||||
Agustin/Justin pov
Nararamdaman ko na sya
"Ayoko na bukas nala-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko, nung batukan nya ako "Nandito na tayo Agustin umayos ka"
"Jaa alam mo naman yung kasalanan ko diba? Sa tingin mo ba mapapatawad pa nya ako?"
"Bakit sakin mo tinatanong ako ba siya, eh kung itanong mo sa kanya" nakakainis talaga tong babaeng to walang kwenta:)"Ja- agustin?, ano't narito ka?" Masungit na salubong sa akin ng dyos ng apoy, kaya ayoko eh bwiset to si Ja biglang nawala "ah- ano uhm a-anjan ba si Ja? Hinahanap k-ko kase oo tama" natataranta na sagot ko, anong gagawin ko?!
"Huminahon ka Agustin, wala rito si Ja at alam kong kasama mo sya kani kanina lang, So anong kailangan mo?" Agustin wag ka ng iiyak, wag "u-uhm gusto ano gusto sana kitang kausapin kung okay lang?" Tumingin sya sakin, chaka tumango "pumasok ka" Sge agustin anong sasabihin mo? Makalipas ang ilang taon puro sorry lang ang lumalabas sa bibig mo
__________
"Ano ba yun tin? My problema ba?"
"K-kuya sorry po, kuya si tita, ipag lalayo nya kayo"
"Ha? Bakit?"
"Na-nasabi ko na na tatakas kayo, pupunta kayo sa mundo ng mga mortal, paumanhin hindi ko sinasadya"
"Bakit mo sinabe?! Tin naman eh alam mo namang matagal na naming plano iyon bakit ginulo mo?"
"A-ayokong umalis ka, ayoko" naiiyak na saad ng binata, nakarinig sya ng basag ng salamin, nakita nyang nag a-apoy ang buong katawan ng kapatid nya "k-kuya"
"Gusto kong mapag isa agustin" naiiyak umalis ang binata
"Tatakas tayo, hindi nila tayo hahadlangan, hantayin mo ako" bulong ng binata na nababalot ng apoy
_______
"Huminahon ka nga Agustin, bakit ka umiiyak?" N-nakayakap pala ako sa kanya, bakit? Ganito na ba ako nangulila? Ganon na ba katagal?
"Agustin?" Ramdam ko ang kamay nya na humahagod sa likod ko "k-kuya" ayun lang yung salitang lumabas sa bibig ko, sa dami ng gusto kong sabihin, hindi ko alam paano u-umpisahan"Tin?" Huminahon ako, at bumitaw sa pag yakap ko, magsalita ka Agustin
"Kuya hindi ko alam pero kase kuya ayoko na ng ganto tayo nandito ka sa mundo ng mortal habang nandoon ako sa mundo natin, hindi ako natatahimik hangga't hindi mo ako napapatawad sa bagay na nagawa ko dati, kasalanan ko yun kuya, sorry, sorry sorry"
"Kumalma ka Tin, ano kaba, napaka tagal na nun hmm? Kalimutan muna isa pa't hindi narin naman sya babalik kahit anong away ko sayo no, sandali, paano ka nakalabas ng gantong oras sa mundo natin?"
"Si ate hong pinatawid ako"
"Ah kaya pala, huminahon ka okay? Wag ka mag alala hindi na ako galit, matitiis ba kita?"
"Edi pwede ako mag stay dito?"
"Pag iisipan ko"
"Sandali si ly nagtatrabaho sayo diba?! Subukan mo syang kausapin!"
"Hindi ganon kadali Agustin eh, mahirap, isa syang dyosang mas makapangyarihan pa sakin at ang kumuha sa aking minamahal ay yung mama nya, hangga't hindi binabalik ng dyosa ng memorya ang kinuha nya wala ren"
"Sa batis?"
"Delikado tin""Hi ano usapan nyo?" Agad akong tumahimik ng makita kung sino yung nag salita sya, kay tagal na nung huli kong nasilayan yung ngiting yan sa kanya
"Umiiyak ka nanaman" saway nya sakin
"Masama kaba mamiss?!"
"Hindi naman"
_______
Felipe/ken pov
Nakatambay lang ako rito sa bahay ko, wala parin akong natatanggap na mensahe mula kay stell, dati naman nag pupunta pa dito yun para ipagluto ako, ngayon wala na, hindi kaya napagod na sya sakin? Hayss nakakapagod ka kasing dyos ka eh pati pag luluto wala kang alam"Bakit hindi mo hanapin sa diyos ng kamatayan ang kaibigan mo?" Napatingin ako sa nag salita "ann?! Dyosa ng digmaan? Ano't narito ka?"
"Well, upang balitaan ka na baka kinitil na ni agustin ang buhay ng iyong kaibigan"
"Bakit naman nya gagawin yun?"
"Galit sya sayo, sinabihan ka nya na ikaw ang pumatay sa kaibigan mo malamang gaganti"Oo nga no? Bakit hindi ko naisip yun?, nawala si ann, inayos ko ang itsura at kasuotan ko, pa-papasukin pa kaya ako?
Pumunta ako kung nasaan ang pasukan papunta sa aming mundo
"Tila nagmamadali ka"
"Hong… "
"Hinahanap mo ang dyos ng kamatayan, kakalabas nya lang rito"
"Totoo?"
"Oo"Bumalik ako sa bahay, saan paba pwede pumunta si Agustin, dito sa mundo ng mortal? "Kay Josh" bulong sakin ng boses na tinatangay ng hangin, tama si Josh, hindi kaya't si Agustin den ang my kagagawan sa nangyari kay kuya?
Hindi ako pwedeng sumugod nalang, dapat ibang paraan gamitin ko,
Agustin/Justin pov
Nandito ako ngayon sa tahanan ni kuya sa mundo ng mortal bukas na ako babalik sa mundo namin
_____
-umaga na katamad-"Agustin~" rinig kong boses bumangon ako sa higaan at tinignan kong sino iyon "kat? Anong ginagawa mo rito?"
"Inutusan ng inay na sunduin ang mag eensayo ng kapangyarihan upang kung gagawa manlang ng hakbang laban sa atin ang dyosa ng digmaan makakalaban tayo""Kasama ako?"
"Oo pati ang kapatid mo"
"Pero dyos ako ng kamatayan, ang trabaho ko lang bigyan ng dahilan ang mortal kung paano mamamatay"
"Pwedeng mag aral ng ibang kapangyarihan Agustin"
"My point, geh sunod na ako"
"Hihintayin kita sa balon malapit saaming tahanan"Nawala sya, umayos na ako at bumaba,
"Kuya paano yung trabaho mo?"
"May mag hahawak muna nun, halika na?" Ngumiti nalang ako, pinatay nya na lahat ng electric rito chaka kame naglaho, at pumunta sa lagusan "maligayang pagbabalik diyos ng apoy" bati sa amin ng bantay, si ate hong
____
-balon-"Tin, Joshua! Halika na-"
"Bakit nandito si Felipe?"
"Kasama sya, pati si ly nauna lang"
_____"Nandito na tayo"
"Alam nyo naman na siguro kung bakit kayo nandito, hahayaan ko kayong aralin ang ibang kapangyarihan, kung gagamitin nyo ito sa kabutihan, isang tabi ang kalooban unahin ang iba hindi ang sarili, gawin para sa iba hindi para sayo" malakas na turan ng reyna, pumasok na kame sa mga silid, isang silid na puno ng libro, inumpisahan sa pag aaral, pagkatapos nito ay sa pakikipag laban naman ang kailangan aralin, isang guro sa dalawang mag aaral_______
Lumipas na ang ilang buwan o araw, hindi ko na alam, basta ang alam ko, kasama ko si Felipe mag aral ang kinaayawan kong dyos, nagiging magkasundo kame sa ibang bagay, kaya siguro magaan ang loob ko sa kanya, eto ba yun? Kaya hindi sya sinisisi ni ly? Dahil dito? Mabait naman pala ang dyos na ito hindi lang halata,
Pero kung hindi sya, sino?
"Agustin! Bumangon kana at mag eensayo na muli tayo" nakalimutan kong bangitin mag kasama kame sa isang silid, sobrang daming dyos o dyosang nag eensayo, my mga oras, ang elementong napunta sakin ay ang apoy pati kay felipe kaya halos sabay kame
_______
"Ang dyos ng apoy!" Kinabahan ako nang marinig ko ang sigaw nayun, agad akong pumunta kung saan nanggagaling iyon "k-kuya?" Agad akong umupo sa lapag ng makita kong nakahiga roon si kuya
"anong nangyari?"
"Bigla na lamang syang bumagsak" saad ng batang babae saakin, maya maya ay dumating ang reyna, "hindi maari"
"Bakit mahal na reyna? Anong nangyari?"
"Hindi ko alam pero pareho sila ng sitwasyon ng dyos ng kinabukasan, ang pagkakaalam ko tatlo lang ang my kapangyarihan saatin nyan si ly, si kat at si ann, pero hindi pa nagagamit ni ly yan at si kat ay pinagbabawalan kong gumamit sya nyan"
"Si ann?"
"Malamang, Felipe, ly hindi nabangit sa inyo, ang kapangyarihan nayan ay ginagamit upang kunin ang espiritu sa katawan ng isang dyos gamit ang isang patak ng likido sa pagkain"Felipe/ken pov
Tanginang ann yan pinag overthink pa ako hindi naman pala talaga si Agustin gumawa nun kay kuya, pero si stell? Nagpakita na kaya? Hinahanap kaya ako ng bestpal ko?"Felipe? Ayos kalang ba?" Napatingala ako sa nag salita si Agustin
kasama si ly,
"ah oo dapat nga ikaw ang tinatanong ko eh, sa nangyari kay Josh"
"Si stell den" dagdag ni ly
"Si stell?""Hindi ko pala nasabi sayo, yung gabing nawala sya nag imbistiga kame ni tin sa tahanan nya, at doon ko nalaman na my kumuha sa kanya, pero sa pagkain nya my patak den ng likido na ganon, pero bakit pati katawan nya tatangayin kung pwede namang espiritu lang?"
"Ly, felipe, Agustin, my mga dyos at dyosang hindi tinatablan nun malamang ay hindi tinablan ang dyos na pinag uusapan nyo kaya mismong katawan nalang nya ang dinala" saad ng reyna
"Pero hindi dyos s-"
"Isa pang nakalimutan ko sabihin, sa pag balik namin sa nakaraan, isa syang kalahating dyos at mortal, kahit sya ay hindi alam yun"
"Ano pang hindi mo sinasabi ly?"
"ang pag kakaalala ko ayun lang mwehehehe"lumabas ako ng silid, "sino naman ang kumuha kay stell? wala naman silang mapapala dun kung kahit sya ay hindi alam na isa syang dyos" saad ko sa aking sarili, shit kailangan ko ng bilisan kailangan ko ng ayusin to kailangan ako ni stell, ni kuya, ni Josh..?
________