xcv.

185 9 0
                                    

꣑𓍢

alesso's pov

"What?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi ba talaga halata? "Sabi ko mas mahal kita!" Mas malakas na sigaw ko.

"Gago ka! Wag mo 'kong biruin ng ganiyan. Iiyak talaga ako." Galit na. Bakit ganun? Ang ganda pa rin. Ang ganda ganda.

"I'm not lying, Giselle. I'm telling the truth. Gusto na kita. Noon pa. 5 years ago." Lalo nanlaki ang mga mata niya.

"What? 5 years ago pa? Sabagay, ganda ko ba namang 'to, imposibleng di ka magkagusto sa akin. Ano ka ba. Ako lang 'to." Sabi nya habang nagpupunas ng mukha niya.

"Right. Bakit kasi sobrang ganda mo." Tumawa siya. "Bolero." Iimik pa sana ako kung hindi lang sumingit si Mateo.

"Ano? Tapos na ba? O gusto niyo pa kaming manuod sa kalandian niyo?" Sinamaan ko siya ng tingin. Ang epal. This is our moment. Batuhin ko ng bola 'to mamaya.

"Ay sorry." Tumawa ulit siya. "Dito na po magtatapos ang show 'ko. Thank you po sa inyong lahat. Mag iingat po kayo pag uwi." So pure.

Nagpalakpakan ang mga tao. Ang iba ay umaalis na. Ang iba ay nagpapapicture pa kay Giselle.

Bakas sa kaniyang mukha ang pagod, pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito.

Palinga linga si Giselle. Itinaas ko ang aking kamay na may hawak na tulips flower dahil favorite niya iyon. Alam kong ako ang hinahanap niya.

Nung nakita niya ako ay ngumiti siya at patakbo siyang lumapit sa akin. Inangat ko ang aking dalawang kamay at ang sumalubong sa kaniya ay ang yakap ko.

I kissed her forehead. She giggled. "You tired?" Umiling siya. "Nope. Nandyan ka eh. You're my pahinga." I chuckled. Lakas talaga ng babaeng 'to.

Ilang minuto kaming ganoon. Nung kakalas na siya ay mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko. "3 minutes." She nodded. I've been waiting for this for a long time kaya hindi pwedeng bibitaw agad.

"Done." I said. Tumawa siya. "Cute mo." Umirap ako. "Mukha ba akong bata?" She nodded and smiled. "Baby ko." I laughed. Ginulo ko ang kaniyang buhok. Hindi siya umangal.

Ang weird. Ako mas ahead sa kaniya pero ako ang bini-baby niya. Hanep na yan.

"Let's go?"

"Okay. Paalam lang ako sa mga pinsan ko na sa'yo ako sasabay."

I nodded. "Take your time baby." Lalong lumawak ang ngiti niya. Ganda naman. Hinding hindi ako magsasawang makita ang mukha niya na nakangiti.

"Where's your things pala? Kukunin ko na para madala ko na agad sa car."

"You sure? Madami yun atsaka mabigat." Nag aalinlangan niyang sabi. Cute.

"It's okay. Don't worry."

"Kunin mo na lang sa loob. Thanks! Love you!" Nag flying kiss siya sa akin at tumalikod na para puntahan ang kaniyang mga pinsan.

"Love you more!" Habol ko sa sinabi niya. Humarap ulit siya sa akin. She did the heart sign at tumalikod na ulit.

Napaka. Hulog na ako. Lalo pang nahuhulog.

dancing shoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon