahalata si Hyuna.
"Sorry a"
"Sorry saan?"
"Sa hindi ko pag-sipot... dahil umalis ako ng hindi man lang ako nakapag-paalam"
"Tsk. Hindi mo ba alam, hinintay kita ng pagkatagal-tagal. Akala ko mala-late ka lang, dahil lagi ka namang late. Pero nagka-mali ako, hindi mo pala ko si-siputin"
"Kaya nga, sorry. Kahit ako nabigla nung araw na yun. Papunta nasa na ko dito nun, pero bigla akong pinag-impake ni Eomma. Na-aksidente kasi si Appa nung araw na yun, kaya agad kaming pumunta ni Eomma sa pilipinas"
"A... kaya pala. Kamusta na yung Appa mo?"
"Ayun, hanggang ngayon tini-therapy pa s'ya. Para makalakad ulit ng maayos..."
"...Bakit mo nga pala ako pinapunta nung araw na yun? Hindi naman tayo nagkikita tuwing sabado, di ba?"
Nagulat si Hyunseung sa tanong ni Hyuna. Biglang bumilis yung tibok ng puso n'ya. Hindi n'ya alam kung anong gagawin. Natulala s'ya for a moment. Parang wala s'ya naririnig. Tinatawag s'ya ni Hyuna, pero wala s'yang imik.
Hinawakan ni Hyuna ang mukha ni Hyunseung at ihinarap ito sakanya.
"Okay ka lang? Hoy? Okay ka lang?"
Hinawakan ni Hyunseung ang bewang ni Hyuna at inilapit pa ang mukha niya kay Hyuna hanggang sa mag-dikit ang mga labi nila. Nanlaki ang mata ni Hyuna sa nangyari.
Sa kabilang kalsada, abot langit ang saya ng mga oldies. Naluha si Jang jihyo dahil hindi pala nasayang ang mga pinag-hirapan n'ya. Abot tenga naman ang ngiti nina Mr. K at manong men in black.
Naglayo na ang kanilang mga labi. Napa-ngiti si Hyunseung ng makita niya ang reaksyon ni Hyuna. Inilapit ni Hyunseung ang kanyang mga labi sa tenga ni Hyuna.
"Y-ya!"
"Pinapunta kita nung araw na yun para itanong kung pwede ba kitang maging Forever" Bulong ni Hyunseung sa tenga ni Hyuna.
"Ikaw? Ano dapat yung sasabihin mo sa'kin nung araw na yun?" Tanong ni Hyunseung kay Hyuna.
"Magco-confess sana ako sa'yo nung araw na yun" Sagot naman ni Hyuna.
Napa-ngiti silang dalawa dahil na tuklasan nila na pareho naman pala sila ng nararamdaman sa isa't isa.
"I love you, Kim-soon-to-be-Jang Hyuna"
"I love you too, my soon-be-boyfriend(?)"
Niyakap ni Hyunseung si Hyuna ng napaka-higpit ganung din si Hyuna.
fin.

BINABASA MO ANG
A TROUBLEMAKER STORY : Kababata kumusta ka na?
РазноеIto ay isang kwento na umiikot sa dalawang mag-kababata na nagka-layo? o pinagka-layo ng tadhana? Mag-kita pa kaya ang dalawa nating bida? Saan at paano naman kaya sila pagtatagpuin ng tadhana?