Chapter 5

18 0 0
                                    

|||||

-sa kabilang banda-

"t-tama na hindi kita kilala"saad ng isang binata na nakaluhod habang nakatali ang kamay sa kung saan, nakatanggap muli sya nang malakas na sampal, "hindi mo ako kilala?!pwes mag papakilala ako sayo! HAHAHA" tila baliw na tumatawa ang mukang demonyong dyosa, "ako ang tatapos sayo, well ayoko naman na ganon lang kadali ang buhay mo, syempre bago ka mawala, dapat malaman mo muna ang lahat hindi ba?" naka ngiti ang dyosa at hinimas ang mukha ng binata

"ano nga ulit ang iyong ngalan?" tanong ng dyosa habang nakapatong ang kamay sa ulo ng binata  walang na tanggap na sagot mula sa binata at kinainis nya ito, hinawakan nya ang buhok ng binata at sinabunutan ito "TINATANONG KO KUNG ANO ANG IYONG PANGALAN HINDI BA? SUMAGOT KA!" madiin na pag kakasabe ng dyosa "s-stell stell ajero"
binitawan nya ang buhok ng binata "Tama, kilala ko ang iyong ama" sagot ng dalaga, tila nabuhay ang loob at sobrang gusto malaman ng binata ang tungkol sa kanyang ama

"Ang iyong ama ang Unang humadlang saakin, dyos ng himig, nakakatawa't namana mo pala ang kapangyarihan nya, kay gandang tinig na dapat ng masira" kasabay ng huling salita ang pag init sa buong kulongan
"pero bago ang lahat my mga nais lamang akong ipakilala at ipaalalang masasakit na nakaraan sayo" nanghina muli ang binata, 'hindi ayoko marinig tama na, anong kasalanan ko?'
"una" nag labas ng mahika ang dyosa at ipinakita kung anong ginagawa ni Felipe sa mga oras na ito, "k-ken ken!" tawag ng binata, ngumiti ang dyosa at nag pakita ng iba pang nangyari, ito ang araw ng pag baba ng dyos ng buwan sa kanyang kaharian, unang araw na makilala sya ni stell, araw na naging mag kaibigan ang dalawa,
"nakita mo? isa syang katulad ko, katulad natin, *chuckles* ang kanyang tunay na ngalan ay Felipe, naalala mo si Justin? ang totoong ngalan nya ay Agustin, at ang dyos na iyon ay hangal! Tila ba alam lahat ng nangyayari at ayoko sa lahat ang ganon, kaya mag pakabait ka hmm?" sinakal ng dyosa ang binata at lumutang ito sa ere, maya maya ay binitawan rin ito ng dyosa

"sa tingin ko iniisip mo paano ka nadamay? simpleng sagot sa simpleng tanong, mang aagaw ka!" sigaw ng dyosa, at pumalakpak, napunta sila sa isa pang silid, tatlo ang tao- o ano ang nandoon, tatlo sila,

"hindi mo ba sila nakikilala?"
"Tama na Dyosa ng digmaan ano pabang kailangan mo narito na ako!" sigaw ng pamilyar na boses
"pamilyar hindi ba?" tanong ng dyosa sa binata, inilapit nya ang preso, umangat ang lahat ng balahibo ng binata, 'espiritu?'
"hindi mo ba nakikilala stell?" tanong ng dyosa, naguluhan ang binata at muling tinignan ang nakaluhod na lalaki sa likod ng dyosa 'pau..'

"p-pau?" naiiyak na saad ng binata
"HAHAHAHA nakakatawa kayo panoorin, huwag kang mag alala mahal, patapos narin ako rito" saad ng dyosa at sinakal muli ang binata, ngunit agad nya itong nabitawan ng mapaso sya, ngumisi lamang ang dyosa at tumingin sa isang preso, ganun din ang binata "nakakagamit ka parin ng kapangyarihan? ah hindi pala kita naipapakilala sa ating bisita na aalis den maya maya" ngiting saad muli ng dyosa, kahit puro pasa ay namukaan ito agad ng binata "J-josh" nahihirapang saad nya "ay hindi ko na nalaman na kilala mo pala sya sa mundo ng mortal, ang ngalan nya ay Joshua, sya ang dyos ng apoy, ay ikaw pala ang dyos ng kalikasan, kaso wala ka ng time magamit pa ang kapangyarihan mo, dahil pag sapit ng bilog na buwan, hindi kana muling sisikatan ng araw na buhay" kinumpas ng dyosa ang kamay nya at napunta ang binata sa tabi ng isang dyos "mag paalam kana sa kanya mahal, hindi mo na muli sya makakasama" ngising saad ng dyosa at umalis….

stell pov
'buong buhay ko hinintay kita, andami kong gustong sabihin sayo, humiling ako na makita muli kita ngunit hindi sa gantong paraan'

"m-mahal" nahihirapang saad ko sa kanya, nakangiti habang tumutulo ang luha saking mga mata, "pasensya, pasensya, hindi ito ang sinasabi ko noon na magiging pag kikita natin sa hinaharap nato, hindi ganito na isa na akong walang kwent-"
"mahal" putol ko sa kanya, nakalapit na ako, at niyakap sya, umiyak ng umiyak, hindi ko alam kung paano, o ano ang sasabihin, "mahal, b-bakit ka narito? bakit isa kang espiritu na nahahawakan ko naman?!" tanong ko sa kanya, "i-i isang kapangyarihan lamang ito  ngunit mahirap kumawala kahit isa kapang buong immortal kagaya ko, ni josh"
"Dyos, dyos d-dyos, hindi parin pumapasok sa utak ko, paul- pablo, mahal ano ba ito?"
"pasensya pasensya, kung pwede ko lang ibahin ang nakaraan, tatanawin nalang kita sa malayo, hindi na sana ako nag pakilala pa, edi sana wala ka sa sitwasyon na to patawad"
"hindi ko na alam pablo, si ken o si felipe o kung ano man name nya, isa syang dyos ng buwan  yung ly nakapatid nya daw isang dyosa ng kagandahan, si Josh yung sikat na ceo dyos ng apoy, ikaw yung taong- dyos na mahal ko isang dyos ng-?"
"ng kinabukasan mahal, ngunit tila humina na ang kapangyarihan ko makita ang kinabukasan kaya't ito ang kinahinatnan ko, si felipe ang aking kapatid, si ly ay aking matalik na kaibigan, habang nandito at nag papalakas ako ay sya ang bumibisita upang tignan ka kaya't alam kong naalala ka nya, si Joshua kapatid ni Agustin"
'tandaan pag pakita ng bilog na buwan ay ikaw ay mamamatay na' rinig nya sa utak nya, agad syang napahinto "nakapasok ang dyosa sa isipan mo stell wag kang maguluhan" saad ni pablo, "kung ito na talaga, ito na ba talaga ang huli?, hindi naba ako pwedeng humiling ng isa pang araw? oras?" naiiyak kong saad kay pablo, nais kitang halikan mahal…

"mahal, tandaan mo ito, kung ito man ang huli nais kong malaman mo na mahal kita, wala ng iba, wala ng hahanapin pa, pag ibig ko'y sayo sayo hanggang sa huling hininga ko stell" saad nya, kahit walang lakas ay sinubukan kong lumuhod upang pantayan sya, wala akong tali  ngunit nanghihina paano ako tatakas hindi ba? bakit hindi ko nalang tanggapin kong ito talaga ang para sakin?- may naramdaman akong labi, saaking labi, si pablo…
______
"tila ito na ang huli mong oras baka gusto mo munang mag bigay ng salita, ano tawag nila dun sa mundo nyo? ayun last words!" natatawang saad ng dyosa habang hawak ang maliit na kutsilyo "baka nahihinaan ka sa sandata ko, ipapakilala ko sya sa iyo, ito ang sandatang ipinang patay ko sa tatay mo, sandatang nakakapatay ng dyos, dahil hindi naman tumatalab saatin ang normal na ganto, ninakaw ko lang kay haliya to eh, at saksi ang kaharian nila, ayun ang buwan kung paano ko muli gagamitin ang sandatang ito upang pumaslang ng katulad mo! HAHAHAHA" tila nababaliw na saad ng dyosa habang tumatawa,

'kung hindi man dito sana sa susunod tayo naman.. pablo'
"stell" huling rinig ko bago lamunin ng dilim ang buong paningin ko

paalam…..

The God of Death and MoonWhere stories live. Discover now