||
"H-hanggang sa huli tin, mamahalin kita pe-pero wag mong ikulong ang sarili mo sa pagmamahal mo sa akin, kapag nakita mo na talaga ang para sayo wag kang mag alala, tatanggapin ko maging sino man sya"
Napabangon ang binata sa higaan nya, matangkad singkit at kulay bughaw ang mata pati ang suot "ahh!!! Ath-athena *sniff* miss na miss na kita mahal ko" tumayo ang binata at sumilip sa bintana, tumingin sya sa langit habang umiiyak "matapos kong magsilbi eto lang ang iga-ganti mo sakin-" hindi natuloy ng binata ang sasabihin nya ng my naramdaman syang yumakap sa kanya, babaeng kahawig ang mata ng kanyang minamahal,
"tin hindi sya matutuwa kung kinukulong mo ang sarili mo, Tin alam kong mahirap pero kailangan natin gumalaw, ramdam kong paparating na sya" "s-sino?*snif*" tumawa ang dalaga at pinaupo si agustin sa kama
"Hindi ko lubusan mawari kung sino sya, pero sya ang magbibigay kulay muli sa mundo mo" "ano sya dyos ng mga kulay-aray" napadaing ang binata ng paluin sya ng dalaga"Agustin tuloy ang buhay hmm?maganda at natutunan mo na muling mag biro dyos ng mga patay"
"Ang pangit pakinggan, ano pala ang sadya mo ly?"
"Pwede ko bang matanong kung familliar ka sa ngalan na 'stell'?"
"Tila umiibig ang dyosa-" napadaing ang binata ng makatanggap muli sya ng palo sa kanyang kaibigan
"Nagbibiro lamang ako! Napaka mapanakit mo! O sya oo tila narinig ko na ang ngalan na yan wag kang mag alala tatawagin kita kapag nakahanap ako ng info about sa kanya, bakit pala pumunta ka sa mundo ng mortal?"
"Dahil-"
"Sa dyos ng buwan? O dyos ng katahimikan?"
"Both" umiling lamang ang binata
"Pag babayarin ko ang my sala sa pagkawala ni athena"
"Alam ko"
"Sana wag mo akong pigilan kahit malaman natin kung sino ang may gawa"
"Oo pangako tin, alam mong my isang salita ako"
"Pero hindi ka-"
"Malabong sya ang may gawa nun"
"Dahil gusto mo sya?"
"Agustin! Napakatagal na nun at hindi na mauulit pa, kaibigan na lamang ang tingin ko sakanya"
"Okay sbe mo eh"
"AGUSTIN TOTOO NGA!"
"Wala akong sinasabe na hindi, gusto ko syang makilala para malaman kung bakit ayaw mo maniwala na sya ang pumatay kay athena"
"Edi gumaya ka sakin! Pabalik balik sa dalawang mundo HAHAHA"
"Bakit nga ba lumipat ang dyosa ng kapayapaan sa mundo ng mga mortal? Hindi ba't may mga tungkulin sya rito sa ating mundo?"
"Ang chismis-"
"Halah, chismis?! Pati yan natutunan mo?!"
"Patapusin mo ako agustin kung ayaw mong sunugin kita- sandali"
Napatingin ang binata sa tinitignan ng dalaga, sa linaw ng mga mata at mahika nakikita nila ang bawat tao sa mundo,"h-hindi ako yan" nanginginig na saad ng dyosa at unti unting pumatak ang luha "alam ko ly, huminahon ka, anong kailangan nya sa dyos ng buwan? Bakit sya dumalaw?"
"T-tila gusto nyang pag laruan ang pagkakaibigan namin ni Felipe"
"Ngunit bakit?"
"Hindi! Hindi ko na alam agustin! Tama na!" Nanginginig ang dyosa at tila natatakot, agad syang niyakap ng kanyang kaibigan "Tahan na dyosa, Walang mananakit sayo, kagaya ng nangyare sa iyong kakambal shh"
"A-agustin, kailangan kong linawin ang lahat kay felipe!"
"Sge na humayo kana, panonoorin kita mula rito sa taas upang walang manakit sayo"Mula pagkabata ay mag kaibigan na ang kambal at si Agustin, sobrang tagal ng panahon maraming nangyare, nagkagusto si Agustin sa kanyang kaibigan, si Athena ang kakambal ni Ashly, ngunit namatay ito at ang huling kinita lang nito ay ang dyos ng buwan kaya ganoon na lamang kung pagbintangan ng dyos ng kamatayan ang dyos ng buwan
"Nakakatawang isipin, nakikita ko ang kamatayan ng mga mortal, ngunit hindi ko nakikita ang sarili kong kamatayan, kailan ba ako mawawala sa mundo? Kung meron mang susunod na buhay sa mga katulad namin, pwede bang humiling sayo? Pwede ko bang hilingin na buhayin mo ako bilang isang mortal na may masayang buhay, masayang kamatayan walang pag sisisihan"
_________
-Ashly point of view-Naglaho ang dalaga at nag diretso kung saan nangyari ang nakita nya sa mahika ni Agustin, agad nyang nakita ang babaeng gumagaya ng katauhan nya "Ang boses para sa bangungot, DALAWANG DYOSA LAMANG ANG MAY KAYA NYAN, PAANO MO NAGAYA SAAKIN YAN?"
"Bakit hindi mo isipin? Dyosa?"
"Hindi, sandali! Bakit kailangan mong gawin yan? Dyosa ng digmaan?"
"Simple lang, gusto kong pag bayaran nila ang mga kasalanan nila matutuwa si Agustin kung pinapanood nya parin ito, ginaganti ko lang ang kanyang minamahal hindi ba't si felipe ang may sala sa pag ka wala ng iyo-"
"HUSTO NA! Dyosa, hindi kaba napapagod? Napapagod sa ganito? Sa bagay ang mga katulad mong hindi minamahal pabalik, at gumagawa ng imahinasyon na sila ng isang dyos ay walang katahimikan, baliw ka dyosa baliw"bumalik sa totoong anyo ang dyosa ng digmaan, agad nitong hinawakan ng mahigpit ang leeg ng dalaga "dapat mawala kanaren isa ka sa hadlang!" Sigaw ng dyosa, maya maya ay bigla na lamang tumalsik ang dyosa ng digmaan, "baka nakakalimutan mong mas malakas kaming dalawa kapag nag kaisa dyosa ng digmaan" saad ng binata o dyos ng kamatayan, bumagsak ang dalaga, ang isang dyosa, at ang dyosa ng digmaan ay bigla na lamang nag laho, doon sumulpot ang dyosa ng kapayapaan
"Ay nalate ako sorry" paghingi ng tawad ng dyosa ng kapayapaan
"Ayos lang, ja"
"S-si f-felipe kailangan s-syang gisingin!" Kahit nahihirapan ay tumayo ang dyosa ng kagandahan, tinulungan syang maglakad ng kanyang mga kaibigan, humawak sya sa ulo ng dyos ng buwan,'paanong tumalab sa kanya? Natanggal ng dyosa ng digmaan ang ginawa kong harang para dyan?' Pumikit ang dyosa at ng dumilat ito ay umiilaw na ang mga mata, hindi natinag si Agustin at tinignan nya pa ito, "galit ang nakikita ko sa maliwanag mong mata ly" umiling na lamang ang dyosa at pumikit ulit , nag sabi ng encantasion, maya maya ay dumilat narin ang dyos ng buwan
"a-anong?! Akala ko ba hindi ka naniniwalang ako ang kumitil sa buhay ng kakambal mo ly! BAKET?!" Napatayo ang isang dyos at dyosa ngunit si ly na kaninang nakaupo sa sofa ay nasa sahig na ngayon at nakatakip ang tenga, "hindi wala akong kasalanan!" Umiiyak na saad ng dalaga,"tama na wala kaming masamang motibo sayo Felipe, at kung meron man hindi na muli kita gigisingin sa bangungot mo, pasalamat ka nalang at binuhay kapa ni ly!, ang dyosa ng digmaan ang my gawa sayo nun" napatigil si Felipe, at unti unting lumapit kay Ashly 'Tama hindi ako sasaktan ng aking matalik na kaibigan, bakit hindi ko naisip yun?' Saad nya sa kanyang isipan "p-paumanhin dyosa" nanginginig ang dalaga, sinusubukan kumalma kanina pa, my himig silang narinig mula sa labas ng tahanan, at kumalma ang dyosa "nalabanan ko felipe, ang sumpa! Pero hindi, my himig-" "paumanhin ly hindi ko naisip na hindi mo maga-"
"Tapos na ang nangyari Felipe, huminahon kana alam mong hindi ako nagtatanim ng sama ng loob expect sa dyosang sinubukan ang patayin gamit ang bangungot" ngumiti si Felipe "Ken!" Sigaw nang boses sa labas ng bahay, naging parang hangin, ang tatlong makapangyarihang dyosa at dyos, inayos ng mabilis ang kalat sa tahanan ni Felipe ,"Uy bestpal my dala- ano yun bat parang ang lakas ng enerhiya sa bahay mo, hoy baka my mumo dito ha!" Napangiti si Ashly nang makita nya kung sino ito, kinalabit nya ang dalawa at kinausap sa isipan
'Umalis na tayo'
'Sge'Tuluyang nawala ang mga my kapangyarihan, mag kasamang bumalik si Agustin at Ashly sa tahanan ni Agustin
"Tin ang himig kanina, narinig mo ba?"
"Oo tila pinapakalma ang kalooban ko, napaka gandang himig"
"Ngunit kanino galing?"
"Hindi ba ito dala ng hangin?"
"Ramdam kong malapit lang iyon kaya malabo tin, pwede mo bang tignan?, naalala ko isa sa kapatid nang aming ina ay dyos ng himig, mahilig sa musica, lagi nya akong inaawitan, at sinasabe nya ang kanyang anak- anak na hindi ko parin alam kung nasaan"
"Huminahon ka ashly," saad ng binata at gumamit ng kapangyarihan upang sumulat ng salita sa gilid ng bintana, salitang my kasamang mahika, "nais makita kung saan nanggaling ang himig na nag pakalma saaming kalooban kani kanina lamang, wag mo akong biguin aking mahika" "kailan ba kita binigo aking kaibigan?" 'Ang kambal mahika' saad ng dyosa na nakaupo sa higaan ni Agustin "oh dyosa my magandang dyosa aking kaibigan, hindi mo ba sya ipa- aray oo na eto na titignan na," 'kambal mahikang nabubuhay sa mundo ng mortal at kapag kailangan lang chaka pumupunta dito' saad ni Ashly sa isipan"Ang kaibigan ni Felipe ang humihimig kanina!"
"Si stell?"
"Kilala mo sya?"
"Nakasabay ko syang kumain nung panahong nasa tahanan ako ni Felipe hindi ba?"
"Oo nga pala"
__________
"Dyos ng kinabukasan tila yatang my angking talento sa musica ang iniibig mong mortal"
"TAMA NA DYOSA tama na" nanghihinang saad ng isang ispiritu
"Pagod kana ba?, kawawa ka naman, mahal ko, bakit hindi nalang kase ako?!" Sinabunutan ng dyosa ang ispiritu, at pinahirapan muli ito,
"Kung wala akong kasiyahan walang kasiyahan ang lahat!"
_______End of chapter 2